Vice Ganda on doing kissing scene with Dingdong Dantes: "Dingdong Dantes yun, ‘no, crush na crush ko yun, ‘no! Hello!”

Wala raw problema sa Kapuso actor na si Dingdong Dantes (left) na magkaroon ng kissing scene sa Kapamilya comedian na si Vice Ganda (right) kung sakaling magkasama sila sa isang proyekto.


Sa presscon ng Tiktik: The Aswang Chronicles noong Lunes, October 8, ay natanong ang bida at co-producer nito na si Dingdong Dantes kung sino sa Kapamilya stars ang gusto niyang ipag-produce ng pelikula.

“I want to produce si Gerald Anderson… I find him as a very good actor. Saka si Vice Ganda, magaling na komedyante kasi si Vice,” sagot ng Kapuso actor.

Kilala ba niya nang personal si Vice? Paano sila nagkakilala?

“Nung mga time na sinu-shoot namin ni Kris Aquino yung Segunda Mano, binibisita nya si Kris sa set, ayun, dun kami nagkakilala.

“Saka remember, nag-guest na ako sa show niya na Gandang Gabi Vice?”

Kung sakaling magkatrabaho sila sa isang pelikula, willing ba si Dingdong na makipag-kissing scene kay Vice?

“Oo naman, why not? Okay naman si Vice, e,” sagot ni Dingdong.

VICE’S REACTION. Nakausap din ng PEP si Vice sa red-carpet premiere ng pelikula nitong This Guy’s In Love With U Mare kagabi, October 9, sa SM Megamall.

Kinunan namin ng reaksiyon si Vice tungkol sa pahayag ni Dingdong na gusto siyang ipag-produce ng pelikula nito.

“Wow! Masaya naman ako dun, okay lang kahit walang bayad, kahit kiss lang,” sagot niya.

Ano naman ang masasabi ni Vice na payag makipag-kissing scene sa kanya si Dingdong kapag nagkasama sila sa isang proyekto?

“Wow! Kelan kaya ang taping day niyan? Kelan kaya ang first shooting day? Ipapa-block ko na ’yan sa schedule ko!

“Oo, very willing akong gumawa ng movie with him.

"Dingdong Dantes yun, ‘no, crush na crush ko yun, ‘no! Hello!” sunud-sunod na sabi ni Vice.

Kilala ba niya nang personal si Dingdong?

“Na-meet ko na siya nung panahong gumagawa sila ng movie ni Kris, saka nai-guest ko na siya sa Gandang Gabi Vice.

“Ilang beses na rin kaming nagkita, sobrang bait niya.”

DIFFERENT GENRE. Isang linggo pagkatapos ng showing ng This Guy’s In Love With U Mare ni Vice ay ipalalabas naman ang Tiktik na pinagbibidahan ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nag-aalala si Vice na baka mahati ang manonood ng pelikula nila ni Dingdong?

“Hindi naman, kasi pag gumawa ka naman ng pelikula, ie-expect mo naman na may susunod na pelikula, hindi naman siya buong taon na ikaw lang.

“Saka, ibang-iba yung tema ng palabas namin—horror yung sa kanila, yung sa amin naman, e, comedy. So, magkaiba ng market.

“Pero ganun pa man, wini-wish namin na parehong maging successful yung movie namin,” saad ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN