Vice Ganda confirms co-starring with Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas in MMFF entry

Vice Ganda says about his movie This Guy’s In Love With U Mare: “Mas maganda nga ito para sa akin kaysa sa Praybeyt Benjamin kasi yun, fantasy, pero ito talaga nangyari talaga sa akin. Maraming bahagi sa pelikula na ito, nangyari sa akin sa totoong buhay."


Nakasuot ng asymmetrical black dress si Vice Ganda na may mataas na slit sa premiere night ng This Guy’s In Love With U Mare.


Ginanap ang red-carpet screening kagabi, October 9, sa SM Megamall. Kasama niyang dumalo ang kanyang co-stars na sina Toni Gonzaga at Luis Manzano, at ang kanilang direktor na si Wenn Deramas.

Ang iba pang cast members na dumalo ay sina IC Mendoza, Ricky Rivero, Manuel Chua, DJ Durano, Eagle Riggs, at Tessie Tomas na kasama ang kanyang anak na si Robin.

Si Batangas Governor Vilma Santos ay nanood din ng pelikula ng kanyang anak na si Luis.

Ang iba pang celebrities na dumating ay sina Billy Crawford, Angeline Quinto, Liz Uy, Edward Mendez, Yves Flores, at Kit Thompson.

SUPER EFFORT. Sa pelikulang ito, nagpanggap si Vice na isang lalaki upang maakit ang karakter na ginampanan ni Toni Gonzaga.

“Super effort ang pag-aayos na lalaki saka pagbili ng damit na panlalaki. Ngayon tuloy, ang dami-dami kong damit na panlalaki na hindi ko alam kung kanino ibibigay!” natatawang sabi ni Vice.

Ano kaya ang magiging reaction ng mommy niya sa pagganap niya bilang lalaki onscreen?

“Magiging happy siya. Gustung-gusto niya yun.

"Kahit noong Praybeyt Banjamin, gustung-gusto niya. Gusto niya pag lalaki ang role ko.”

Sobrang hirap ba para sa kanya na gumanap bilang lalaki?

“Hindi naman, kasi hindi naman ako sosyalerang bakla. Jologs naman ako kaya ang kilos ko bargas pa rin.

"Hindi naman bago sa akin yun. Yung pananamit lang ang talagang bago sa akin.”

Nahirapan ba siya sa pag-shoot ng action scenes niya para sa pelikula?

“Nahirapan kasi huling eksena na ginawa namin ng madaling-araw.

"Pag tinuturuan kami ng action scenes, nahihirapan kasi harutan nang harutan kami ng mga bakla.”

Sa tingin ba niya ay magiging blockbuster movie ito tulad ng kanyang huling pelikula na Praybeyt Benjamin, na kumita ng mahigit P300 million?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Vice, “Marami ang nagsasabi na another blockbuster hit raw. Sana magdilang-anghel kayong lahat.

"Pero kampante naman ako lalo na’t napanood ko ang finished product namin.

"Hindi nasayang ang lahat ng pawis at puyat namin.

“Feeling ko kakabugin niya talaga kasi ang Benjamin, ako lang naman yun at si Derek [Ramsay].

"E, ito tatlo kami na nagtulong-tulong [referring to Toni and Luis]. Kaya mas malakas ang impact nito.”

Tinalakay sa pelikula ang pagkakaroon ng same-sex relationship at aminado si Vice na nakaka-relate siya sa character niya.

“Mas maganda nga ito para sa akin kaysa sa Praybeyt Benjamin kasi yun, fantasy, pero ito talaga nangyari talaga sa akin.

"Maraming bahagi sa pelikula na ito, nangyari sa akin sa totoong buhay.

"Pangkaraniwan nangyayari ito sa modernong lipunan natin kaya hindi ito bago sa pandinig, sa mata at kaalaman ng mga tao.

"Makaka-relate sila.”



MMFF ENTRY. Noong September 23, sinabi ni Kris Aquino sa Twitter na hindi na siya makakasama sa Metro Manila Film Festival entry na Sisteraka, na pagsasamahan nila dapat ni Vice Ganda.

Sinabi ng TV host-actress na nawawalan siya ng boses dahil sa dami ng trabaho. (CLICK HERE to read related article.)

Ngunit sa panayam kay Vice sa Chef’s Quarter restaurant kagabi, sinabi ng komedyante na kasama na uli si Kris sa naturang MMFF entry.

“Pagkatapos nito [This Guy’s In Love With U Mare], isang bonggang-bonggang pelikula naman ang gagawin ko.

"Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, at ako ang magsasama-sama kaya pasabog ito.

“Tuloy na tuloy na. Hindi na magiging hadlang ang lalamunan ni Kris Aquino.

"Nagpahinga na siya ng konti para magawa niya ang movie na ito,” sabi ng resident judge ng It’s Showtime.

Nakapag-shoot na ba siya kasama si Ai-Ai?

“Hindi pa. Yung mga eksena namin ni Ai-Ai, hindi pa nakukunan. Yung mga nakunan, puro akin pa lang muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam n’yo ba noong niro-rolyo namin ang Sisteraka, ginagawa namin ito [This Guy’s in Love with You Mare].

"Iisang location, dalawang pelikula ang ginagawa ko.

"Maganda ang Sisteraka, hindi lang ako—may Ai-Ai na, may Kris pa.

"Pasabog siya para sa Pasko. "

Ano ang pakiramdam niya na makakasama niya ang mga box-office queens sa pelikulang ito?

“Nakakatuwa na makakasama ako sa box-office queens kaya nakaka-kampante, di ba? Ang bongga ng mga kasama ko.”

Si Vice ay kinoronahang Phenomenal Box-Office Star noong isang taon dahil sa tagumpay ng Praybeyt Benjamin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN