Fabio Ide denies he almost transferred to ABS-CBN: “Hindi, hindi. No, no, no! Hindi totoo yun!"

Per project man ang kontrata ni Fabio Ide sa GMA-7, pinagbubuti naman niya nang husto ang kanyang performances. Sabi niya: “Pero I need to prove to them na magaling ako talagang umarte sa comedy, sa drama, hindi puwede na, ‘Ah, guwapo siya—kontrata!’ It’s not like that, di ba? So, I have to prove to them.”


Brazilian ang gagampanan ng Brazilian-Japanese model turned actor na si Fabio Ide sa Coffee Prince ng GMA-7.

Biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Fabio na “mahirap” ang papel niya bilang Leo na isang Brazilian din tulad niya sa upcoming show ng GMA-7.

Tumawa muna si Fabio bago nagkuwento.

“Hindi pa nag-start yung shoot ko, kasi papasok ako sa show sa second week.

“Ako yung foreigner na pumunta ako dito para mag-aral ng English.

“So, mas madali lang kasi puwede may accent. I’m the foreigner, so, I cannot just talk in English.

“Minsan may English, minsan may Taglish, minsan may Tagalog.

“So, sa una, medyo mahirap ang buhay ko, kasi magbebenta ako ng mga Brazilian sweets—brigadeiro.

Ang brigadeiro ay isang sikat na chocolate bonbon sa Brazil na kahawig ng itsura ng chocolate truffles.

“So, ibebenta ko yung mga sweets sa kalye, ’tapos in-invite ako magtrabaho sa coffee shop. So, the story goes from there," pagpapatuloy ni Fabio sa panayam nito sa PEP nung October 3, Miyerkules, sa presscon ng Coffee Prince sa Studio 7 ng GMA TV Complex.


PARENTS ON VACATION. Kuwento pa ni Fabio, nasa Pilipinas ngayon ang kanyang mga magulang mula sa Brazil para magbakasyon.

Dinala na raw niya ang ama na si Luis Ide at ina na si Anna Maria Ide sa Boracay para sa tatlong linggong bakasyon.

Sagot niya ba ang lahat ng gastos sa bakasyon na ito ng kanyang mga magulang?

“Hindi. Yung trip from Brazil to Manila, sila, pero I paid their ticket to go to Singapore, Hong Kong, and Boracay, ako ang bahala.”


SHOCKED. Nagustuhan daw nang husto ng mga magulang ni Fabio ang Pilipinas at nagugulat sila sa mga tanawin at pagkain dito.

“They love the Philippines! They are very overwhelmed, especially sa Boracay.

“They were like, ‘Oh, my God, unbelievable! Ang ganda ganda talaga ng lugar na ito!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos, they’re very like...yung tricycles, kasi walang tricycle sa Brazil and yung mga jeepneys.

“My mom was like, ‘Oh my God, it is so cute! I wanna ride the jeepneys.’ Parang ganun.”

Maganda rin naman daw ang beach nila sa Rio de Janeiro sa Brazil.

“Oo, pero iba ang Boracay. The style is different kasi malaki talaga at saka mahaba talaga yung beach sa Rio.

“Sa Boracay, medyo maliit ’tsaka lahat yung mga hotels dun mismo sa white sand, kaya they’re like, ‘Oh, my God, ang ganda-ganda!’

“’Tapos the food, they’re very fascinated with the food. They said it’s very similar to Brazil, to the Brazilian food.

“Like adobo, beef caldereta, yung mga beef tapa. They’re just a little bit shocked...

“Kasi we don’t eat rice sa almusal. So, they’re like “Oh, my God, people are having lunch in the breakfast!’

“So, parang, iba-iba yung mga culture, pero even my parents, like they went to the church to pray kasi Catholic tayo.

“So, yun lang, masaya talaga ang biyahe nila.

“Dumating sila ten days ago, hanggang next Thursday, kasi ang tatay ko meron siyang trabaho sa Brazil.

“He’s a dentist. So, medyo mahirap for him to get a one-month vacation, dapat two weeks, three weeks lang.

“Pero siyempre naman, sana next year, babalik sila dito para mag-stay with me.”


CELEBRITY SON. Natuwa rin daw ang magulang ni Fabio na ang anak nila ay isang celebrity sa Pilipinas.

“Oo naman. They saw a lot of people, picture-picture sa Boracay then lahat yung mga tao.

“Kasi you know how it is. Kasi sometimes, nobody sees you, pero if one sees you, then everybody sees you, then lahat sabay-sabay lalapit!

“So, my mom was like, ‘Oh, my God!’

“She’s not used to it, di ba? First time na nakita niya na ang mga tao coming...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Picture-picture, and then they will give the baby para magpa-picture...give the dog.

“She was like, ‘Oh, my God!’ Baliw na baliw!” ang natatawang kuwento ni Fabio.

“Pero siyempre naman, excited siya, at saka masaya sila talaga with my life here, my work here.

“I had to leave them, di ba? Like a long time ago, nine years ago to do something that I believe in.

“You know, it’s my dream, it’s my work. So, they’re really excited and they support me a lot.”


BREAKUP. Nagawi naman ang usapan sa lovelife ni Fabio, kung mayroon ba o wala.

Tugon niya, “Ok naman. Medyo malungkot ako, kasi two weeks ago kasi, me and my girlfriend broke up.”

Ang tinutukoy ni Fabio ay si Ces Olondriz, model at kasalukuyang art director ng Esquire Philippines.

“We just decided to..you know, we have to focus on our career first.

“’Tapos iba-iba ang buhay namin dito. So, we prefer to break up as friends muna, para you know, mag-focus sa trabaho talaga.”

One year tumagal ang relasyon nila ni Ces, at mutual naman daw ang desisyon na maghiwalay sila.

“Not really big reasons like fighting or...just, you know, we are different people.”

Cultural differences?

“Hindi yung culture. It’s really the work, you know, trabaho, ’tapos iyon lang, pero magkaibigan pa rin kami, iyon ang pinaka-importante.

“Hindi breakup na, ‘Oh, I hate you!’ Hindi, magkaibigan pa rin.”

Nagkita pa nga sila ng ex-girlfriend sa katatapos lang na Esquire Ball at pumunta si Fabio bilang suporta kay Ces.


DANIEL MATSUNAGA’S TRANSFER. Tinanong naman ng PEP si Fabio tungkol sa kapwa niya Mercator Model and Artist Management talent na si Daniel Matsunaga.

Ano ang masasabi niya sa paglipat nito mula sa GMA-7 papunta sa TV5?

“I think binigyan siya ng bagong opportunity sa TV5, so, siyempre naman...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, if he thinks and if he feels good, na dapat mag-transfer, if he’s not happy here, or you know.

“I don’t know. Like, me as a friend, I support him whatever decisions he makes. Like me, if I decided one day to transfer or if I’ll stay here.”

May balak din ba siyang iwanan ang GMA?

“We’ll never know, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa future.

“Pero right now, sobra-sobrang masaya ako, kasi binigyan ako ng bagong opportunity dito, di ba?

“So, first time kong gumanap ng ganitong role. So, siyempre naman, excited ako kasi lahat yung mga shows ko dati, puro comedy talaga.

“So, ngayon, merong konting drama, konting comedy. So, I really gonna give my best for the show to be successful, and to share my part for the show,” pahayag pa ni Fabio.


COMPETITION. Bagong talent si Benjamin Alves ng Mercator, kung saan talent din si Fabio.

Nasa Cofee Prince din si Benjamin at balitang sa kanya nakasentro ang atensyon ngayon ng Mercator at head nitong si Jonas Gaffud.

Hindi ba nagkakaroon ng inggitan o selosan sa pagitan nina Fabio at Benjamin?

Tanggi ni Fabio, “No, no! I think like, especially, when you enter sa showbiz, kung pumasok sa showbiz, especially, si Benjamin now...

“Mabait siya, magaling siya umarte. So, siyempre naman kasi bago siya, dapat a little bit more attention for him, kasi he’s just starting.

“Dapat, when people recognize him as, you know, a good actor, di ba, parang like then, everybody becomes the same level?

“So, that’s what I feel.

"Of course lahat-lahat kami, we want to work. So, ito yung pinaka-importante sa amin.

“Pero it’s not about being selos or anything, because not just Jonas support yung mga Mercator models.

“We, as friends, support each other to do better shows, to support each other. So, hindi selos. Support talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


DOING BUSINESS. Kumusta naman ang isa pa niyang kababayan, ang Brazilian-Japanese hunk din na si Akihiro Sato?

“Malungkot ako, kasi bumalik siya sa Brazil, ’tapos sinabi niya na babalik siya dito sa April.

“He’s doing really well there, masaya siya doon. Meron siyang restaurant there, di ba, yung pamilya niya?

“So, he’s taking care of the business, like you know, he has a great life there. So, siyempre naman, kung hindi siya bumalik dito kung saan siya masaya talaga.”

“Sabi niya gusto niya bumalik dito, pero right now, hindi siya puwede kasi maraming trabaho doon. So, dapat he helps his father.

“That’s what he told me.”


PER PROJECT. Walang kontrata sa GMA-7 hanggang ngayon si Fabio.

Paliwanag niya, “Lahat yung mga shows ko, per show ang contract.

“Pero parang, Kapuso ako kasi lahat yung mga shows ko, dito mismo sa GMA.

“Kaya nasabi ko na kung meron akong bagong opportunity doon [TV5], you know, you’ll gonna feel it, what is better for you.

“’Tsaka yung manager ko, si Jonas. siya yung magde-decide kung ano ang maganda sa akin.

“Pero sinabi ko sa kanya, happy talaga ako dito.”

Muntik na nga ba siyang lumipat sa ABS-CBN?

“Hindi, hindi. No, no, no! Hindi totoo yun!" todong tanggi ni Fabio.

“There was an opportunity that came from there, my manager told me about a show, that I could do it. But if I do it, I cannot be with GMA anymore.

“’Tapos I was a little bit like you know, anong gagawin ko, kasi gusto ko talaga dito [sa GMA]?

“Kaya hindi ko na tinuloy. And then yung invitation to work here sa Coffee Prince came in the right time. So, excited na ako. Siyempre naman, excited na ako talaga.”

Happy ba siya na ang contract niya sa GMA ay per show lang lagi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre mas gusto ko kung meron akong network contract.

“Pero I need to prove to them na magaling ako talagang umarte sa comedy, sa drama, hindi puwede na, ‘Ah, guwapo siya—kontrata!’

“It’s not like that, di ba? So, I have to prove to them.”

Ayon pa sa kanya, “I had seven shows already with GMA. Iba-iba yung mga shows ko, di ba?

“May hosting, sitcom, teleserye, comedy show... So, now first time kong gumanap ng ganitong role. Parang may drama, comedy...sabay-sabay.

“Kasi dati, all my shows were comedy, puro comedy talaga.

“So, now parang they’re believing in me more to give me something more real, something more important, di ba?

“Kaya I think all of us, medyo pressured kami. Kasi big hit talaga yung Coffee Prince dati, yung Korean original teleserye.

“Now kung may Filipino version, dapat big hit as well, di ba? So, we all gonna give our best to have a nice show.”


COSMO BASH. Sa recent Cosmo Bash, isa sa pinagkaguluhan si Fabio na rumampa na half-naked sa stage.

“Ito yung third year na nagrampa ako for Cosmo,” kuwento niya.

Shirtless at naka-jeans si Fabio sa show, pero papayag ba siyang rumampa or magpa-pictorial na naka-trunks?

“Maybe next year, to do something different. Maybe I can wear trunks na half-Filipino flag, half-Brazilian flag,” tumatawang sabi ni Fabio.

Dugtong niya, “Sa likod yung Japanese.”

Nagawa na raw niya dati ang magpa-pictorial ng naka-trunks lang.

“Oo. Like sa Brazil, sa Pilipinas, I did sa Boracay, maybe like 2006, marami, as a model.

“Pero after I started doing sa showbiz, si Jonas said hindi dapat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN