Isabel Granada looks forward to playing a mistress in GMA-7 soap; not yet ready to take the role of a politician in real life

Isabel Granada on being a mistress in Angelina del Cielo: "Maganda yung story, at ito yung kauna-unahang morning soap ng GMA, kaya lahat kami ay excited. Hindi lang ako basta mistress dito—masama ako—at hindi ko alam ang feeling ng isang kerida, pero sige, hinihingi kasi ng role. Sobrang challenging ito para sa akin. Sana magampanan ko nang tama.”


Pagkatapos ng Daldalita, isang bagong soap na naman ang pagkakaabalahan ng singer-actress na si Isabel Granada sa Kapuso network.

Ito ay ang morning soap na Angelina del Cielo, na pagbibidahan nina Bea Binene at Jake Vargas.



ANGELINA DEL CIELO. Excited si Isabel sa bagong show niyang ito dahil for the first time ay gaganap siyang mistress o kabit.

Ngayon pa lang ay sinasabi na ni Isabel na ito ang pinaka-challenging na role na gagampanan niya sa buong karera niya sa showbiz.

"Naranasan ko nang maging kontrabida sa ilang teleseryeng nagawa ko, pero iba ang pakiramdam ko sa bagong gagawin kong ito kasi kontrabida na ’ko, mistress pa.

"Yes, for the first time gaganap akong mistress,’’ saad niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang event noong October 3 sa SM North Edsa.

Patuloy niya, "Maganda yung story, at ito yung kauna-unahang morning soap ng GMA, kaya lahat kami ay excited.

"Hindi lang ako basta mistress dito—masama ako—at hindi ko alam ang feeling ng isang kerida, pero sige, hinihingi kasi ng role.

"Sobrang challenging ito para sa akin. Sana magampanan ko nang tama.

"Ang ginagawa ko ngayon ay nagre-research ako ng mga movies na may kinalaman sa pagiging kabit kaya nagkakaroon na ’ko ng idea at napag-aaralan ko na kung ano ang buhay ng mga tulad nila."



THE MISTRESS. Usapang kabit na rin, ano ang masasabi niya sa mga babaeng pumapatol sa mga may asawa na?

"Wow, perfect. Perfect question from you.

"Ang masasabi ko lang, yung mga ladies out there o yung mga guys din, piliin n’yo na lang yung mga.... yung hindi naman walang sabit, e.

"Piliin n’yo na lang yung hindi makakasira ng isang buong pamilya. Buo na, e. Kumbaga, huwag n’yo nang panghimasukin pa.

"And even if, in the other way around, kunwari yung talagang may pamilya na gusto namang mambabae o manlalaki, kayo namang mga babae at lalaki na alam n’yo namang may asawa na yung taong yun, sana kayo na ang umiwas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi it will create a bad karma sa life n’yo kasi.

"And it will not come to you soon, pero eventually, mararamdaman mo ang karma sa buhay mo at talaga namang ta-tumbling ka pagdating niya."



THE HUSBAND. May mga bulung-bulungan na madalas daw ay nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng asawa niyang si Geryk Genasky.

Kung sakaling mambabae o magkaroon ng number two ang asawa niya, ano ang magiging feeling niya?

Sabi ni Isabel, "Natural naman sa mag-asawa ang magkaroon paminsan-minsan ng hindi pagkakaunawaan kasi part yun ng buhay mag-asawa, e.

"Dumarating talaga na minsan nag-aaway kayo at maraming ganyan. Nangyayari ’yan.

"Dun naman sa tanong na kung halimbawang gawin yun ni Geryk? Well, ang masasabi ko lang diyan is… basta ako, mistress ako sa bagong show ko sa GMA. Yun lang!" sabay tawa niyang malakas, na ikinataas ng kilay ng ibang nakarinig sa kanyang sinabi.

POLITICS. Masaya ring sinabi ni Isabel na suportado pa rin niya ang political career ng asawa niya, na muling tatakbo bilang konsehal sa Angeles, Pampanga.

May mga nabalita rin na mismong si Isabel ay nagka-interes na rin daw sa pulitika at tatakbo siya bilang congresswoman ng naturang lugar.

"Actually, since last year, hinihikayat ako na tumakbo, pero not for congresswoman, ha, na napapabalita.

"Hindi naman sa ayaw ko, pero siguro hindi pa ’ko ready mag-let go din sa career ko.

"Kasi ako, nami-miss ko pa ring gumawa ng projects at ini-enjoy ko pa.

"May nag-offer sa akin na tumakbo na barangay captain of the biggest barangay in Angeles, which is Balibago.

"Pero sabi ko, sa dami ng nangyayari ngayon sa Angeles, lalo na sa eleksyon na magulo, sabi ko, ayoko muna, huwag muna.

"Nakasuporta naman ako sa asawa ko. Siya muna.

"Siguro, I’ll take time, tsaka I love helping people naman, e, through my husband na tatakbo uling councilor, and hopefully, he makes it again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi ko naman kinu-close ang door kasi andiyan na, e. Andiyan na sa harapan ko.

"Kasi more or less, alam ko na yung buhay politics, so yung desisyon ko na lang at kung kelan yun.

"Sa ngayon, focus muna sa career, sa asawa ko, at sa anak ko.

"No to politics muna. Darating din ’yan. Huwag madaliin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN