Janice de Belen describes lovelife as "not looking, not waiting, not expecting..."

Sa upcoming TV project ni Janice de Belen, gaganap siya bilang asawa ni Ariel Rivera, na brother-in-law niya sa totoong buhay.

At ano naman ang pakiramdam niya tungkol dito? "Weird at akward" ang sagot ng host-actress.


Natutuwa si Janice de Belen dahil simula noong lumipat ito sa ABS-CBN ay nagkasunod-sunod ang kanyang mga proyekto.

Nagsimula sa Budoy, kung saan ginampanan niya ang role bilang mabait na ina-inahan ng karakter ni Gerald Anderson, pagkatapos ay nasabak siya sa pag-host ng Showbiz Inside Report.

Simula sa Lunes, Oktubre 8, ay muli na naman siyang makikita sa primetime bida bilang kontrabidang ina ni Maja Salvador sa Ina, Kapatid, Anak.

Sa press conference na naganap noong Oktubre 3 sa 9501 restaurant, inilarawan ng actress-host ang kanyang karakter.

Aniya, “I need to work hard talaga, kasi mahirap talaga. Mahirap, kasi kontrabida ako rito.

"Among other things, you’re only good as your last work.

"When people tell you all the time that you did well, na ganyan... may konting pressure dun kasi they expect you to do better sa next project mo.

"Whether you like it or not, there’s a silent pressure. Di ka naman pine-pressure, pero nararamdaman mo ’yan, sa akin nanggagaling ang pressure.

“Medyo nahirapan ako ng kaunti, kasi pini-feel mo yung way, e, kasi hinahanap mo yung inner bad.”

Gaano ba kasama yung role niya rito?

Sagot ni Janice, “May rason naman kung bakit ako masama dito, may pinagmumulan naman. Hindi pa naman yung pumapatay sa sobrang sama yung role ko rito, walang ganun.”


WORKING WITH ARIEL. Bukod dito, ang karakter ni Janice ang siyang gaganap bilang asawa ni Ariel Rivera, na asawa ng kapatid niyang si Gelli sa totoong buhay.

Ang kuwento ng Kapamilya star, “Kasi mag-brother-in-law kami, tapos ang role namin dito mag-asawa kami. So, there’s a feeling na weird and awkward.”

Hindi na raw niya inalam kung paano napunta sa kanila ang ganoong roles. "Mag-brother-in- law naman kami, wala namang problema dun sa working relationship. Wala namang problema dun, yung nga lang, para lang weird.”

Pero kailangan daw niyang isantabi yung anumang agam-agam niya dahil, “artista ka, e, so dapat magtrabaho ka at i-overcome mo yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti na lang at wala silang intimate scene. Aniya, "Slight lang at mga yakap, ganun lang... Pero wala naman kiss, di naman na puwede yung ganun, ’no. Hindi ko kaya.”

Nang malaman daw ni Gelli ang tungkol dito, "tumawa" lang daw ang TV5 star.

Si Ariel naman, nang sabihan ito tungkol sa kanyang role, ang kuwento ni Janice, “Pareho naman kami ng reaksiyon. Sabi namin, ’Hindi nga? Totoo ba yan?’"


LOVELIFE. Nadako ang usapan sa personal niyang buhay.

May nagpapasaya ba sa kanyang puso ngayon?

“Wala, diyosko! Not looking, not waiting, not expecting, and not in the mood.

"Hindi kasi, masaya ako sa gingawa ko ngayon, e. Alam mo, yung mga nangyayari sa akin ngayon in the past year, I supposed it should happen to me at their [Maja and Kim] age.

"But I’m always sidetracked. Nothing is important to me...

"Yung lovelife, nagawa ko na ’yan, e, tapos na ako sa lovelife... okay na, okay na yun!

"Ngayon gusto kong magtrabaho, and now, I’m starting to fulfill my dreams na hindi ko nagawa nung mas bata ako, lik,e yung mga dreams ko na nakatapos ako ng culinary. I want to do something different.”

Since 35 years na siya sa showbiz, anu-ano ang mga naituro ng industriyang ito sa kanya?

“Everything that I said kanina... probably the secret why I’m still here among other things, at some point, hindi naman siya smooth sailing all the way, e...

"May mga times din naman na wala akong ginawa, when I thought na ang magiging buhay ko lang is a house wife, di ba... which is okay lang naman sa akin yun, kaso hindi ganun yung nangyari.

"You have to invest and find ways to try to spark something different.”

Sa panghuli, ibinalik namin ang tanong sa kanyang karakter: halimbawang kailanganin ng sitwasyon, okay ba siya sa idea na maging surrogate mother?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Mahirap kasing isipin, e, depende kasi sa tao yun... Dito maiintindihan mo yung reasons why kinailangan naming gawin yun. Pero ako, sa totoong buhay di ko kailangan yun, kasi may anak ako e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN