Aljur Abrenica reacts to Robin Padilla’s statement about him and rumored girlfriend Kylie Padilla

Sa pahayag ni Robin Padilla na suportado niya ang relasyon nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, ito ang pahayag ng Kapuso young actor: “Kung nasabi man niya na okay ako bilang isang kaibigan… kumbaga kasi sa lahat ng mga nasa showbiz ako ang napapabalita lagi sa anak niya, e… kay Kylie. Ako ang pinakamalapit ngayon, e. So… uhm, isang karangalan na marinig sa kanya yun."


Unang lumabas sa kotse ni Aljur Abrenica ang aso niyang si Alab pagdating niya kahapon, October 9, para sa isang pictorial.

Ang pangalan ng kanyang aso ay mula sa pinagsamang umpisa ng pangalan at apelyido ng hunk actor.

Maya-maya pa ay lumabas na rin si Aljur habang pinapagpag ang suot na T-shirt dahil kumapit ang mga balahibo ni Alab dito.

Sa Pampanga ang location ng pictorial kung saan kasama rin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para kunan ang behind-the-scenes ng naturang photo shoot.

Habang sine-setup ang camera at lights para sa remaining layouts, kinausap na ng PEP si Aljur sa waiting area.

COFFEE PRINCE. Unang kinumusta ng PEP ang bagong serye ng actor sa GMA-7 na Coffee Prince na nagsimulang umere noong Lunes.

Saad ni Aljur, “Sobrang pasasalamat ko lang, kasi nagbunga yung pinaghirapan namin.

"Maganda yung feedbacks na narinig namin, hindi lang sa mga tao kundi maging sa mga katas-taasan sa network.

“Magaganda yung mga sinabi nilang comments sa Coffee Prince. Very exciting.”



KYLIE AND KRIS. Sunod na niliwanag ng PEP ang nasulat sa isang artikulo na nagselos daw ang nali-link kay Aljur na si Kylie Padilla dahil sa mga eksenang yakapan ng young actor at ng kanyang leading lady sa Coffee Prince na si Kris Bernal.

“Ow?!” medyo nagulat na reaksiyon ng Kapuso hunk.

“Kung nasulat man ‘yan, wala naman siguro… unang-una, hindi ko masagot kasi hindi ko naman alam kung nagselos o hindi.

“Pangalawa, wala namang dapat ikaselos si Kylie dahil magkaibigan lang kami.

"We’re good friens, malapit kami sa isa’t isa. ’Tsaka alam niya na kami ni Kris ay magkaibigan lang din."



ROBIN PADILLA. Sa isang interview naman ng PEP sa ama ni Kylie na si Robin Padilla, naipahayag nito na suportado niya ang anak na dalaga sa kanyang lovelife.

Katunayan, isinama pa nga ni Robin si Aljur sa cast ng pelikulang ginagawa nila, ang Kuratong Baleleng, kung saan ay isa ang anak na si Kylie sa mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read releated story.)

Medyo huminga muna nang malalim si Aljur na halatang maingat sa kanyang sasabihin lalo na’t may kinalaman sa ama ng nali-link sa kanyang si Kylie.

“Si Tito Robin, ‘yan, e," simula niya.

"Alam naman natin na si Tito Robin yung isa sa mga nirerespeto nating tao sa industriya.

"Para sa ‘kin kasi, para sa isa sa mga nirerespeto sa showbiz… so, alam natin na istrikto siya pagdating sa mga anak niya. Dahil nga sa relihiyon nila.

“Kung nasabi man niya na okay ako bilang isang kaibigan… kumbaga kasi sa lahat ng mga nasa showbiz, ako ang napapabalita lagi sa anak niya, e… kay Kylie.

"Ako ang pinakamalapit ngayon, e. So… uhm, isang karangalan na marinig sa kanya yun.

“Malaking bagay yun na binitawan niya yung salita na yun."



ACTION QUEEN? Mukhang pagiging action star ang linyang gustong tahakin ni Kylie Padilla. Medyo nakakakaba ito sa mga lalaki.

Ano ang masasabi ni Aljur na “astig” ang babaeng nali-link sa kanya?

“A, wala na ‘kong magagawa do’n!” natatawang sagot ng young actor.

“Si Kylie naman kasi, napaka… a, very talented, e. Ang action kasi para sa ‘kin, nakamulatan niya.

"A, magaling siya. Magaling siyang mag-action. Magaling siyang mag-Muay Thai.

"Hindi lang Muay Thai alam niya. Iba’t ibang klaseng martial arts alam niya. Arnis…

"At isa ako sa mga nakakita habang nagti-training siya. At masasabi kong bihasa talaga siya.

"Tapos sa pagputok ng baril, a… maganda pulso. Magaling, magaling siya.

“Hindi na ’ko magtataka kung balang-araw, kauna-unahan siyang action star na babae sa bansa natin, di ba?

"Wala pa kasing babaeng action star sa bansa natin. Kung mero’n man, foreigner."

May mga babaeng action stars na rin noon, pero sa ngayon nga kasi ay wala kaya puwedeng si Kylie naman.

Kung igu-Google kasi ay lumalabas ang mga pangalang Alicia Vergel, Celia Fuentes, at Virginia Montes sa mga nag-action na artistang babaeng Pinay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



VIN ABRENICA. Nadako naman ang usapan sa kapatid niyang si Vin Abrenica na nasa Top 6 na ngayon sa talent and reality show na Artista Academy ng TV5.

Matatandaang itinanghal din si Aljur bilang Ultimate Hunk ng reality-based talent search na Star Struck ng GMA-7 noong 2006.

“Ayun. Kay Vinvin… kay Vin, sobrang proud ako do’n.

"Malayo narating niya at bumilib ako sa kanya kasi nagsimula talaga siya sa wala.

“Sa ano kasi, sa showbiz, hindi siya sumampa sa akin, e,” na ang nais niyang tukuyin ay hindi nakisakay ang kapatid sa pangalan niya.

“Sa madaling-salita, wala siyang ginamit na tao. Pumila talaga siya. Sumali siya sa competition.

"Yung pagsali niya, do’n niya napamalas yung talent niya. Napakita niya kung sino siya at kung ano yung kaibahan niya sa akin bilang kapatid.

"Napatunayan niya. He owns it. Nakaya niyang mag-isa."

Ginagabayan din ba niya ang kapatid ngayon pumapasok na ito sa showbiz?

“Yung pag-a-advice, oo. Sinasabi ko sa kanya na lagi niyang tatandaan kung saan siya nagmula.

"‘Always be humble,’ sabi ko. ’Magdadasal ka lagi.’

"Magaling yung kapatid ko, e. Magaling talaga siya, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN