LJ Reyes on arrival of new stars from reality shows: “I don’t think you need to be afraid or ma-insecure.”

“Kung nandiyan ka naman po na nagtratrabaho ka nang maayos, you’re very professional at ibinibigay mo yung best mo o ini-improve mo yung craft mo, I don’t think you need to be afraid or ma-insecure,” says StarStruck alumna LJ Reyes when asked if she is threatened by new talents who come from talent shows.


Isang panibagong challenge ang naranasan ni LJ Reyes sa pagganap bilang isa sa mga aswang sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon para sa StarStruck alumna na gumawa ng stunts sa isang proyekto.

Ayon kay LJ, may nakahanda na sanang ka-double para sa mga stunt na gagawin niya sa pelikula pero mas pinili niyang gawin ang mga ito.

“Naaliw talaga ako,” sabi ni LJ nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Tiktik kagabi, October 8, sa Luxent Hotel sa Timog Ave., Quezon City.

Sa halip na magdalawang-isip, mas naengganyo raw siyang gawin angmga delikadong stunts.

Paliwanag ni LJ, “Noong binasa ko ang character ni Hilda, mas nagustuhan ko kasi mas action-packed yung ugali niya, mas matapang.

“Noong gagawin na nila yung eksena na may lipad-lipad, talun-talon… Actually, hindi lipad kasi mas human kami dito kaysa nakakatakot.

"Sabi ko, ‘Direk [Erik Matti], baka puwedeng i-try ko kasi gusto ko talaga i-try.’

“Nakakatuwa kasi very open nga siya na ipa-try sa akin.

“Noong na-try ko naman, natuwa naman sila. ‘Yon, ako na ang gumawa sa lahat ng stunts ko.”



GRATEFUL FOR MORE PROJECTS. Sa panayam ng PEP, inihayag ni LJ ang kanyang pagkatuwa dahil tuluy-tuloy ang trabaho niya simula nang magbalik siya sa showbiz matapos isilang ang anak nila ni Paulo Avelino na si Ethan Akio.

Nagpasalamat din siya sa GMA Network na aniya ay hindi naman nagkulang sa pagbibigay ng atensiyon kahit na maraming bagong artista ang dumarating.

Sabi pa ni LJ, “Very thankful nga ako kasi pagkabalik ko, kahit nagka-baby na ako, anytime na bumalik ako, binigyan nila ako ng magagandang projects.

“Ever since na bumalik ako, may Time of My Life, Good Daughter, and Aso Ni San Roque.

“Hindi naman talaga ako nahihinto na magtrabaho after that kaya sobrang thankful po ako sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi ko ngang sinasabi na hindi naman ako humihingi ng bonggang-bongga sa kanila.

“Siguro, ibinibigay sa akin ni God kung ano yung tingin niya na deserve ko. At saka may kanya-kanya namang oras ‘yan, e.”

Kaugnay nito, hindi nababahala si LJ sa pagdating ng mga bagong artista, lalo na yung mga magiging produkto ng reality shows tulad ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

Para sa dating contestant ng artista search ng GMA-7 na StarStruck, “Kung nandiyan ka naman po na nagtratrabaho ka nang maayos, you’re very professional at ibinibigay mo yung best mo o ini-improve mo yung craft mo, I don’t think you need to be afraid or ma-insecure.

“Ang sa akin naman kasi, parang kanya-kanyang oras lang naman ‘yan.

“Basta ipakita mo yung galing mo, tapos i-improve mo yung craft mo, maging professional ka, huwag mong pahirapan yung mga katrabaho mo. Darating din ‘yan, e.

“Itong point ko na ‘to, pinagtrabahuhan ko rin naman po yung mga project ko, hindi dahil ibinigay lang sa akin.”

Ano naman ang maipapayo niya sa mga parating na baguhang artista?

“Para sa akin, i-improve lang nila yung craft nila, be professional.

"Yung taong nakakatrabaho nila, mahalin nila nang mabuti.

"Yung trabaho nila, mahalin nilang mabuti. They will go a long way,” sabi ni LJ.



ON TRANSFERRING TO ANOTHER NETWORK. Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na habang abala si LJ sa kanyang teleseye sa GMA-7, abala rin ang kanyang boyfriend na si Paulo Avelino sa teleserye nito sa ABS-CBN.

Si LJ ay kasama sa cast ng Aso Ni San Roque, samantalang si Paulo naman ay kabilang sa Walang Hanggan.

Dahil sa magkaiba ang kanilang mother network, hindi ba naiimpluwensiyahan ni Paulo si LJ na lumipat na rin?

“Hindi po, kanya-kanya kami,” sagot ng 24-year-old actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, sabi ni LJ, bukas siya sa posibilidad na ito.

“I’m not closing my doors.

“Para sa akin naman po kasi, lahat tayo magkikita’t magkikita, magkakatrabaho tayong lahat.

“Ayaw ko pong diktahan ang sarili ko na dito lang ako.

“Kasi, malay mo in the future, hindi natin masabi.

"Basta ako, bukas ang pintuan ko sa mga projects.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN