Dingdong Dantes on rumor linking him to Isabelle Daza: "Basta, straight po ako. Hindi po yun totoo."

Ito ang pahayag ni Dingdong Dantes sa balitang nagli-link sa kanila ng Kapuso actress-TV host na si Isabelle Daza: “Masaya po ang relasyon namin ni Marian [Rivera], and siya [Isabelle] rin, I think she’s very happy in a relationship… So, kung saan man galing yun, sana po ay huwag nang guluhin kung ano man ang meron kami sa kanya-kanya naming buhay ‘coz it’s really unfair.”


Masayang ibinalita ni Dingdong Dantes na “PG” o Parental Guidance ang ibinigay na classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pinagbibidahan niyang pelikula, ang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Kuwento ng Kapuso actor, “Nakita namin ang mga reaksiyon ng mga taga-MTRCB nung pinanood nila yung movie, na-entertain naman sila.

"Sabi nga nila, PG na ang rating so puwedeng manood ang bata as long as may kasamang magulang [o guardian].

“Sila mismo ang nagsabing kailangan, mas maraming makapanood nito dahil…

"Sabihin na nating may mga eksenang madugo, hindi nila kinat [cut], dahil it’s very entertaining and it was not done in a very violent way talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Dingdong sa grand presscon ng Tiktik sa Luxent Hotel sa may Timog Ave., Quezon City, kagabi, October 8.



DIRTY CHARACTER. In-enjoy ba ni Dingdong ang maaksiyon at “maduming” character niya bilang si Makoy, na may mga kalabang aswang o “tiktik” na nais atakihin ang kanyang asawang buntis played by Lovi Poe?

“Siguro depende na sa mga tao kung type nila ang ginawa ko. But I really enjoyed doing this film.

“Doing the role, para akong pinakawalan, e. Walang restrictions.

“Dito, puwede akong magmura, puwede akong manigarilyo…

“Kumbaga, you will see me on something na, kumbaga, e, malayo sa mga dati kong ginagawa.

“Iba ito, e, challenge ito. Kahit na papaano, gusto ko ring ma-excite ang sarili ko na may gagawing iba.

“Kasi, kung paulit-ulit rin… let’s say parating mabait, ganyan, siyempre baka dumating yung time na ma-bore ka rin.

“So, once in a while, kailangan kong gumawa ng mga ganitong klase ng role sa pelikula.”



LOVI POE. Ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Dingdong si Lovi Poe, sa pelikula man o teleserye. Ano ang masasabi niya kay Lovi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, sa simula, talagang nagwa-warm up talaga.

“Ang ganda kasi ng shooting environment namin, e, nasa isang warehouse kami. Maliit lang yun, mga two thousand square meters.

“Tapos, yung set namin, isang bahay lang. So, kung titingnan mo, practically, magkakasama kami, para kaming magkakapamilya.

"Let’s say, kapag break, magkakalapit lang kami lahat.

“In a way, nakakapag-usap rin kami [ni Lovi] and yung mga eksena in itself, habang ginagawa yun, e, siyempre, kahit na papaano, nai-imbibe na yung character.

“It wasn’t difficult.”

Wala ba siyang atraksyon sa mga kayumangging tulad ni Lovi?

“Ako, hindi ako naniniwala sa pisikal na kaanyuan!” natatawang tugon ni Dingdong. “Ako, yung nasa pangkalooban talaga.”



HARAM. Na-shelve ang GMA-7 teleserye na dapat sana’y pagtatambalan nina Dingdong at Kylie Padilla, ang Haram.

Nagdesisyon ang management ng Kapuso network na i-hold muna ang proyekto dahil sa sensitibong paksa nito tungkol sa pag-iibigan ng isang Kristiyanong sundalo at isang babaeng Muslim.

Saad ni Dingdong, “Nakapag-taping na kami… nalungkot ako.

"Sobrang nalungkot ako dahil yung show sana ang makakapagbukas ng doors sa buong bansa para maintindihan, maunawaan, at makita kung ano yung mga nangyayari sa pang-araw-araw na buhay ng isang modern Muslim family.

“Dahil sa nangyayari globally, and in solidarity sa ating brothers and sisters in the Muslim community, mas kinailangan muna nilang i-shelve.

“Pero personally, nalungkot ako.

“I’m just hoping na it’s not yet the end na talagang ise-shelve, baka naman possible pa siya… we’re not saying no totally.”

Ang balita, ang ipapalit daw na proyekto sa Haram ay isang seryeng magkasama pa rin sila ni Kylie at ang nagbabalik-Kapuso na si Lorna Tolentino.

“Sana po, sana po, kasi reding-ready na kami to work together,” sabi ni Dingdong.



ISABELLE DAZA. Biro naman ng isang reporter, kasama kaya si Isabelle Daza sa ipapalit na teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napatawa si Dingdong at sinabing, “A, gano’n po ba? Hindi ko po alam, hindi ko po alam…”

Nali-link kasi ngayon si Dingdong kay Isabelle.

Pero diin ng aktor, “Basta, straight po ako. Hindi po yun totoo. Ganoon po.”

Magkaibigan ba sila ni Isabelle?

“Hi-hello kami. Nagkasama kami sa isang episode ng Spooky Nights and BDO credit card and Bench endorsements…

"And sa Party Pilipinas, nagkakasalubong kami… that’s it po!”

Sa isyu niyang ito with Isabelle, malapit na ba siyang mapikon o maimbiyerna?

“Hindi naman, kasi once and for all, narinig n’yo naman sa akin na hindi siya totoo.

“At I’m pretty sure na pag natanong n’yo siya, gano’n din.

“Anong dahilan para itago yun?"

Dagdag pa ng aktor, “Masaya po ang relasyon namin ni Marian [Rivera], and siya [Isabelle] rin, I think she’s very happy in a relationship…

“So, kung saan man galing yun, sana po ay huwag nang guluhin kung ano man ang meron kami sa kanya-kanya naming buhay ‘coz it’s really unfair.”

Sa isyung na baka raw "maagaw" ni Isabelle si Dingdong sa girlfriend nitong si Marian ay may statement na ang ina ni Isabelle na si Gloria Diaz.

Hindi ito batid ni Dingdong at may nagparating lang daw sa kanya ng tungkol dito sa mismong presscon ng Tiktik.

Sabi niya, “Narinig ko lang po yun, may nagsabi lang sa akin kanina. I don’t know what exactly ang sinabi niya.”

Ipinarating ng press kay Dingdong ang sinabi ni Gloria na hindi raw tipo ng anak niya ang nang-aagaw ng boyfriend.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi naman ng aktor, “Well, oo, tama po lang naman na sabihin niya yun. Tama naman po yun…

"So, wala po talagang katotohanan.”



MARIAN IN TIKTIK PART 2? Samantala, kung mag-hit ang Tiktik: The Aswang Chronicles, malamang na magkaroon ito ng sequel o part two. Makasama kaya ni Dingdong si Marian dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Depende po kasi talaga sa takbo ng istorya, e,” sagot ng 32-year-old actor.

“Pero sa ngayon, hindi pa naman sinasabi nina Direk Erik [Matti], ni Dondon [Monteverde], at ng GMA Films kung ano ang plano nila sa susunod.

“Basta naman ang isang role ay nababagay sa isang tao, bakit hindi?

“I mean, by all means, may nababagay lang talaga na role sa bawa’t tao."

Sa kabisihan nila ni Marian, inamin ni Dingdong na hindi na sila ganoon kadalas magkita ng kasintahan.

“Matagal na yung huli naming pagkikita, kasi three days sila sa Subic, e. Bukas [October 9], may taping na siya ng soap niya.”

Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang taping sa Subic ng reality show ni Marian kasama si Richard Gutierrez, ang Extra Challenge. At ang soap naman ng aktres ay ang Temptation of Wife.

Sa parte naman ni Dingdong, bukod sa Tiktik ay may isa pang aabangang pelikula sa kanya ngayong taon—ang One More Try na entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival.

First time niyang katrabaho dito si Angel Locsin at kasama rin sa cast sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. Mula ito sa direksiyon ni Ruel Bayani.

“Mga sixty-five percent done na kami. We’re down siguro to our last ten days, mga gano’n,” pagbabalita ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN