Heart Evangelista prefers to keep relationship with Senator Chiz Escudero "private"

Hindi tuwirang inamin o itinanggi ng aktres na si Heart Evangelista ang rebelasyon ni Senator Chiz Escudero na girlfriend na siya nito. Paliwanag ni Heart, “Natutunan ko sa nakaraan ko that in any kind of relationship, pag naging publiko siya, madaming mga nauunang intriga. And so, maganda na yung ganito na I’m a bit private.”


Nagsalita na si Heart Evangelista sa ginawang pag-amin ni Senator Francis “Chiz” Escudero tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Inamin ni Senator Chiz na girlfriend na niya si Heart sa panayam nito kay Kris Aquino sa Kris TV kaninang umaga, October 5.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam naman ni Heart sa 24 Oras kanina, hindi itinanggi at hindi rin niya tuwirang inamin ang kanilang relasyon ni Chiz.

Paliwanag ni Heart, gusto muna niyang maging tahimik at pribado ang kanilang relasyon ng senador para na rin daw makaiwas sa intriga.

Pero aminado ang aktres na isa ang senador sa nagpapasaya sa kanya ngayon.

Saad ni Heart, “Actually, masaya ako, natutuwa din ako dahil hindi pala ako ang klase ng tao na mahirap mahalin.

“At the same time, we enjoy each other’s company. And we’re getting to know each other.”

Aminado rin si Heart na marami na siyang natutunan sa mga dati niyang relasyon.

Sabi niya, “Natutunan ko sa nakaraan ko that in any kind of relationship, pag naging publiko siya, madaming mga nauunang intriga.

“And so, maganda na yung ganito na I’m a bit private.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN