Kris Bernal shifts from drama to comedy and from girl to boy in Coffee Prince

Ito ang magiging hitsura ng young actress na si Kris Bernal sa role niya bilang Andy sa bagong primetime series ng GMA-7 na Coffee Prince. Sa istorya kasi ay kailangan niyang magpanggap bilang lalaki upang matanggap na barista sa isang coffee shop na pag-aari ni Aljur Abrenica bilang Arthur.


Hindi itinatago ni Kris Bernal ang pressure na nararamdaman niya sa nalalapit na pagsisimula ng pagbibidahan niyang primetime series sa GMA-7, ang Coffee Prince.

Ito rin ang magsisilbing balik-tambalan nila ng ka-batch niya sa StarStruck Season 4 na si Aljur Abrenica.

Sabi ni Kris, “Sobrang pressured kaya ako! Minsan nga, naiiyak na lang ako sa sobrang pressured ko.

“Sobrang challenge sa akin, e. Kasi, ako yung iba rito. Ako yung talagang effort.

“So, pinag-aralan ko talaga. Tumutok talaga ako.

“Tinutukan ko talaga ang script. Tinutukan ko lahat.

“Hindi ako nagpa-easy-easy lang dito.

“Kung parang sa ibang soap, nasanay na lang ako na drama, ito talaga, tinutukan ko.”

Dito kasi sa Coffee Prince ay kailangang magpatawa ni Kris, lalo pa’t role ng isang babae na magpapanggap na lalaki ang ginagampanan niya.

“Hindi ko alam kung marunong akong mag-comedy!” natatawang sabi ng young actress.

“Kaya ano, nagpapaturo talaga ako. Tinuturuan ako ni Direk [Ricky Davao], Ms. Tessie Tomas, Mr. Leo Martinez… kasi sila yung magagaling talaga.”

Halatang natuwa naman si Kris nang may magsabi rito na nagagalingan daw si Direk Ricky sa kanya. Kahit ano raw kasi ang ipagawa sa kanya ay nagagawa niya.

“Talaga? Talaga sinabi niya yun? Na-touched naman ako,” nakangiti at tila hindi makapaniwalang sabi ni Kris.

Kabilang daw sa ginawang preparasyon ni Kris sa role niya bilang Andy sa Coffee Prince ay ang three-day workshop niya kung paano maging lalaki. Nag-aral din daw siyang mag-drive ng tricycle at maging barista.”

Minsan nga raw sa taping nila ay hindi na siya nakikilala ng mga tao.

Kuwento ni Kris, “Hindi nila ako namumukhaan! Lahat sila, ‘Hi Aljur!’

“Parang ako, ‘Wala bang nakakakilala sa akin?’ Wala nang bumabati sa akin!

“E, nakapanlalaki pa ’kong damit.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa grand launch ng Coffee Prince noong Miyerkules, October 3, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TOGETHER AGAIN. Samantala, masaya si Kris sa pagbabalik-tambalan nila ni Aljur dito sa Coffee Prince.

Masaya rin daw siya dahil alam niyang masaya ang AlKris fans na mapanood silang muli simula sa Lunes, October 8.

“Excited na kaya sila,” sambit ni Kris.

“At saka alam n’yo, kapag nagtu-tweet ako ng pictures namin ni Aljur, yun kaya ang pinakamaraming likes ko. Yun ang pinakamaraming nagku-comment.

“Excited na ako kasi yun ang balik-tambalan namin. Ang saya rin sa set.”

Ikinuwento rin ni Kris na may eksena silang ginawa sa Coffee Prince na sobrang nailang daw talaga siyang gawin. Ito ay nang kinailangan niyang hawakan ang puwet ni Aljur.

“Oo naman! Sobrang nahiya talaga ako.

“Ipinaalam ko talaga sa kanya yun na ito ang gusto ni Direk.

“Ako, okay lang sa akin, walang problema.

“Sabi niya, ‘Sige, game!’ Game siya, e.”

Pakiramdam naman daw ni Aljur, lalaki talaga ang gumawa nun sa kanya.

“Talaga?” natatawang sabi ni Kris.

“Minsan nga, parang nandidiri siya sa akin.

“Kapag napapatingin siya sa akin, ‘Ngeee!’ Gumaganun siya kapag may mga eksena kami.

“Siguro nga lalaki na ang tingin niya sa akin.

“Minsan nga, hinahampas na niya ako, e!

“Ang liit kong lalaki, ‘beh! Ang payat ko pa!

“Pero ang role ko naman, cute little boy. Hindi naman matanda na kaya acceptable pa.”



CARL GUEVARA. Sa isang artikulo na lumabas dito sa PEP, nabanggit ni Kris na pinahinto na niya sa panliligaw ang Kapuso young actor na si Carl Guevara.

(CLICK HERE to read related story.)

Sinabi namin kay Kris na kailan lang ay nakausap namin si Carl at sinabi nitong “okay naman” sila.

So, ano nga ba talaga ang estado ng relasyon nila ngayon?

Paliwanag ni Kris, “Nagkataon kasi na naging busy ako, hindi na kami nagkikita.

“Kapag niyayaya niya akong lumabas, hindi na ako nakakasama.

“Pinapahinga ko na lang ang libreng oras ko. Parang wala na, parang hindi na kami nagkikita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May two weeks na raw silang hindi nagkikita ni Carl.

Pero dugtong ni Kris, “Pero alam n’yo, naiintindihan niya.

“Actually, okay naman kami. Kapag may time naman, okay lang.”

May nagbiro naman kay Kris na pampasira raw ang trabaho ng lovelife.

“Hindi naman!” natatawa niyang sabi.

“E, siyempre, trabaho muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN