Dingdong Dantes on playing gay role: “Siguro that would be my most challenging role.”

Ito ang sagot ni Dingdong Dantes nang tanungin kung may nakikita pa ba siyang kulang sa kasintahang si Marian Rivera: “Kulang? Hindi ko tinitingnan ang kakulangan sa isang tao, pero ina-appreciate ko kung ano ang meron siyang sobra!”


Balitang muling ibabalik ng GMA-7 ang sikat na teen-oriented show noong mid-‘90s, ang T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado), kunsaan isa sa mga bida ay si Dingdong Dantes.

Kaya sa presscon ng pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles noong Lunes, October 8, ang tungkol sa pagbabalik-telebisyon ng T.G.I.S. ang napag-usapan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ni Dingdong.

“I’m so excited!” bulalas ng 32-year-old actor.

Magge-guest ba siya rito kung sakali?

“Aba, e, sabihin lang nila… sabihin lang nila.”

Balitang kasama rin sa bagong T.G.I.S. ang original cast members na sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, at Michael Flores.



THE NEW ROBIN PADILLA. Samantala, bilang si Makoy sa Tiktik ay maangas, astig, at may pagka-bad boy ang karakter na ginagampanan ni Dingdong sa pelikulang ito na ipalalabas simula sa October 17.

Ayon nga sa direktor ng pelikula na si Erik Matti, si Dingdong ang “bagong Robin Padilla.”

Ano ang masasabi ng aktor dito?

“Salamat sa role, dahil kung hindi dahil sa role, hindi ko din malalaman sa sarili ko na mae-enjoy ko yung mga ganyang klaseng role, kakaiba.”

May bad side ba siya sa totong buhay? Alin ang totoong siya sa karakter niya sa Tiktik?

“Siguro yung mga nakakakilala sa akin, sila na lang ang magsasabi kung alin dun yung ako at alin ang hindi!” natatawang sabi ni Dingdong.



HORROR KING? Isa si Dingdong sa producers ng Tiktik sa pamamagitan ng kanyang Agosto Dos Pictures; kasama ang Reality Entertainment, GMA Films, Post Manila, at Mothership Production.

Isa rin si Dingdong sa nag-produce ng Segunda Mano, na naging entry sa Metro Manila Film Festival last year.

Parehong may temang horror ang dalawang pelikulang ito.

“Nagkataon, nagkataon lang… hindi sinadya,” sabi ni Dingdong nang tanungin tungkol dito.

“Actually, nauna pa ito [Tiktik] na ma-conceptualize bago ang Segunda Mano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Akala tuloy ng iba ay baka gusto ni Dingdong na bansagang “Horror King”?

“Ayoko naman pong isipin yung mga ganun. Nagkataon lang... nagkataon lang.”



GAY ROLE. Samantala, napag-usapan na rin lang ang tungkol sa kakaibang papel, naitanong kay Dingdong kung papayag ba siyang lumabas sa isang gay role.

Sagot niya, “A, siyempre wala akong ano diyan… hindi ko sasabihing no, pero siguro bigyan ninyo ako ng time.

“I will do my research, I will do my… ang dami ko namang mga kaibigan na puwedeng magturo sa akin, so...

“Siguro that would be my most challenging role.”

Na bukod sa gay ang karakter niya ay nakabihis-babae siya?

“Oo, magiging challenging sa akin yun!” bulalas niya.



HARAM. Tinanong naman ng PEP si Dingdong kung siya ba ay nakatanggap din ng threat dahil sa na-shelve na primetime series niya sa GMA-7, ang Haram.

“Personally, wala, wala,” sagot niya.

Balita kasing sa production ng Kapuso network ay may nagpadala ng threats upang huwag ituloy ang naturang proyekto na pagtatambalan sana nila ni Kylie Padilla.

Sabi ni Dingdong tungkol dito, “And siguro kailangan ko lang sabihin na hindi naman porke’t may isang nag-threat, e, they already represent the whole community.

“Kasi, di ba, opinyon lang siguro ng isa yun at hindi rin naman natin alam kung valid at totoo ang sinasabi.

“But, hindi naman iyon ang naging dahilan kung bakit na-shelve yung project.

“It’s really more of a bigger reason, di ba, aside from the so-called threats and security.

“Ako, I’d like to see it more na siguro kapag shinelve for now, siguro mas magkakaroon ng time para mas mapaganda, mas ma-integrate pa ngayon, mapaghandaan lalo yung after what happened globally.

“Siguro malagay dun yung mga issues that have to be shown to the whole Philippines. So, mga ganun siguro.”

May immersion na nga raw siya sa kanyang role sana sa Haram bilang isang sundalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, e. Kasi yung role ko, sundalo, so yung immersion dun happened 2006 sa akin—six years ago.

“Kasi very close sa akin dahil reservist ako, di ba.. at saka Marines pa siya, so talagang matagal na.”

Nanghinayang daw si Dingdong nang sobra dahil ang kapalit na proyekto niya ay hindi na siya sundalo.



SECRET WEDDING. Kamakailan ay muli na namang kumalat ang isyung kasal na nang lihim si Dingdong at ang girlfriend nitong si Marian Rivera.

“Ha? Hindi, hindi,” nagtatakang sabi ng aktor.

“Kayo pa? Sinabi naman ni Marian, tsaka sinasabi ko na kung mangyayari yun, e, we will be so proud of it.

“E, kayo pa, hindi kayo puwedeng mawala, di ba?

“I mean, so… Ang ganung klaseng pagsasamahan, pag-iisang dibdib ay hindi isinisikreto.”

May plano ba si Dingdong na ipag-produce ng pelikula si Marian?

“Oo naman, gustung-gusto ko, gustung-gusto ko!”

Anong klase?

“Sa isang genre na kung saan siya magaling, which is comedy.”

How about isang drama project na maipapakita ang husay ni Marian bilang dramatic actress?

“Siguro hindi ako yun. Hindi ako yun kasi gusto ko kung may gagawin ako for her, maaliw din ako!” ang tumatawang sabi ni Dingdong.

“And hindi… I’m sure naman, since she is a Regal baby, e, I’m sure it’s already in the pipelines na gumawa siya ng isang ganun.”

Magge-guest ba siya sa Extra Challenge nina Marian at Richard Gutierrez?

“Wala pa naman pong sinasabi sa akin.”



DIRECTOR’S HAT. Napag-usapan din ang tungkol sa pagiging direktor ni Dingdong na tila tinalikuran na niya.

Matagal na mula nang idirek niya ang isang episode ng pelikulang Angels, na pinagbidahan nina Marvin Agustin at Nash Aguas. Si Angel Locsin ang nag-produce nito via her Eagle Eye Productions noong 2007.

Sa ngayon nga ay sa pagiging artista at producer nakatutok ang atensiyon ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga. Darating din naman siguro yun sa tamang oras, medyo ipa-park ko muna iyon sa ngayon,” sabi niya.

Kung sakaling mag-decide si Marian na gumawa ng serious bed scene sa isang proyekto, papanoorin ba niya o kailangan ba ng approval niya?

“Definitely it doesn’t need my approval. I trust her judgment.

“Kung sa papanoorin o hindi, e, depende po.

"Kung may gagawin po ako sa mga panahon na yun, hindi naman natin masasabi.

“Paano ko sasabihing papanoorin ko sabay flat yung kotse ko, sabay may lakad ako ng five minutes before.

“Ayoko namang magsinungaling sa inyo, di ba?

“Or siyempre, baka naman biglang maihi ako so… e, teka lang, pupunta muna ako sa CR!” ang tumatawang sabi ng Kapuso hunk.

Parang sinabi na rin ni Dingdong na ayaw niyang panoorin na may ka-love scene na ibang artistang lalaki si Marian?

“Wala akong sinasabi!” ang tumatawa pa ring wika ni Dingdong. “Wala naman akong sinasabi, pero I trust her judgment.”

Iyon din ba ang dahilan kung bakit siya man ay hindi gumagawa ng grabeng love scenes with other leading ladies?

“Hindi naman, hindi naman... we don’t put restrictions naman sa ginagawa namin.”

Kahit may mga intriga at paminsan-minsan ay may mga problema, halos perfect na ang relasyon nila ni Marian. May nakikita pa ba siyang kulang kay Marian?

“Kulang? Hindi ko tinitingnan ang kakulangan sa isang tao, pero ina-appreciate ko kung ano ang meron siyang sobra!” sagot ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN