Heart Evangelista on age gap with boyfriend Senator Chiz Escudero: “It’s nice rin naman. I learn so much.”

Heart Evangelista on what she likes about Senator Chiz Escudero: “Siguro yung sincerity niya sa lahat ng tao… yun siguro. Kasi, especially he’s a politician, it’s really refreshing to see somebody like that. Minsan tahimik siya, pero napakabait niya. Nakakatuwa siya. He’s really down to earth, such a simple person as well.”


Kapansin-pansin ang kakaibang glow at saya ni Heart Evangelista matapos aminin ni Senator Chiz Escudero sa publiko ang tunay na estado ng relasyon nila.

(CLICK HERE to read related story.)

Tungkol dito ang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heart nang makakuwentuhan namin siya kanina, October 7, sa backstage ng Party Pilipinas sa Studio 7 ng GMA Network.

Bakit nga ba natagalan at hindi kaagad niya naamin ang tungkol sa pagkakamabutihan nila ni Senator Chiz?

“Actually, hindi naman sa hindi ko inamin,” simula ng Kapuso actress.

“It’s something that you should be happy about that you’re together with someone.

“It’s just that ano… kumbaga, parang balato ko na lang sa akin ‘yon.

“Na parang for once in my life, I wanted something that I can enjoy first on my own—without announcing to the whole country na may boyfriend ako or something.

“So parang, kumbaga, in-enjoy ko muna siya na sa akin lang.

“Pero nang tinanong naman nga ako, hindi naman ako nag-deny na… we are together.”

SENATOR CHIZ. Ano ang nagustuhan niya kay Senator Chiz?

“He’s such a nice person. Seryoso siya pagdating sa mga dapat na seryosohin, pero napakasimpleng tao lang niya.

“Uhm… nakakatuwa kasi he’s someone that you can really look up to, kasi nakikibagay talaga siya sa iba’t ibang klase ng tao.

“And I learn so much from him.”

Ano ang katangiang taglay ng senador na sa tingin niya ay mahirap makita sa ibang lalaki?

Sagot ni Heart, “Siguro yung sincerity niya sa lahat ng tao… yun siguro.

“Kasi, especially he’s a politician, it’s really refreshing to see somebody like that.

"Minsan tahimik siya, pero napakabait niya. Nakakatuwa siya.

“He’s really down to earth, such a simple person as well.”

SENATOR’S GIRLFRIEND. Hindi ba nakaka-pressure na maging girlfriend ng isang senador?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A… hindi ko pa napi-feel ang pressure,” sabay ngiti ni Heart.

“But, uhm… again, this time around, in way, I’d like to keep things a bit private.

“Hindi naman sa may itinatago ako or anything. Just, you know, yung relaxed lang na kind of relationship.

“Siguro it’s better that way para nga hindi maunahan ng mga intriga.”

Sa palagay niya, si Senator Chiz na ba ang lalaking itinakda ng kapalaran para sa kanya?

“In every relationship, you’d like to think so,” matipid na sagot ni Heart.

PARENTS’ APPROVAL. Kinonsulta ba niya ang kanyang mga magulang bago siya nagdesisyong sagutin si Senator Chiz?

“No. I’m of age na kasi, e, kaya wala nang gano’n pa.”

Ano ang reaction ng parents niya when it finally came out in the news na sila na nga ni Senator Chiz?

“Wala. Kung saan naman ako masaya, dun din sila.”

Boto ang pamilya niya sa senador bilang boyfriend niya?

“Oo. Ano naman sila, e… they’re very supportive with me.”



AGE DOES NOT MATTER. Nakakapanibago na ang karelasyon ni Heart ngayon ay mas mature kesa sa kanya at pulitiko pa.

Nasanay kasi ang publiko na ang nauugnay sa kanya ay artista rin at kaedad niya; katulad nina John Prats, Jericho Rosales, at Daniel Matsunaga.

Si Heart ay 27 years old pa lamang, samantalang si Senator Chiz naman ay 43.

“It’s nice rin naman. I learn so much,” sabi ni Heart patungkol sa pagkakaroon ng karelasyon na malaki ang agwat ng edad sa kanya.

Dahil may mga anak na si Senator Chiz sa ex-wife nitong si Tintin Flores, instant mom bigla si Heart kapag nagkatuluyan sila.

Pero umiwas si Heart nang matanong tungkol dito.

“Ayokong pag-usapan,” sabi niya.

Hindi pa sila magkakilala ng mga bata?

“I don’t want to comment,” pag-iwas muli ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ELECTION TIME. Susuporta ba siya at sasama kapag nagsimula nang mangampanya si Senator Chiz para sa eleksyon next year?

“We still have to talk about that,” maikling tugon ni Heart.

Pero willing naman siguro siya na ibigay ang all-out support niya para rito?

“Hindi ko pa alam kasi I’m doing so much din, e.

“May soap ako, tapos may movie rin ako.

“Matatapos na ang Luna Blanca. And after nito, meron kaagad akong gagawing bagong soap.

“Hindi pa ako puwedeng magkuwento ng detalye tungkol dito. Pero sa pagkakaalam ko, ang tema ay parang love story.

“Hindi ko pa rin alam kung sino ang mga nasa cast na makakasama ko. Wala pa ring sinasabi sa akin kung sino ang makaka-partner ko.

“Yung movie naman, ito yung Sosy Problems na entry for Manila Film Festival. It’s a comedy film.

“Kasama ko dito sina Solenn Heussaff, Bianca King, Rhian Ramos, at Ruffa Gutierrez.

“Ang kuwento nito ay tungkol sa buhay ng mga sosyal na magkakaibigan at kung ano ang mga nagiging problema ng mga mayayaman.”

Sosyal at anak-mayaman siya sa totoong buhay. So, madali siyang makaka-relate at hindi na mahihirapan sa role niya sa nasabing pelikula?

“Oo, hindi na!” tawa ni Heart. “Mag-e-effort lang siguro ako ng konti kasi mas maarte ang character dito kesa sa totoong ako.”



HEART IN POLITICS. Natutuwa naman daw si Heart na naiintindihan ni Senator Chiz ang tungkol sa trabaho niya bilang isang artista.

“Very supportive naman siya sa trabaho ko. At supportive din naman ako sa trabaho niya,” nangiting sabi ng aktres.

Wala pa bang nang-eengganyo sa kanya na pumasok na rin sa pulitika?

“No, I don’t think of that. I’m so busy with what I’m doing now.”

But with Senator Chiz around, hindi malayong maimpluwensiyahan siya nito kung pagpasok sa public service ang pag-uusapan. Not to mention na close din si Heart kay Senator Miriam Defensor-Santiago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’ll, I’ve always ano with Tita Miriam so hindi na bago sa akin ang tungkol diyan.

“Pero it’s something that I don’t think of na because I have so much that I wanted to do pa, e.”

Hindi kaya dahil sa pagiging close niya at pagsama niya kay Senator Miriam kung kaya naging okey kay Heart na ma-in love siya sa isang senador?

“No naman,” sagot niya.

“The reason why she introduced me to different people, not necessarily to be linked romantically.

“She just wanted me to… you know, widen my horizon and let me see the other world aside from show business.”



AFRAID TO LOVE AGAIN? Natatakot pa ba siya pagdating sa pag-ibig o pakikipagrelasyon?

“Hindi naman sa natatakot but I’m very careful, even with my decision.

“Or like now about… there’s a difference of denying and admitting.

“But living a quiet… you know, parang a private life, hindi sa itatago mo.

“Pero yung i-enjoy mo lang na parang… for the first time, this is for me. Parang gano’n.

“So siguro ‘yon lang.”

Hindi kaya maging mahirap para sa kanya at kay Senator Chiz ang relasyon nila dahil pareho silang busy sa kani-kanilang propesyon?

“Hindi naman” tugon ni Heart.

“Kung gugustuhin n’yo namang magkita, magkikita at magkikita kayo.

“In a relationship, you do make time for each other.”

So depende na talaga ‘yon kung gaano nga nila kamahal ang isa’t isa?

“I guess so!” sabay tawa ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN