Steven Silva on playing supporting roles: "Siyempre, sa akin naman, gusto ko na maging leading man ulit."

Aminado si Steven Silva na may nararamdaman siyang kaba sa pagbasok ng bagong batch ng artista mula sa reality show ng GMA-7 na Protégé. Saad niya, "Sa totoo, medyo, siyempre medyo nagwo-worry kami doon. Kasi may papasok na ibang mga artista na bago, baka doon mapunta yung attention ng GMA. Pero I think I’m still in the plans of GMA. Siyempre, di ba, ngayon naman nandito ako sa Coffee Prince so I don&rsq


Sa Bench Universe denim and underwear fashion show noong September 13 and 14 ay rumampa sa stage si Steven Silva nang naka-jeans pero shirtless, revealing his well-developed physique.

First time ba niyang rumampa na naka-topless?

“Hindi, actually no... second time. Andun ako sa first show [ng Bench] nung 2010,” sabi ni Steven sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Coffee Prince last Wednesday, October 3, sa Studio 7 ng GMA Network.

Pero ngayon ay developed na nang husto ang katawan ni Steven.

Kuwento niya, “Kasi nung 2010, fresh pa ako galing ng StarStruck so hindi pa masyadong developed yung katawan ko.

“Pero ngayon naman, nag-prepare talaga ako this time. Nag-diet…

"I think ito yung first time na sinubukan kong mag-diet. Mahirap pala ‘yan, mahirap mag-diet.

“Actually, after nung Bench show, na-dengue ako after nun.

“I think yung sa dieting, sobrang parang bumaba daw yung resistensiya ko.

“So na-hospitalized ako for four days two weeks ago.”

Saan siya nakagat ng lamok?

“I think sa Pampanga ‘ata, nag-show kami dun. First time ko na-dengue.”

VISITORS. Sino ang unang dumalaw sa kanya sa ospital?

“I think ang first, yung handler ko sa GMA Artist Center, si Kuya Darryl. Siya actually ang nagdala sa akin sa ospital.

“Actually, magte-taping sana ako ng Coffee Prince, andun ako sa location.

“At ayun, medyo parang masama yung pakiramdam ko at saka ang taas pa ng lagnat ko.

“So, sinabi ko sa handler ko na baka puwede akong magpa-check-up muna.

“So, hindi ako natuloy mag-taping. Pumunta muna ako sa Capitol Medical Center.”

Sino pa ang dumalaw sa kanya sa hospital?

“Yung mga staff sa GMA Artist Center.”

Walang special someone na bumisita sa kanya habang naka-confine siya?

“Si Diva, dumalaw siya. Nagbantay din, nag-stay siya ng mga ilang oras,” nakangiting sabi ni Steven patungkol kay Diva Montelaba na napapabalitang special someone niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Tapos yung mga ibang friends ko sa GMA, si Rocco [Nacino], si Enzo [Pineda]... yung mga ibang staff din sa Artist Center.”

Nakaalis na ng Pilipinas ang mga magulang ni Steven bago pa man siya nagkasakit.

“Nasa States na sila. Umuwi sila dito nung August, nagbakasyon sila for one month dito.

"Pero ngayon naman nasa States pa rin sila kasi naka-base kami doon.

“Pero nagkita naman kami last month kasi nag-show kami ni Rachelle Ann Go for GMA Pinoy TV, so nagpunta kami doon. We were there for four days.

“Nag-show kami sa Union City tapos pagkatapos ng show, umuwi ako sa bahay for one day. One day lang ako doon sa bahay namin.

“At least we saw each other, nagkita naman kami ng parents ko.”

Close ba si Diva sa parents ni Steven?

“Oo, every time, pag andito sina Mommy and Daddy, nagkikita naman sila.”



COFFEE PRINCE. Sa Coffe Prince ba ay may kapareha si Steven?

“Sa tingin ko, wala. Kasi actually ang role ko dito, ako si Bamboo.

“Actually, wala siya sa original so, sa ngayon, hindi ko pa alam kung may partner ako o wala.

“Kasi si Bamboo, wala siya sa original, yung Korean original drama.

“So, ang role ko dun, ako yung best friend ni Benjamin [Alves as Errol], may-ari kami ng recording studio.”

Mabait ang role niya?

“Hindi ko pa alam, pero sakto lang. Hindi naman ako kontrabida or anything. Basta magkaibigan kami ni Benjamin.

“Parang sa tingin ko, ano ako… parang comedy relief as the best friend nga ni Benjamin.”

Sa dating afternoon soap ng GMA-7 na Koreana, isa si Steven sa mga leading men ni Kris Bernal, kasama ni Rocco Nacino.

Dito sa Coffee Prince ay si Aljur Abrenica ang katambal ni Kris.

Okay lang ba kay Steven na support lang siya sa Coffee Prince?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, sa akin naman, gusto ko na maging leading man ulit.

“Pero I mean, masaya din ako na may show, di ba? Mas okay na may show ka na hindi ka leading man kesa sa wala, di ba?

“So, I’m happy right now na may show ako, siyempre excited din ako sa Coffee Prince.

“And sana, sa future shows, sana maging leading man ako ulit, so iyon.”

ANOTHER BATCH. Si Steven ang Ultimate Male Survivor ng StarStruck V. Ngayon ay may malapit nang ideklara ang winners sa bagong artista search ng GMA-7 na Protégé.

Hindi ba siya threatened?

“Yun nga, sa totoo, medyo, siyempre medyo nagwo-worry kami doon.

“Kasi may papasok na ibang mga artista na bago, baka doon mapunta yung attention ng GMA.

“Pero I think I’m still in the plans of GMA.

“Siyempre, di ba, ngayon naman nandito ako sa Coffee Prince so I don’t think na I’ve been forgotten by GMA.

“They’re still taking care of me, so masaya naman ako.”

Five years ang kontrata ni Steven sa Kapuso network.

“May three years pa, hanggang 2015.”

So, hindi siya mapapa-pirate ng ibang station?

“Wala namang offer so, I mean, I’m happy.”

Kapag may offer at wala siyang kontrata, lilipat siya?

“No, I’m just saying… I mean like I’ve never heard anything about na may nag-offer sa akin or anything, so I think steady lang ako dito sa GMA,” sagot ni Steven.

Pero inamin din ni Steven na kung noong isang taon siya tinanong tungkol dito, noong panahong wala siyang project pagkatapos ng Time of My Life, ay baka ikunsidera raw niya kung may offers mula sa iba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN