Boy2 Quizon on doing gay roles; including ones with a love scene with another man: “Basta, I will do anything na alam kong makakatulong sa akin. To actually, mold me pa, to take me to the next step.”

Dumating daw ang panahon na naging mapili at nag-iinarte si Boy2 Quizon sa mga nao-offer sa kanyang roles. Hindi na raw ngayon. Ayon pa kay Boy2: “Simula nung naano yung lolo ko, sinabi ko sa sarili ko I’ll never underestimate ang pagiging artista. I will make sure na kahit ano’ng ibigay sa akin, gagawin ko.”


Sa Coffee Prince ng GMA-7, bilang si Ervin ay isang gay role ang napunta kay Boy2 Quizon.

“Actually, natutuwa ako. Actually, una ko ito. Kasi ginagawa ko ‘to [gay roles] sa Bubble Gang, e. Sa Bubble Gang normal ito, e. Every week,” simula ni Boy2 sa panayam nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa presscon ng Coffee Prince na ginanap sa Studio 7 ng GMA TV Complex nung Miyerkules, October 3.

“Pero sa soap, natuwa ako. Kasi umabot sa point na, ewan ko, ha... Simula nung naano yung lolo ko, sinabi ko sa sarili ko I’ll never underestimate ang pagiging artista.

“I will make sure na kahit ano’ng ibigay sa akin, gagawin ko.

“Actually, it was a concept of Direk Ricky Davao. Hindi talaga ako yung gay, e. So, kinonsider nila, dalawang characters.

“I was supposed to play one of the ano, na loveteam-loveteam, mga straight which, ok din.

“Pero typical me yun, e. Na maloko, ganyan...pero Direk Ricky wants me to do this.

“So, sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, kahit ano, gagawin ko yan.’

“’Tapos ang tagal bago nila pinag-isipan... ‘Bakit si Boy2? E, parang walang maniniwalang babading-bading yan, di ba?’

“Normally, pag ako, yung comfort zone ko as me, kulot, that’s the reason why I had to cut my hair. Not for this project, but para lang hindi rin lang malimitahan yung characters na binibigay sa akin.”

ON PLAYING GAY ROLES. Peg ba niya sa kanyang gay role ang lolo niyang Comedy King na si Dolphy?

“Hindi naman,” sagot ni Boy2. “Wala lang.

“Alam mo yung sa Glee, yung bading dun? Isa yun.”

Ang openly gay Hollywood actor na si Chris Colfer ang tinutukoy ni Boy2. Ginagampanan ni Chris ang papel na Kurt Hummel na isa ring gay sa Glee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman mataas kasi yung look sa coffee shop,” patuloy ni Boy2. “Ang nakita mo, para siyang interior designer, e.

“Saka para sa akin, wala, e. Parang ang sarap laruin, e. Parang nandun ako sa stage ngayon na, like what I said, kahit ano’ng ibigay sa akin, gagawin ko.”

Sa pelikula, payag ba siya na maging bading sa isang seryosong papel?

“Kahit ano gagawin ko,” mabilis na sagot ng apo ni Dolphy.

Kahit may love scene sa kapwa niya lalaki?

Natigilan muna si Boy2 bago nakasagot.

“I mean, basta, I will do anything na alam kong makakatulong sa akin. To actually, mold me pa, to take me to the next step.

“Kasi there was a time na hindi ako nag-focus sa pagiging artista, kasi nagtayo ako ng business na more on production, e.

“Nag-aral kasi muna ako, e. Parang pre-production laboratory yun. ‘Tapos, nagtayo kami ng production house, ‘tapos parang na- spoil ako sa sarili ko, kasi siyempre nagtayo ka ng business mo, ikaw ang nasusunod, e.

“Sa tototong buhay kailangan kong pagdaanan yung proseso ng pagiging artista, e.

“Unang-una, I’m lucky yung lolo ko, siya yung tao na talagang nag-umpisa nito, di ba?” ani Boy2 sa pag-alala na rin sa gay character ng lolo niyang si Dolphy nung 1954 sa pelikulang Jack En Jill.

“Kami nga, suwerte kami, kamag-anak, di ba, nandiyan?

“So, I told myself na ayoko ng ganito. Gusto ko kahit ano ngayon, patutunayan ko, kasi iyan ang kinalakihan ko, e.

“So, parang hindi na ako mag-iinarte.

“Kasi yung dati, yung buhok ko—hindi ko naman masasabi yung buhok ko talaga, doon ako nakilala—without that hair hindi ko din masasabi makikilala ako.

“Ako kasi, yun talaga ang nag-iba sa akin.

“Pero I cannot have that all the time. I can say na it’s about time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REPRESENTING DOLPHY. Aminado si Boy2 na dati ay nag-inarte siya sa pagpili ng roles or projects.

“Yes! Maarte talaga. Kasi nung time na yun nag-decide ako na mag-aral din pero alam kong marami akong bagay na gusto pang gawin, e.

“At nakita ko talaga sa lolo ko, yung alam mo, may mga time noon nung buhay pa siya, mahina na siya noon, parang gusto mo nang ibigay ang katawan mo...

“Na, ‘Lo, sa iyo na ‘to!’

“Kasi if he has that body, na parang, di ba? Gagawin niya, e.

“Nakita ko yun, kahit sa kadulu-duluhan.

“So, nung sinabi ko, iyon yung talagang, that woke me up. Sinabi ko kahit, hindi naman kailangang maging next Dolphy, e, wala namang makakagawa nun, e. There’s no such thing....there’s no such thing.

“But I’m just happy that whatever happens, kung sinuman sa aming pamilya na lumabas lang diyan, it means something already. Because we represent him and I have to do something about it.

“And to show them na, di ba?”

Sa Coffee Prince, bida sina Aljur Abrenica as Arthur at Kris Bernal as Andy.

Kasama rin sa cast sina Benjamin Alves as Errol, Max Collins as Arlene, Fabio Ide as Leo, Steven Silva as Bamboo, Kim Komatsu as Mylene, Sef Cadayona as Baldo, at ang mga veteran stars na sina Tessie Tomas as Beth, Ces Quesada as Lorna, Ronnie Henares as Oliver, Leo Martinez as Ernie at si Miss Celia Rodriguez as Mamita.

Ito ay sa direksyon ni Ricky Davao at magsisimula na sa Lunes ng gabi, October 8.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN