Bela Padilla opens up emotionally for daring role in Magdalena

Hanggang saan ang kaya ni Bela Padilla na gawin para sa kanyang launching afternoon soap na Magdalena? Sagot ng young actress, “Hindi ko pa alam kung hanggang saan yung pinaka-daring na ipapagawa sa akin. Hindi pa nila sinasabi. Feeling ko, ayaw nila akong gulatin. Pero siyempre, kung hanggang saan lang puwede sa TV. They’re not gonna make me do things that the televiewers can’t watch.”


Ngayong araw, October 8, na ang simula ng airing ng pinakabagong afternoon series ng GMA-7 na Magdalena.

Bida rito si Bela Padilla na sa kauna-unang pagkakataon ay pumayag gumanap sa isang medyo sexy at daring na role.

“Super excited ako,” nakangiting sambit ni Bela nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, Sunday, October 7.

“I can’t even explain yung excitement na nararamdaman ko. Parang I’m just so excited to watch it on TV at 4:30 p.m.

“Planado na ang buhay ko ngayong Monday na hindi ako lalabas. Manonood lang ako ng Magdalena.”

Hindi raw malilimutan ni Bela ang naramdaman niyang sobrang kaba nung first taping day para sa pinagbibidahang afternoon soap.

“Yung kapag hindi ka pa makapasok sa character mo? Kasi siyempre, medyo naninibago ka pa.

“Dun, hindi ko maiwasang hindi kabahan do’n.”

DARING SCENES. Sa trailer pa lang ng Magdalena ay may mga ipinapakita nang mga daring scenes ni Bela. Paano niya inihanda ang kanyang sarili para rito?

“Well, physically, unang-una, exercise tapos diet. I lost a lot of pounds for the role.

“And uhm… emotionally, I guess I just opened myself.

“I think parang mas nakakatulong yung kapag nasa set ka na, pag nandiyan na lahat yung available stimulus na kailangan mo.”

Sino ang kanyang naging peg sa kanyang pagganap sa kanyang role sa Magdalena?

“Actually, hindi nila ako binigyan ng peg.

“At saka ako rin, sa sarili ko, kapag may gagawin akong bagong role, hindi ako naghahanap ng peg.

“Kasi baka ma-pattern ko doon yung buong show. So mas gusto ko yung let’s see where I take myself.

“Kaya I don’t really set a peg.”

Ano ang pinakamahirap na daring scene na nagawa na niya para sa Magdalena?

“Yung rape scene ko with Ryan Eigenmann,” sagot ni Bela.

“Mahirap kasi kunwari yung parang drinag ako, natatawa ako na naiiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think iyon ang hardest scene na nagawa ko sa buong buhay ko.

“I think… parang hindi ko alam kung tatawa ako o iiyak. Kung pipigilan ko siya or hahayaan ko siya.

“Kasi nga, binigyan niya ako ng something to make me happy. Parang gano’n.

“So, malungkot. Very masalimuot.

“At saka lagi akong nahahampas-hampas sa pader kaya nagkakapasa-pasa ako.”

Yung eksenang naliligo siya nang naka-kamison, ano ang pakiramdam niya habang kinukunan ito?

“Ay, wala pa iyon sa mga eksenang nai-tape namin para sa week two!” patiling sabi ni Bela.

“Wala lang ‘yon!

“Hindi ko pa alam kung hanggang saan yung pinaka-daring na ipapagawa sa akin. Hindi pa nila sinasabi.

“Feeling ko, ayaw nila akong gulatin.

“Pero siyempre, kung hanggang saan lang puwede sa TV. They’re not gonna make me do things that the televiewers can’t watch.”

Paano kung mabitin ang mga kalalakihang fans niya at umasam na sa pelikula ay mas maging daring na siya nang husto?

“Siguro, focused muna tayo sa Magdalena bago ako mag-isip ng kung ano ang gagawin ko next.

“Gusto ko munang isipin ay ito lang.”

Pero hindi niya isinasara ang posibilidad na mas magpa-sexy siya sa pelikula?

“Uhm… I really don’t want to think na after this, ‘yon na lang ang laging gagawin ko.

"Mas gusto kong isipin na marami akong puwedeng gawin.”

SUITORS. Paano kung dahil sa mapang-akit niyang karakter sa Magdalena ay posibleng mas desirable na ang tingin sa kanya ng male fans niya? Pantasya na nga siya ng ibang kalalakihan mula nang mag-pose siya dati sa FHM.

“Talaga? I didn’t know. Talaga?

“E, di okey naman. Okey na hinahangaan ka ng mga tao.

“Siguro positive naman ‘yon.”

Dadami ang kanyang manliligaw?

“Talaga? I like that! Hindi, joke lang!” tawa na naman niya.

“Uhm… tingnan natin. Parang wala pa namang nagpaparamdam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron akong manliligaw ngayon, wala pa lang dumadagdag.

“Wala pa namang nagta-try na bago.”

Ang tinutukoy ba niyang manliligaw ngayon ay si Neil Arce, na ex-boyfriend ni Maxene Magalona?

Napahalakhak si Bela.

“You’re so funny talaga,” sabi lang niya.

Hindi ba siya natatakot na baka maging mitsa ito ng conflict sa pagitan nila ni Maxene?

“No, not. Actually I just saw her kanina. Nothing to worry about.”

Paano kung pati mga DOM ay magkainteres na manligaw sa kanya?

“Ay, ayoko! Ayoko ng gano’n. My dad will get mad.”

FAMILY’S REACTION. Unang pagsabak ni Bela sa medyo sexy at daring na role. Ano ang reaksiyon ng buong Padilla family, particularly her mom and dad?

“Okey naman. Na-excite din sila for me kasi parang ito na yung hinihintay ko talaga na show.

“Alam mo yung parang… it’s something I can call my own.

“In a way, I can call it as my own show na kasi title role nga ako.

“First show ko ito na ako ang title role.

“Natutuwa silang lahat for me, lalo na yung daddy at mommy ko. Nae-excite din sila.

“Actually I’m closer kasi to the sisters,” mga kapatid ni Robin Padilla ang ibig niyang sabihin.

“Sina Tita Rowena, Tita Rema, Tita Roda… ‘yan. Sila rin yung talagang excited for me na, ‘O, magpapayat ka!’

“Talagang tinitingnan nila kung ano ang hitsura ko. At saka ano ko sila, e… sila rin yung number one critic ko.

“Parang nung sa last show ko dati na Hiram Na Puso, nanonood sila every day.

“Ngayon din dito sa Magdalena, hinahanda na nila ang sarili nila sa to watch it every day also.

“Kapag nagsu-shoot nga kami ng Kuratong Baleleng, binibigyan nila ako ng konting leeway na, ‘O, pauwiin ng maaga ‘yan dahil may taping pa sa Magdalena bukas ‘yan!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So at least nagbibilin naman sila… na inaalagaan naman nila ako.”

Halos lahat ng mga kasama ni Bela sa pelikulang Kuratong Baleleng ay mga miyembro ng Padilla clan, sa pangunguna ng kanyang Tito Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN