Artista Academy scholar Stephanie Rowe on being linked to JC de Vera: "As friends, we like each other. Pero we don’t like each other beyond friends."

Stephanie Rowe on JC de Vera: “Maybe for other girls, they find him attractive. Pero para sa akin… hindi ko sinasabing hindi siya guwapo, pero he’s like the guy na… hindi ko alam. Maybe wala pa kasi sa isip ko na mag-admire sa mga guys.”


May balitang interesado raw ang young actor na si JC de Vera sa isang female scholar ng artista search ng TV5 na Artista Academy.

Ito ay ang 16-year-old scholar mula sa Pampanga na si Stephanie Rowe.

May lumabas na balitang dinalaw raw ni JC si Stephanie sa isa sa mga naunang tapings ng Artista Academy. Nasundan pa raw ito ng panonood daw nilang dalawa sa stage play na Bona.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Stephanie sa backstage ng Artista Academy sa Broadway Centrum, parang alam na niya ang itatanong namin sa kanya.

Kaya nang kumustahin namin ang samahan nila ni JC, mabilis siyang sumagot ng: “We’re friends.”

"WE DON’T LIKE EACH OTHER." Hindi itinanggi ng showbiz hopeful ang nabalitang panonood nila sa stage play na pinagbidahan nina Eugene Domingo at Edgar Allan Guzman.

Pero paliwanag niya, “Parang ako lang yung wingman dun sa theater.”

"Date" bang matatawag yung panonood nila ng stageplay?

“It’s not a date. Parang kailangan mo lang ng buntot na kasama.

“Alam mo yun… parang ang hirap i-explain. Pero we don’t like each other,” sabi ni Stephanie.

Ano ang ibig niyang sabihin sa “we don’t like each other”?

“Yun bang parang, as friends, we like each other. Pero we don’t like each other beyond friends.”

Nagsasalita na ba siya nang patapos?

“Yes,” mabilis niyang tugon.

Totoo?

Ngumiti muna si Stephanie at saka sinabing, “Well, let’s see. But for now, we’re just friends lang.”

MEETING JC. Paano sila nagkakilala at naging close ni JC?

“Uhm… he went here [sa taping], one of the exams. And he just said hi, hello. At yun, goodbye na.”

Wala bang palitan ng mobile numbers?

“No, nung sa Alay Tawa ni Dolphy, doon kami nagpalitan ng numbers. That day, we started texting. Yun lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yun ba yung mga text messages na “getting to know each other”?

“Yeah, getting to know, getting to know... Just like getting to know friends with anyone.”

Ano ang nararamdaman niya na isang sikat na aktor na gaya ni JC ay nagkainteres na makilala siya?

Sagot ni Stephanie, “He’s not the only one who approached me na big celebrity.

“So, it was nothing. It was nothing to me.

“Pero he’s nice naman dahil he approached a newbie like me as a friend.”

Ibig sabihin, maliban kay JC ay may iba pang celebrities na nagpakilala sa kanya at nagkainteres?

“Just friends… kasi dati, parang nag-guest ako sa Bubble Gang.

“Ayun, nakilala ko silang lahat, like si Antonio [Aquitania]. Well, Antonio is my neighbor in Pampanga,” kuwento ni Stepahine.

Paano siya nakapag-guest sa Bubble Gang, ang gag show ng GMA-7?

“Isinama ako ni Antonio… I think that was last summer. Wala pang Artista Academy at that time.”

Patuloy pang kuwento ni Stephanie, “He’s my neighbor and maraming background behind it.

“It was my mom kasi… I think they knew each other na.

“Tapos yung sister ko and yung kapatid ni Antonio, they used to date. So, yun.”

NOT HER TYPE? Sinasabi ng iba na magandang opportunity raw ang pagkaka-link ni Stephanie sa isang gaya ni JC para mapansin siya sa showbiz. Ano ang masasabi niya rito?

“Ah, no… no. Una, hindi ko naman inano para mapansin ako or anything.

“Pero all I did was para friends lang talaga. Kasi, we’re friends naman talaga.”

Masosorpresa ba siya kung mapunta sa ligawan ang friendship nila ni JC?

“Yeah, I know.

“Parang ayokong mapunta doon, gusto ko friends lang.

“Kasi it’s hard to maintain a relationship in showbiz, di ba?

“Ang hirap, walang time, away pa, stressing. Stressing na nga yung work, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First priority is job muna and baguhan pa lang ako, so hindi pa ako ready.”

Takot ba siyang maintriga na nanggagamit para makilala?

“Hindi naman ako takot. Pero ano lang, nagiging aware lang ako sa mga ganitong bagay.”

Wala ba siyang bashers sa Twitter o natatanggap na negative feedbacks sa pagkaka-link niya kay JC?

“Wala naman. Wala akong haters sa mga yun. Mabuti naman.”

Ano ba ang pagkakakilala niya kay JC?

“Well, first time I saw him kasi I was wearing heels, ‘Oh, wow, he’s short!’ Yun lang.”

Naggaguwapuhan ba siya kay JC?

“Maybe for other girls, they find him attractive.

“Pero para sa akin… hindi ko sinasabing hindi siya guwapo, pero he’s like the guy na… hindi ko alam.

“Maybe wala pa kasi sa isip ko na mag-admire sa mga guys,” sagot ni Stephanie.



ARTISTA ACADEMY. Pagdating naman sa Artista Academy, bagamat hindi nakasama sa Final 6 si Stephanie, nae-enjoy pa rin daw niya ang pagiging scholar ng artista search ng TV5.

“It’s fun, maraming experience, maraming stuffs na nangyayari sa akin. Nag-e-enjoy ako.

“Like along the way, gaya ng sinasabi ko, marami akong nakikilalang tao, maganda yun—like JC and other big one in the business.

“Hindi ako napi-pressure kung ganito lang yung na-reach ko sa contest, ini-enjoy ko lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN