Erwan Heussaff "proud" of sister Solenn and girlfriend Anne Curtis

Sa bihirang pagkakataon ay nagpaunlak ng maikling panayam sa PEP ang businessman na na si Erwan Heussaff. Pero kadalasan ay tumatanggi siyang magpa-interview dahil: "I don’t have time to go to shows or anything. I have a work every day.”


Bihirang magpa-interview si Erwan Heussaff sa media, lalo na sa mga TV crew na naglalambing sa kanya kahit ng maiksing panayam.

Hindi man showbiz ang guwapong bachelor pero turing ng iba ay nasa showbiz na rin siya dahil sa kapatid niyang si Solenn Heussaff at girlfriend na si Anne Curtis.

Kahapon, October 7, ay nagpaunlak ng maikling panayam si Erwan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos niyang sumabak sa Rudy Project Challenge Triathlon sa may Republic Wakepark sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna.

Ilan pa sa mga showbiz personalities na namataan ng PEP sa naturang event ay sina Anthony Pangilinan, Maricel Laxa, Gab Valenciano, Colleen Garcia, Iya Villania, Drew Arellano, Kim Atienza, Billy Crawford, Nikki Gil, at Matteo Guidicelli.

Hindi na pala baguhan si Erwan pagdating sa mga ganitong klaseng athletic competitions.

Aniya, “Yes, I’m doing it for a year now. Yeah, I think I did okay today.”

Isa rin daw ito sa mga paraan niya para maging fit.

Sa ngayon, busy rin daw siya sa kanyang regular job.

“I have an office job. I work for… I’m a supply chain manager and business development manager sa isang company,” sabi ni Erwan, na contributing editor din ng Esquire Philippines.

Mga tatlong linggo na ang nakararaan ay inilunsad si Erwan bilang ambassador para sa isang food campaign sa Makati na suportado ng dalawang malalaking kumpanya.

Pero “raket” lang daw ito para sa boyfriend ni Anne.

Aniya, “That’s a side project for fun lang. Food and drink campaign.”

Mahilig ba talaga siyang magluto at kumain?

Tugon niya, “Yeah, yeah, I do it. It’s always been a passion.

“I guess it’s for fun. I have a job, a day job. That keeps me busy.”



ON SOLENN AND ANNE. Kung gaano ka-visible sa television interviews ang kanyang kapatid na si Solenn at girlfriend na si Anne ay sobrang mailap naman ni Erwan kapag on-camera interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Because it’s not me. It’s not my job, no.

"I don’t have time to go to shows or anything. I have a work every day.”

Pero masaya naman daw siya at proud sa natamong kasikatan ng kanyang kapatid.

Sabi niya, “Good. Good. I’m proud of her and she’s talented in everything she does—in showbiz, modelling, and in her singing career.”

Pagdating naman sa kanyang girlfriend na si Anne, all praises lang si Erwan dito.

Pagmamalaki pa niya, “Good. I’m proud of her also, she’s been doing good in her work and I’ll support her all the way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN