Piolo Pascual says his doors are open for reunion project with Judy Ann Santos; reveals challenging basher to a fistfight

Hindi na bago kay Piolo Pascual ang maka-engkuwentro ng bashers, pero pag-amin ng aktor, minsan daw ay napikon siya nang husto kaya sinagot niya ito. Kuwento niya, “Minsan nga may nag-text sa akin, pinatulan ko. Basta may sinabi siya, sabi ko, ‘Lika dito, suntukan tayo!’ ’Hindi,” sabi niya, ‘kakampi ako.’ E, di sabi ko, ‘E, di wag kang epal, magpakita ka sa akin, magsukatan tayo ng pagkalalaki!’&


Muling nag-krus ang landas ng dating magka-loveteam na sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa trade launch ng mga bagong shows ng ABS-CBN sa NBC Tent, The Fort, Taguig City, noong October 3.

Masayang nag-usap ang dalawa na parang walang napagdaanang pagsubok sa kanilang samahan.

Ikinatuwa ng marami ang pagkakasundo nina Piolo at Judy Ann dahil nabuo muli ang pag-asa ng kanilang mga tagahanga na sana ay muling makagawa ng proyekto ang dating magkapareha.

Sa presscon ng SunPiology for Run noong Lunes, October 8, ikinuwento ni Piolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang pagtatagpo nilang muli ni Judy Ann.

“Nagbigay-pugay lang ako kay Judai… you know when I saw the lineup and I saw Judai’s there, sabi ko gusto kong bumati.

“Nung nakita ko siya, unfortunately may lumabas na kamera kaagad, nahiya din ako.

“Na-ambush ako nung isang araw, nagbati daw ba kami.

“Hindi naman kami magkaaway ni Juday… I settled the issues with Ryan [Agoncillo] and Juday a long time ago.

“Like the old times, wala naman kaming problema ni Juday, okay naman,” saad ni Piolo.

Bukas ba siya na makatambal muli si Judy Ann?

Sagot ng Kapamilya heartthrob, “I’m always been open and Juday knows that, naghihintay lang naman ako.

“Sobra akong kumportbale kay Juday and I’m praying and wishing for that na magkasama uli kami.

“Kasi ang laki ng itinulong sa akin ni Juday, sa career ko.

“I have open doors to be partner with her again.

“Gustung-gusto ko na maka-partner siya muli kasi sa laki ng naitulong niya sa akin—siya yung tao na gusto ko uling makasama."

Huling nagkatrabaho sina Piolo at Judy Ann sa pelikulang Don’t Give Up On Us noong 2006.



CYBERCRIME LAW. Isa sa malaking issue na pinag-uusapan ngayon ay ang kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa maraming bumabatikos sa bagong batas na ito ay naglabas na ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court laban dito.

Isa si Piolo sa mga artistang paboritong i-bash ng maraming gumagamit ng social networking sites at pati na sa comments section ng entertainment websites.

Aminado ang aktor na minsan ay may pinatulan siyang isang basher dahil hindi na raw niya nakontrol ang sarili na mapikon bilang isang tao.

“May Instagram, may Facebook ako, wala lang akong Twitter kasi very cruel.

“Minsan ang ginagawa ko, bina-block ko, nire-report ko.

“Minsan nga may nag-text sa akin, pinatulan ko.

"Basta may sinabi siya, sabi ko, ‘Lika dito, suntukan tayo!’

“’Hindi,” sabi niya, ‘kakampi ako.’

“E, di sabi ko, ‘E, di wag kang epal, magpakita ka sa akin, magsukatan tayo ng pagkalalaki!’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN