Benjamin Alves admits being attracted to Coffee Prince co-star Max Collins; says Rachelle Ann Go is his "best friend"

Benjamin Alvis on leading lady Max Collins: “Pareho kaming galing ng ABS-CBN. Then going back to the States and coming back here in GMA. When we were talking about it, sabi ko nga, ‘Oo nga, ‘no, parehong-pareho tayo.’ And it’s nice because we get along really well and I think we really look good on TV, and I’m so glad I’m partnered with her. Same wavelength po kami at magka-vibes kami sa set."


“It’s a perfect timing,” nakangiting pahayag ni Benjamin Alves tungkol sa naging paghihintay niya na magkaroon ng teleserye sa GMA-7 simula nang pumirma siya bilang isang Kapuso.

Nang pumirma si Benjamin sa GMA-7 ay tinatapos pa niya noon ang kanyang pag-aaral sa Guam.

Nang maka-graduate siya, saka pa lamang niya nabigyan ng kaukulang atensiyon at panahon ang kanyang showbiz career.

Ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na Coffee Prince ang unang teleserye ni Benjamin sa Kapuso network.

Gaganap siya rito bilang si Errol, isang record producer na half-brother ni Arthur (Aljur Abrenica).

Sabi ni Benjamin tungkol sa kinabibilangang soap, “Maganda po ang story.

“Natuwa po ako na kasama ko po sina Aljur at Kris [Bernal], and also Max [Collins] so I’m excited.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa press conference ng Coffee Prince noong Miyerkules, October 3, sa Studio 7 ng GMA Network.



MAX COLLINS. Si Max Collins ang kapareha ni Benjamin dito sa Coffee Prince


Base sa ngiti at pananalita ni Benjamin habang kausap siya ng media, hindi maikakailang masaya ang aktor na si Max ang kapareha niya.

Paliwanag ng hunky actor, “Enjoy nga kasi pareho po kami ng background.

“Pareho kaming galing ng ABS-CBN. Then going back to the States and coming back here in GMA.

“When we were talking about it, sabi ko nga, ‘Oo nga, ‘no, parehong-pareho tayo.’

“And it’s nice because we get along really well and I think we really look good on TV, and I’m so glad I’m partnered with her.

“Same wavelength po kami at magka-vibes kami sa set.

“When Aljur and Kris [Bernal] have their scene, kami [ni Max] ang palaging magkasama. Kami ang naghihintay.”

Dagdag ni Benjamin, “We’re developing a friendship.

“I’ve only met her when the show started and, really, she’s one of the closest fellow GMA artists na kasama ko, to think na ilang weeks lang kaming magkakilala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal pa naman daw ang itatakbo ng taping nila ng Coffee Prince. At para kay Benjamin, mahabang panahon na rin daw yun para makilala pa niya nang lubusan si Max.

Kung sakaling masundan daw ang team-up nila ni Max pagkatapos ng Coffee Prince ay okay kay Benjamin.

“Sana…sana.

“Kasi our relationship in the show is serious. She broke my heart in the show and she’s coming back into my life.

“Sa workshop po, we got good comments together.

“So, if it leads to future projects with us together, I’ll accept it.

“I’ll be looking forward to that.”

Diretsa naming tinanong si Benjamin kung “attracted” siya sa kanyang co-star.

“Halata ba?” nakangiti at tila nahihiyang sagot nito.

Pero dagdag ni Benjamin, “We’ll see, we’ll see… matagal pa. Two weeks pa lang kaming nagte-taping.”



RACHELLE ANN GO. Sa mga sumusunod sa Twitter account ni Benjamin, alam nila kung gaano kalapit ang aktor sa singer na si Rachelle Ann Go.

Kaya naman tinanong si Benjamin kung hanggang pagiging magkaibigan lang ba ang namamagitan sa kanila ni Rachelle.

“Best friend,” mabilis na sagot ni Benjamin.

“My very first job here was with her. Her music video, magkasama po kami dun, yung ‘I Care.’

“So we’re friends ever since and we’re also in the same small group, same church.

“She’s a good friend of mine.”

Magkasama rin kasi sila noon sa bakuran ng Viva, kung saan nagsimula si Benjamin bilang Vince Saldaña.

Mula sa pagiging malapit na magkaibigan, hindi siya nagkaroon ng atraksiyon kay Rachelle sa puntong puwede niya itong ligawan?

“Well, I won’t take it away. She’s really pretty and talented.

“Pero yung timing po, hindi kami nagkatugma, e.

“If ever there’s a chance, I’m busy now working. She’s busy with her concerts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, siguro, dito muna ako.

“And I have so many people here that I’m developing friendship, like sila Steven Silva who’s also from the States, with the veterans…

“So, marami pa pong relationship na made-develop sa cast so… however, kung gaano kalalim, we’ll see.”

Sila naman daw ni Aljur ay magkakilala na noon pa dahil sa basketball.

ORIGINAL VERSION. Ayon kay Benjamin, napanood niya ang original Korean version ng Coffee Prince noong ipalabas ito sa Pilipinas via GMA-7—ang primetime version at pati na ang rerun nito tuwing umaga.

“So, I was here for those two runs so I know the magnitude. And they made sure that they reminded us about the magnitude of the show!” natatawang sabi niya.

Napanood din daw ni Benjamin ang Thai version ng Coffee Prince.

Sabi pa niya, “Kami naman po nina Max, nina Kris at Aljur po, napanood na rin po namin as a group yung full version po.

“Kaya when we were doing the scene, yung script, ‘A, Filipinong-Filipino ito!’ Yung atake na ito, Filipino.

“You can say that the writers are very sensitive to the Filipino audience—and that’s good.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN