Direk Ricky Davao compares Kris Bernal-Aljur Abrenica loveteam with Maricel Soriano-William Martinez tandem

“Yun ang una kong nakita sa kanilang dalawa. Para silang sila Marya at William. Maganda ang chemistry nila at maganda ang batuhan nila ng mga linya nila. Tsaka alam mong may kilig sa kanilang dalawa parati,” says Ricky Davao about Aljur Abrenica-Kris Bernal tandem.


Nabawasan na raw ang stress ng actor-director na si Ricky Davao nang ibigay sa kanya ng GMA-7 ang primetime series na Coffee Prince.

First time magdirek ni Ricky ng isang romantic-comedy series at local adaptation ng isang hit na Koreanovela.

Bago kasi ito, mga drama series ang idinirek ni Ricky para sa Kapuso Network tulad ng Grazilda, Sisid, Kokak, at Makapiling Kang Muli.


Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “This time, very light-romance-comedy naman ang ididirek ko.

“Ni-request ko talaga sa management na yung magaan naman dahil nakaka-stress din ang sunud-sunod na mabibigat na drama.

“Sa totoo lang, nakakapagod din kasi... kailangan maitawid mo ang mga mabibigat na eksena sa audience.

“Ako pa naman, very passionate ako kapag mabibigat na ang mga eksena. I also act it our para sa mga artista na hinahawakan ko.

“Yun ang nakakapagod kasi pati ako umaarte na rin.

“Kaya when they gave me Coffee Prince, relieved ako kasi nga alam kong feel-good series lang ito.

“And it will be my first time to direk both Aljur Abrenica and Kris Bernal,” saad niya.



DIRECTING NEWBIES. Nakasama na ni Ricky sina Aljur at Kris sa telefantasya na Dyesebel noong 2008.

“Mga baguhan pa lang sila Aljur at Kris that time,” pagbabalik-tanaw niya.

“Anak ko si Kris sa Dyesebel at manliligaw naman niya si Aljur na isang mangingisda.

“Nakakatuwa kasi ngayon mga big stars na sila. Nagbibida na silang dalawa.

"And it’s an honor for me na maidirek ko sila sa Coffee Prince."

Tuwang-tuwa nga raw si Direk Ricky nang mag-taping na sila nina Kris at Aljur para sa Coffee Prince.

Damang-dama raw niya ang chemistry ng dalawa at mabilis raw itong makasunod sa gusto niyang mailabas sa mga eksena nila.

“Napaka-professional ng dalawang ‘yan... lalo na ‘yang si Kris.

“Kasi may isang taping day kami na may sakit siya, nilalagnat yata siya that day. Pero hindi siya nag-complain at all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagtrabaho lang siya hanggang sa ma-pack up kami. Doon ko lang nalaman na maysakit pala siya.

“Hindi ko naman nahalata na may sakit siya kasi okey ang performance niya at walang nabago sa energy niya.

“It only proves na ang mga batang ito ay seryoso sa trabaho nila—maysakit man o wala.

“At ikinatutuwa kong makatrabaho ang ganyang mga artista,” papuri ni Direk Ricky sa kanyang mga bidang artista.

OLD LOVETEAMS. Ikinumpara ni Direk Ricky sina Kris at Aljur sa loveteam noon nina Maricel Soriano at William Martinez.

“Yun ang una kong nakita sa kanilang dalawa—para silang sina Marya at William.

“Maganda ang chemistry nila at maganda ang batuhan nila ng mga linya nila.

“Tsaka alam mong may kilig sa kanilang dalawa parati.

“Si Kris, nahuhuli ko minsan na napapangiti kapag may seryosong dialogue si Aljur sa kanya.

“Ganoon din ang reaction ni Aljur kapag si Kris naman ang nagsasalita.

“Kaya doon pa lang, alam mong maayos silang makatrabaho at hindi ako mahihirapan na mag-create ng spark sa kanilang dalawa since marami na nga silang mga fans.”



PROTÉGÉ. Si Direk Ricky ang kauna-unahang mentor ng programang Protégé: The Battle For The Big Artista Break na natanggal.

Matatandaang sunud-sunod na natanggal ang lahat ng mine-mentor niyang protégés.

Kaya nami-miss na raw ni Direk Ricky ang ibang mga mentors at ang kanyang pagbigay ng payo sa mga baguhan.

Aniya, “Ganoon talaga. Isang contest yan na may matatanggal at may mga mananatili.

“Gustuhin ko man na mag-stay nang matagal, kaso naubos na ang ime-mentor ko—natanggal na silang lahat.

“But I always wish sa mga batang ‘yan na maging maganda ang pagpasok nila sa showbiz.

“Kung gusto nilang ipagpatuloy, bukas ang pintuan ng opportunity sa kanila. They will have to work for it kung seryoso sila.

“Anyway, nandito naman ako para gabayan sila kung sakaling kailanganin nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Who knows, baka one day, maidirek ko na rin sila? Hindi malayong mangyari iyon,” sabi ni Ricky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN