Maxene Magalona and Renz Fernandez claim they are just "good friends"

Masaya si Maxene Magalona sa pagkakaibigan nila ni Renz Fernandez dahil marami raw siyang natututunan sa bunsong anak nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez. Sabi ng young actress, “Marami akong nakikita about life that I never saw before.”


Magkasamang dumating sina Maxene Magalona at Renz Fernandez sa birthday party ng entertainment columnist na si Allan Diones sa Cocoon kagabi, October 8.

Nang nakorner sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa interview na ito, tawa lang nang tawa si Maxene sa ilang katanungang nahihirapan silang sagutin.

Pareho ang sagot nilang “good friends” lang sila at "close" lang daw talaga sila sa isa’t isa.

Sabi ni Maxene, “Natatawa na lang ako. Renz is a very good friend.

“Si Renz, matagal ko na siyang kaibigan since we were younger pa.

"Now that we’ve gotten closer, masaya kasi marami akong natutunan sa lahat... sa buong family niya.

"Marami akong nakikita about life that I never saw before."

Matipid namang sabi ni Renz, “Basta, best friends kami.”



NO LABELS. Sinundan namin ng tanong kung special ba ang friendship nilang ito.

“Lahat na friendship, kailangan special,” sambit ni Renz.

Dugtong naman ni Maxene, “You can’t define a relationship kung better siya. Depende naman ’yan, e, you know.

“Labels are just labels. Hindi mo kailangan bigyan ng label kung ano man ‘yon.

“Basta alam n’yo na kung ano ba talaga ang meron at kung ano ba talaga kayo sa isa’t isa—yun ang importante dun.”



LEARNING FROM EACH OTHER. Masaya raw si Maxene kapag kasama niya si Renz dahil marami siyang natututunan sa bunso nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez.

Sabi ng anak ng yumaong si Francis Magalona, “Marami rin akong natutunan sa kanya, because he loves to read.

"And he loves things na hindi ko naman masyado natitripan before like reading poems, reading books."

Sabi naman ni Renz, “Basta, malaki ang respeto ko sa kanya. Tinuturuan niya ako lalo na sa acting.”

May ilan pa raw silang pagkakapareho, gaya ng parehong sumakabilang-buhay sa sakit na cancer ang kanilang mga ama, at pareho raw silang may natutunan sa masakit na karanasang iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Maxene, “Hindi ko akalain na ganun siya ka-passionate, and even after his daddy, who already passed away, I can see that he’s strong.

“Nakaka-inspire siyempre ang ganung klaseng tao, di ba?

“Ngayon lang [ako] nakakita ng taong kaya pala niya maging strong after losing a loved one.”



LT’S BLESSING. Kung anumang relasyon meron silang dalawa, tanggap naman daw ito ng kani-kanilang pamilya.

Very vocal si Lorna Tolentino sa pagsasabing gusto niya si Maxene dahil napaka-positibo at maganda ang pakikipagkaibigan nito sa anak at nakakatulong sila sa isa’t isa.

Saad ni Maxene, “You meet a lot of people in life, and I’m very happy that I got to meet them, their family.

“I learned so much from them. They’re such a loving family.

"And I’m just so happy that nabigyan ako ng pagkakataon na makilala sila and naging close ako sa kanila.

“I’m very thankful and I’m truly blessed.

"Nagpapasalamat ako kay Tita Lorna, siyempre, for being such a kind person.

“Hindi ko akalain na ang iniidolo ko na magiging close ko rin siyempre.

"She’s doing a good job raising Kuya Ralph and Renz,” papuri pa ni Maxene sa ina ni Renz.

Pahayag naman ni Renz tungkol sa ina ni Maxene, “Ako rin, happy na nagiging close ako kay Tita Pia [Magalona]. Napakatalino niyang babae at napaka-artistic."

Kung ano man daw ang relasyon nila sa ngayon ay ini-enjoy na lang nila.

Kung mauwi sa mas seryosong relasyon, mas mainam daw ito dahil nagsimula sa magandang pagkakaibigan.

“I’m happy that I got close to Renz and we get a lot of time together,” masayang sabi ni Maxene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN