Max Collins on Benjamin Alves: “Cute naman... sino ba naman ang hindi maa-attract kay Benjamin? Mabait kasi siya.”

Sa unang pagkakataon ay magkakaroon na ng primetime series ang bagong Kapuso na si Max Collins. Kasama ang young actress sa bagong GMA-7 primetime series na Coffee Prince kunsaan second lead sila ni Benjamin Alves at main lead naman sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.


Pagkatapos mapanood sa afternoon soap na The Good Daughter, isang primetime series na ang kasunod na proyekto ni Max Collins sa Kapuso network.

Kasama si Max sa Coffee Prince kunsaan second lead sila ni Benjamin Alves, at main lead naman ang balik-tambalang sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Kahit tatlong buwan nabakante si Max pagkatapos ng The Good Daughter ay hindi raw ito naging problema sa bagong Kapuso.

“Siguro nga po mga three months din po since The Good Daughter, but I’m so happy,” nakangiting pahayag niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Coffee Prince noong October 3 sa GMA Network.

Kuwento pa ni Max tungkol sa kanyang role, “I play the role of Arlene.

"Ako ang kababata ni Arthur, ang karakter ni Aljur. Tapos, naging boyfriend ko si Errol, si Benjamin.

“Noong bumalik ako, parang binalikan ko siya [Errol]. Bumalik ako sa Pilipinas para makipagbalikan.”

Isa raw sorpresa kay Max ang pagkakasama niya sa Coffee Prince.

“Hindi ko siya ine-expect," sambit niya.

"Sobrang thankful ako kasi first primetime ko ever.

“Even sa ABS-CBN po, hindi pa ako nakapag-primetime.

“Masaya ako kasi ang maganda pa, maganda ang story, light siya, romantic-comedy and, finally, nagka-loveteam na ‘ko.

“Hindi na ‘ko epal [kontrabida] sa mga loveteam,” nakangiting biro niya.



BENJAMIN ALVES. Napag-uusapan na rin lang ang loveteam, naitanong ng PEP kay Max ang kapareha niya sa Coffee Prince na si Benjamin.

Sa hiwalay na panayam kasi namin kay Benjamin ay obvious na attracted ito kay Max. (CLICK HERE to read related story.)

Pero mukhang ang pagkakaintindi ni Max sa tanong namin sa kanya ay kung attracted ba siya sa kanyang leading man.

“Cute naman... sino ba naman ang hindi maa-attract kay Benjamin? Mabait kasi siya,” sabi niya.

Biro namin tuloy sa young actress, mutual pala ang attraction nila sa isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi naman ni Max, “No, hindi... same kasi ang story ng background namin in a way.

“Bumalik siya sa Guam after na mag-try siya rito. Gayundin ang nangyari sa akin.

“Bumalik ako sa States, nag-showbiz ulit.

“At pareho kaming madaldal. Nagkakasundo kami. Friends lang kami.”

Nararamdaman niyang attracted sa kanya si Benjamin?

“Napi-feel ko na may chemistry kami as loveteam. So, I’m happy na siya ang naging loveteam ko kasi sobrang gaan ng vibes niya.”

Posible kayang magtuluy-tuloy ang team-up nila kahit tapos na ang Coffee Prince?

“Sana, sana talaga... kasi I’m comfortable with us together.”



NOT A KONTRABIDA. Nilinaw ni Max na hindi kontrabida ang role niya sa Coffee Prince.

Aniya, “Parang maiinis lang ako sa character ni Kris kasi akala ko lalaki siya. So, may mga funny moments lang kaming dalawa, yun lang.”

Bumili na lang si Max ng DVD copy ng original Korean version ng Coffee Prince dahil hindi niya ito napanood nang unang ipalabas sa GMA-7 din.

“Pinanood ko siya sa DVD at saka yung sa YouTube rin. And I think, sa original version, mas seryoso siya.

“Dito naman, mas light, mas charming.”

Aminado si Max na may effort siya na kahit paano na gayahin ang original na Arlene, na ginampanan ng Korean actress na si Jung-an Chae.

Aniya, “Yes, may effort in a sense na, actually, pinag-aralan ko.

“Um-effort akong intindihin kung saan siya galing. Kung ano ang pinanggalingan ng character niya.

“But then, based sa script, iba, iba talaga ang galaw. Iba ang pagkatao ng character.

“So, iniba ko na lang. Para fresh ang dating.”



NEW KAPUSO. Wala pang isang taon si Max sa GMA-7 mula nang lumipat siya rito mula sa ABS-CBN.

Kumusta siya bilang isang Kapuso?

“Dito sa GMA, I think, seven months na rin ako.

“Masaya! Kasi, lahat ng mga nakatrabaho ko, mababait at saka magaan sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na sa The Good Daughter, magaan sa set. Dito rin, magaan sa set, masaya.

“So, I’m really happy.”

Dagdag niya, “Ang gaganda ng role na ibinigay sa akin ng GMA kaya masaya ako.

“And everything since I moved to PPL, iba.”

Ang PPL ay ang talent management ni Perry Lansigan.

Isa sa malapit na kaibigan ni Max si Lauren Young na balitang lilipat din daw sa GMA-7.

Ano ang alam niya tungkol sa balitang ito?

Sagot niya, “Oo nga, may balita nga na lilipat siya. At least, may kasama ako from ABS.

“Actually, pati rin naman si Bela Padilla, kasabay ko siya, ka-batch ko siya sa ABS, so magkasama na kami.”

Anim na taon nanatili si Max sa ABS-CBN bago lumipat ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN