Lorna Tolentino returns to GMA-7 after one year with TV5; saddened by shelving of Haram

Lorna Tolentino on her decision to leave TV5: “Nanghihinayang nga ako kasi ang bait nila. Mababait silang kasama at sana mabigyan din sila ng ano rin… tumaas din ang viewership nila para sa gayon, meron din tayong isa pang network na mapagtatrabahuhan.”


Ang Haram sana ang magiging unang primetime series ni Lorna Tolentino sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network.

Pero nagdesisyon ang pamunuan ng GMA-7 na huwag muna itong ituloy dahil sa maselang kadahilanan. (CLICK HERE to read related story.)

Tatalakayin kasi ng teleserye ang pag-iibigan sa pagitan ng isang Kristiyanong sundalo at isang babaeng Muslim, na gagampanan nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla.

Si Lorna sana ang gaganap na ina ni Kylie sa teleserye.

Kahapon, October 4, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna sa Asian Academy of Television Arts (AATA) sa Quezon City.

Nagkaroon kasi ng conversation ang mga natitirang students ng Artista Academy sa beteranang aktres.

HARAM. Ang tungkol sa pagkaka-shelve ng Haram ang unang tinanong ng PEP kay Lorna.

“Sayang lang,” sambit niya.

“Maganda naman ang ano nila [rason], e, hindi pa ready. So, okay.

“Darating din siguro ang panahon.

“Sana kapag dumating din ang panahon, makasama pa rin ako.

“Kasi, napakaganda na, di ba, ang Chinese culture, naano natin. Yung kultura ng Pinoy, naano na natin.

“Sana yung kultura rin nila [Muslim], makita natin.

“Not necessarily naman… sometimes, yung traditional ano nila, yung paggawa, lahat yun imumulat… edukasyon.

“Part of education, not really religion.”

Na-disappoint ba siya nang malaman niya na hindi na matutuloy ang Haram?

“Siyempre, nakakalungkot. Kasi ang ganda ng script.”

Dalawang taon ang pipirmahang kontratra ni Lorna sa Kapuso network sa October 8.

At dahil ang Haram sana ang una niyang proyekto, may sinabi na bang kapalit dito?

“Nag-iisip sila, yung cast kasi... siyempre nakakaano naman ang buong cast na mawalan ng trabaho. Tapos, biglang mawawala.

“So, yung buong cast, yun pa rin, gagawan ng istorya.

“Pero wala pa.”

Posibleng ngayong taon din daw simulan ang taping ng programang ipapalit sa Haram. Noong Lunes, October 1, ay nag-conceptualize na nga tungkol sa ipapalit dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BACK TO KAPUSO NETWORK. Natapos na ang kontrata ni Lorna sa TV5 nito lamang September 30. Kaya naging maayos ang gagawin niyang pagbabalik sa GMA-7.

Kuwento ng aktres sa PEP, “Natapos ako ng September 30, pero ang nakaano talaga dun, up to October 15, yung sa contract ko.

“Gagawin ko pa rin naman yung Third Eye, hindi pa ako tapos.

“And then, nagpaalam naman si Nay Lolit [Solis, Lorna’s manager], pumayag naman sila at kailangan na rin namang magsalita rito sa kabila.

“Pumayag naman sila na, ‘Sige, puwede na siyang mag-start sa GMA-7.’

“Basta ang obligation ko lang is to finish Third Eye and Artista Academy.”

Ang Artista Academy ay hanggang October 27 na lang daw kunsaan gaganapin ang grand finals sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi ba nagkaroon ng option ang TV5 to renew her contract?

Sagot ni Lorna, “Dati kasi talaga, ang gusto nila, two years ang contract sa akin.

“Sabi ko kay Nay [Lolit], one year na lang muna. And then, parang i-feel muna natin kung ano.

“Nanghihinayang nga ako kasi ang bait nila.

“Mababait silang kasama at sana mabigyan din sila ng ano rin… tumaas din ang viewership nila para sa gayon, meron din tayong isa pang network na mapagtatrabahuhan.”

Ang naging deciding factor ba niya sa pagbalik sa GMA-7 ay hindi pa ganoon kalawak na viewership ng TV5?

“Yung hindi pa sila masyadong ano sa teleserye. Yung blocktime nila, paiba-iba pa.

“So, parang mas okay naman na… alangan naman na magpa-tie up ka na wala naman silang mabibigay sa ‘yo?

“Nakakahiya rin kasi guaranteed ang kontrata ko,” paliwanag ni Lorna.

Parang nahiya naman si LT nang tanungin kung ano ang pakiramdam na tatlong networks ang may offer sa kanya.

Sabi ng 50-year-old actress, “Ano… ako naman, hindi na nga ako kasali dun.

“Sa edad kong ‘to, kung sino ang makakapagbigay ng magandang trabaho, go!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang pagiging Kapatid niya sa loob ng isang taon?

“Mabuti, marami naman akong nagawa—Glamorosa, Third Eye, at saka nag-Pidol ako. Itong Artista Academy.

“So, marami rin naman, naka-apat na shows ako sa kanila.

“At saka, ang bilis lang din ng one year.

“Sinasabi naman ng TV5 na kapag naggawa sila ng movie… kasi hindi naman ako nakatali sa movie, kahit saan, puwede.”

Ang two-year contract na pipirmahan ni Lorna sa GMA-7 ay para sa mga teleserye lamang.



ARTISTA ACADEMY. Si Lorna ang isa sa Live Exam critics ng Artista Academy kunsaan anim na lang ang natitirang students: Vin Abrenica, Akihiro Blanco, Mark Neumann, Shaira Mae, Sophie Albert, at Chanel Morales.

Ano ang masasabi niya sa Artista Academy students?

“Ang maganda rito, talagang may training.

“Noong nasa StarStruck tayo, salang talaga. Hindi sila wino-workshop. Sarili nilang pag-aaral.

“Ngayon, nate-train sila, nasasabihan sila, nadidisiplina sila.”

Nakita niya ang improvement ng AA students?

“Oo naman,” mabilis at nakangiti niyang sagot.

“From day one, oo! Lalo na yung anim na natira, salang-sala na ang mga ‘yan.”

Safe naman ang naging sagot ni LT nang tanungin kung sino sa palagay niya ang karapat-dapat na maging Best Actor at Best Actress, na siyang tawag sa mananalong students.

“Close fight itong tatlong ito—tatlong babae at tatlong lalaki.”

Yung personal choice niya?

“Wala… kung sino ang makakapagbigay sa akin ng magandang performance sa live exam.

“Kasi, sinasabi ko, di ba, like si Shaira, kaya siya tumaas, yung sayaw niya, hindi ko ine-expect. Nag-seksi siya ng konti.

“So, hindi yun ang talagang usual niya.

“Si Sophie, hindi ko naman malimutan sa kanya ang Lady Gaga niya dahil akala ko, parang igaganun-ganun lang niya. Pero hindi rin, nagulat ako, aba!

"Ang sarap makita yung hindi sila.”

Sa tatlong babaeng naiwan—sina Shaira, Sophie, at Chanel—kanino niya nakikita ang sarili noong nagsisimula pa lang siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think si Chanel started that way,” sagot ni Lorna.

“Kasi noong bata ako… kasi siya, bata pa lang, nagdyo-join na ng mga contest.

"E, ako, ganoon din—oratorical, declamation, Balagtasan, name it!

“Ganun din si Chanel, bata pa lang.”

Si Vin Abrenica naman ang sa palagay ni Lorna ang young Rudy Fernandez sa tatlong lalaking natitira.

“Action? Ang katawan lang, e. Ang galing sumayaw.”

Pero dugtong niya, “Hindi ko talaga masasabi. Apat na live exams pa.

“Isipin mo, ano pa ang gagawin nila sa live exam?

“Hindi ko masasabi kung sino ang aangat dahil yung tatlong ‘yan, meron talaga.”

Sa palagay ba niya ay handang-handa nang sumabak sa showbiz ang graduates ng Artista Academy?

“Lahat naman ‘yan, kahit yung mga natalo na, kung pagbubutihin nila, meron silang paglalagyan.

“Hindi naman ganyan ang ano natin… there’s room for everybody. Mag-e-excel sila sa ganito,” sagot ni Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN