Ahron Villena edgy about his role in The Bride and The Lover: “Parehas lang ako kinakahaban—sa love scenes namin ni Lovi at sa butt exposure ko.”

Ayaw man aminin ni Ahron Villena na may relasyon sila ni Ruffa Mae Quinto, bukas naman siya sa pagsabing: “Crush ko nga si Rufa Mae kahit hindi pa ako artista noon, e. Lalo noong magkasama kami dito [Enchanted Garden]. Sabi ko, ‘Makakasama ko na si Ms. Rufa Mae, baka ma-intimidate ako.’ Siyempre, sikat na, e, kahit paano... Baka mamaya, suplada. Pero hindi, nakakatuwa siya.


Natatawang itinanggi ni Ahron Villena ang balitang may namamagitan sa kanila ng co-star niya sa Enchanted Garden na si Rufa Mae Quinto

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ahron sa taping ng "eco-fantaserye" ng TV5 sa Dinalupihan, Bataan, noong Lunes ng umaga, October 8.

Sabi niya, “Love interest ko si Rufa Mae dito, hindi ko dyowa!

Biro pa ng aktor, “Nasaan ba si Ms. Rufa Mae Quinto? Tagal ngang dumating, e… tawagan ko nga siya.”

Ayon kay Ahron, hindi posibleng magkaroon sila ng romantic relationship ni Rufa Mae.

“Malabo... magkasama lang kami sa role… siguro naging close kami kahit paano.

“Pag kasama mo si Ms. Rufa Mae, hindi ka mabu-bore dahil napaka-kalog niyang tao.”



BONDING TIME. Break na si Rufa Mae sa co-star nito sa Bubble Gang na si Boy2 Quzion, samantalang tahimik naman ang lovelife ni Ahron.

Kung ganun, bakit hindi na lang sila ang magkatuluyan?

“Kami agad? Agad-agad? Hindi ba puwedeng getting to know pa muna?” natatawang sabi ni Ahron.

“Kasi lately lang kami naging close. Siguro dahil sa naging rabbit yung character niya, tapos naging tao na siya.

“So, mga three or four times ko na siya nakakasama sa taping bilang tao.

“Pero noong one time naman, pumunta kami sa isang bar, dun sa kasosyo siya ‘ata sa Roces [Avenue]… Ayun, nag-bonding-bonding naman kami.

“Crush ko nga si Rufa Mae kahit hindi pa ako artista noon, e, lalo noong magkasama kami dito [Enchanted Garden].

“Sabi ko, ‘Makakasama ko na si Ms. Rufa Mae, baka ma-intimidate ako.’

“Siyempre, sikat na, e, kahit paano... baka mamaya suplada. Pero hindi, nakakatuwa siya.

“Parang nawawala palagi yung pagod mo sa set pag kasama mo palagi siya.

“Hindi na ako masyadong nai-intimidate sa kanya ngayon… close na agad?” biro niya.



ENVIRONMENTAL CONCERN. Malaki raw ang naitulong ng Enchanted Garden para magkaroon si Ahron ng mas malaking malasakit sa pangangalaga sa kalikasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Actually, dito mo nga maiisip kung gaano kaimportante ang environment.

“Kumbaga, tayong mga Pilipino… Aminado ako, talagang aminado ako na dati… ako, tapon dito, tapon doon.

“Pero ngayon, mare-realize mo na dapat pala maging disiplinado ka rin sa sarili mo, dahil siyempre ayaw nating masira yung kalikasan natin.

“Tapos nung napasama na nga ako dito, mas na-appreciate ko ang kalikasan—maganda pala talaga.

"Saka dito kami binabagyo. Nung habagat, nandiyan lang kami.

"Tapos nakikita namin yung tubig, tumataas nang tumaas. Wala kaming nagawa, hindi kami nakapag-taping.

"So, lumipat na lang kami sa Morong... iyon yung habagat time.

“Wala rin… na-pack-up din kami doon. Umuwi na lang kami.”



TIME FRAME. Inaasahang matatapos ang taping ng Enchanted Garden sa huling linggo ng October, at hanggang huling linggo naman ng November ang airing nito sa TV5.

Sabi ni Ahron, “Nakakalungkot din siyempre. Kumbaga, narinig ko two weeks na lang yung taping.

“Pero ang narinig ko, hanggang November 16 na pa nga raw ie-airing, kasi may pondo pa.

“Nakaka-miss lang kasi, usually, ganun naman yung mga kasama mo, hindi mo na makikita nang madalas. Talagang mami-miss mo talaga sila.”

Sino ba sa cast ng serye ang masasabi ni Ahron na pinakamalapit sa kanya?

"One time, nung na-packup kami, kami nina Edgar [Allan Guzman], nina Martin [Escudero]…

“Niyaya ko si Ms. Rufa Mae, pero hindi naman siya puwede kasi pagod na raw siya.

“Kami-kami nina Edgar, nag-hang out kami noong last taping namin. Kasi maaga kaming natapos. Nag-hang out kami sa Subic.

“Inulan na naman kami noong time na yun. I think Wednesday yun. Dinaya na lang yung mga eksena.

“Tapos na-pack up kami ng nine or ten p.m.? Ayun, nag-chill lang sa Subic. Kami-kami lang,” kuwento niya.



WAITING. Ang Enchanted Garden ang ikalawang project ni Ahron sa Kapatid network.

Ang una niya ay ang Felina na pinagbidahan ni Arci Muñoz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong matatapos na ang Enchanted Garden, wala pa siyang nababalitaang bagong seryeng gagawin.

“Waiting na lang muna.

"Actually, ’eto nga, naririnig ko, supposedly nga, hindi naman talaga malaki yung role ko dito.

“Pero biglang lumaki nang lumaki ang character ko dito as Kamagong. Thankful ako.

“Sa story conference hindi naman ako kasama, e. Sa presscon, wala naman ako, e.

“Noong nag-start sila, nakaka-seven taping days na sila nung pumasok ako.

"Kare-revise ng script, naging love interest ko si Rufa Mae.

“Nung sinabi sa akin na makaka-love interest ko si Rufa Mae, natuwa talaga ako.”

Masaya ba naman siya sa TV5?

“Oo naman, happy naman ako. Oo naman.

"Siyempre, ako naman, sa bawat blessings na dumadating sa akin, tanggap lang nang tanggap.

“Kumbaga, I’m not expecting major roles na talaga.

"Basta gusto ko lang yung tatak na sa mga tao kahit na ako magbida. Okey na sa akin yun,” saad ni Ahron.

Galing sa ABS-CBN si Ahron, wala bang plano ang manager niyang si Arnold Vegafria na ibalik siya doon?

Sagot niya, “Well, hindi naman… actually, yung mga tiga-ABS, tinatanong ako kung contract talent na ako ng TV5.

“Well, hindi po ako contract ng TV5. Kumbaga, freelance.

"Kumbaga, pagkatapos nito, kung mailalakad ako ni ALV sa ABS-CBN ulit, we’ll see.

“Kumbaga, masaya ako kung sinuman ang magbibigay sa akin ng project. I’m not closing doors sa mga possibilities.”



SEXY SCENES. Ang susunod na acting project ni Ahron ay ang pelikulang The Bride and The Lover ng Regal Films.

Kasama niya rito sina Lovi Poe, Jennylyn Mercado, Hayden Kho, at Paulo Avelino. Mula ito sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Kuwento ni Ahron, “Bukas ang first day ko... three days lang yung shoot ko.

“Medyo kinakabahan ako dahil yun ang first shooting ko.

"May mga bed scenes kami ni Lovi Poe… kinakabahan talaga ako,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit siya kinakabahan? Rumampa na nga siya nang shirtless sa mga naunang Cosmo Bachelor Bash.

Paliwanag niya, “Hubad lang ako doon. Pero dito, may narinig akong butt exposure raw ako.

"Hindi ako handa kasi first time kong gagawin yun, e.

“Si Direk Lamangan ang director namin kaya medyo kumu-kumportable ako."

Dagdag pa niya, “Siyempre naman pag nandun ka na sa ganung scene, siyempre maraming tao, nakakailang, di ba?

“Parehas lang ako kinakahaban—sa love scenes namin ni Lovi at sa butt exposure ko.”

Confident ba naman siya sa butt niya?

Sabi niya, “Yun nga, e, wala nga akong masyadong puwet, e.

“Pero nung sinabi sa akin na baka magkaroon ng butt exposure, mga one week nagpakundisyon na ako—nag-workout ako, nag-cardio na ako.

“Pinaghahandaan ko na kahit hindi pa sure na sa akin mapupunta yung role... ganun ako, e.

“Kung hindi mapunta sa akin, okey lang. Ganun... parang ganun sa Cosmo.

“Nung sinabihan ako na hindi pa ako sure na kasama, naghanda na ako.

"So, nung na-confirm, at least prepared na ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN