Alex Gonzaga still waiting for first movie project with Viva Films; defends Mommy Pinty from negative issues

Malapit nang mag-expire ang napirmahang three-picture contract ni Alex Gonzaga sa Viva, pero ni isa ay wala pang nagagawa ang Kapatid star. Wika niya: “So, maghihintay na lang po ako. Kung ano ang mangyayari, bahala na. Kasi po, kung hindi naman po ukol, hindi bubukol—yun ang sinabi ng aking ama.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex Gonzaga sa location taping ng Enchanted Garden sa Dinalupihan, Bataan, noong Lunes, October 8.

Nagpahayag si Alex ng kanyang excitement sa napipintong pagpasok at paghaharap nila ng Superstar na si Nora Aunor sa "eco-fantaserye" na ito ng TV5.

Ayon kay Alex, malaki ang kaugnayan ng karakter na gagampanan ni Nora sa kanyang role sa serye.

Kuwento ng Kapatid star, “Nung una po naming taping last week, dapat kaeksena ko siya.

“Sobrang nag-prepare na ako pero bigla po kaming na-pack-up po kami dahil umuulan.

“This Wednesday [October 10] kami magte-taping ni Ms. Nora Aunor—prepared na prepared na po ako.

“Kahit nga po yung lines niya, na-memorize ko na!” natatawang biro ni Alex.



THRILLING. Nakakakaba ba talaga na makaeksena ang isang Nora Aunor?

Sagot ni Alex, “Opo, kasi alam mo naman na magaling siyang artista. Napapanood mo lang siya noon at naririnig-rinig mo lang na ganito siya, ganoon.

“So, siyempre, pag makakasama mo siya sa eksena, kailangan kung ano ang maibibigay mo, ibibigay mo rin.

“Baka kasi maging background ka lang sa eksena.

“Kinakabahan po talaga ako dahil first time ko na makatrabaho si Ms. Nora.

“Medyo mabibigat rin yung eksenang gagawin namin.

"Ngayon pa lang nga po, e, namo-motivate na ako—double effort po talaga.

“Well, nagdo-double effort naman po talaga ako dito sa Enchanted dahil yung mga kasama ko dito talagang magagaling.

“Pero dahil medyo matagal-tagal na kaming magkakasama… kahit noong una kaming magka-eksena ni Ms. Ruffa [Gutierrez]… si Ms. Alice [Dixson] nakasama ko na. Nakasama ko na rin po sila, e.

“So, si Ms. Nora po, talagang first time kaya medyo kabado po ako.”



TYPECAST. Kapansin-pansin na halos lahat ng drama roles na ginagawa ni Alex sa TV5 ay inaapi siya.

Nagsimula ito sa Babaeng Hampaslupa at ngayon naman ay dito sa Enchanted Garden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko nga rin po alam. Baka may galit po sa akin ang TV5… hindi ko po alam, e!” natatawang biro ni Alex.

Okey lang ba na ma-typecast siya sa mga ganitong roles?

“Okay lang naman po. Kung ano lang po yung ibinibigay na project sa akin ng TV5 siyempre…

"Hindi naman sa wala akong choice. Natutuwa po ako dahil magaganda naman po yung mga roles na ibinibigay sa akin.

“Natutuwa naman po ako, magaganda naman po at saka pinag-iisipan talaga.

“Tapos, yung mga kasama ko pa… ayoko na pong magreklamo kasi maganda naman yung mga projects na ibinibigay sa akin.”



DREAM ROLE. Ano bang role ang pangarap niyang gampanan?

“Uhm… gusto ko naman pong tomboy na role. Kasi parang mas exciting siya—challenging.

“Kung paano mo gagampanan na… yung charming na tomboy na parang mga role ni Ms. Maricel Soriano.”

Hindi ba niya nami-miss yung mga romantic-comedy TV projects?

“Opo. Minsan nga kinakausap ako ni Ms. Edlyn [Abuel, production manager ng TV5] kasi minsan sa eksena namin dito, nagpe-facial expression ako.

“So, kinakausap nila ako na drama talaga ito, bawal ang facial expression dito.”

Ano na ang magiging kaganapan sa kanyang acting career ngayong matatapos na ang Enchanted Garden?

“Meron po akong gagawing movie for MMFF 2012 [Metro Manila Film Festival], yun pong Lola Basyang, yung ’Maria Alimango’ [episode].

“Kasama ko po si Ms. Zsa Zsa [Padilla]. First time ko po with Ms. Zsa Zsa. Nag-storycon na po kami noong Sabado.”



VIVA FILMS CONTRACT. Nakakontrata si Alex sa Viva Films, pero hanggang ngayon ay wala pang naibibigay na movie project ang film outfit sa kanya.

Ano na ba ang estado ng kontrata niya sa Viva?

“Eto po, pinayagan naman po nila akong gumawa ng pelikula for the filmfest.

“’Eto po, at least, pinayagan nila akong gumawa ng movie with TV5 and Unitel,” sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkakaalam ni Alex, anim na buwan na lang at mag-iisang taon na ang kontrata niya sa Viva Films.

Kasama sa kontrata ang tatlong pelikula na gagawin niya sa loob ng dalawang taon.

“Opo, kasi parang June po next year matatapos,” sabi niya.

Wala ba ni isang project na ibinigay sa kanya ang Viva?

“Yun pong P.S. I Love You pero TV5 pa rin po yun… hindi ko pa po alam kung ano…” alinlangang sabi ni Alex.

Hindi ba nakaka-frustrate na hindi pa umuusad ang movie contract niya sa Viva?

“Hindi naman po. Kasi understood naman po yun na hindi naman po ako artista ng Viva.

“Saka hindi ko rin po alam sa Mommy [Pinty Gonzaga] ko. Pero at least, ‘eto po… gagawa na po ako ng movie sa Lola Basyang, kasi pambata po ito.”

DISAPPOINTED. Ayaw sana aminin ni Alex na naapektuhan siya sa hindi pagma-materialize ng movie contract niya sa Viva lalo’t malapit na itong mag-expire. Pero noong muli namin siyang tanungin, umamin na rin siya sa tunay niyang saloobin.

Wika niya, “Siyempre po, noong una malulungkot ka, pero hindi pa naman po tapos yung duration ng kontrata.

“Hindi po natin alam na baka bibigyan naman po nila ako. So, maghihintay na lang po ako.

“Kung ano ang mangyayari, bahala na. Kasi po, kung hindi naman po ukol, hindi bubukol—yun ang sinabi ng aking ama.”

Paano kaya kung humirit ng renewal ng contract ang Viva o di kaya’y extension?

“Ay, lahat ng yun ay si Mommy Pinty na po ang bahala. Siya po ang manager ko, e.

“Nakapirma na po kami, tatapusin po namin yung contract.

"Kung ano po yung susunod na mangyayari, pag-uusapan na lang po siguro.

“Kung may ibigay po sila, titignan po natin.”

Wala ba siyang tampo sa Viva?

“Siyempre, sa una po parang malulungkot ka, kasi last year pa po kami pumirma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag na-realize mo na, ‘Oo nga, marami naman silang artista na hawak, hindi ka naman talaga mina-manage.’

“Siyempre, mas marami silang priority. So, maiintindihan mo na lang.

“Maganda naman po talaga yung sa TV5 kaya thankful na po ako dahil hindi naman ako binabakante ng TV5.

“Kung hindi man po ako makagawa ng project sa kanila [Viva], nabibigyan naman po ako ng proyekto ng TV5.”



CHOOSY? May balitang naging mapili raw si Mommy Pinty sa ibinibigay na movie projects ng Viva kaya hindi mabigyan ng pelikula si Alex.

Ano ang masasabi niya rito?

“Siyempre, kung ano po yung ano ng mommy namin, manager namin po siya, wala naman kaming magagawa kung ano ang desisyon niya.

“Pero ang alam ko lang po, kung may io-offer sila, malalaman ko rin yun. Tatanungin rin naman ako ng mommy ko.

“Siyempre, ang last say yung mommy ko—siya ang nagde-decide.

“Siyempre, kung ano ang sabihin ng mommy ko, ibinibigay ko na sa kanya bilang matanda siya.

“As a manager naman po kasi, karapatan po ng mommy ko na mamili ng role para sa alaga niya."

Dagdag niya, “At kung para naman sa akin ang project… kasi laging sinasabi ng kapatid ko [Toni Gonzaga] rin na…

"Minsan, pag nalulungkot ako, sinasabi niya na, ‘Pag para sa iyo ‘yan, kahit anong gawin nila, kahit anong pigil nila… Kung para sa iyo ang project na ‘yan, para sa iyo talaga ‘yan.’”



HARD NEGOTIATOR. Sa pagkakatanda ni Alex, may inalok na sa kanila ang Viva na isang movie project pero hindi ito natuloy.

Wala nang maikuwento pa si Alex dahil hindi na niya alam kung ano ang nangyari sa offer.

Mahirap bang kausap ang mommy niya lalo na sa negotiation?

Tugon ni Alex, “Hindi naman po.

"In fairness naman sa mommy ko, magaling naman talaga siya sa negotiation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although minsan lang, nao-overboard. Kasi siyempre, nanay siya kaya minsan hindi maalis yung personal relationship.

“Nawawala yung ano… pero pag lagi mo siyang tinatanong, yung mga professional matters or questions, minsan nao-offend siya dahil mommy mo siya,” paliwanag niya.

Disadvantage ba na nanay niya ang business manager niya o humahawak ng career niya?

“Minsan hindi nagkakaintindihan.

"Pero ang maganda rin dahil kahit hindi kami minsan nagkakaintindihan, at the end of the day, kailangan naming magbati dahil mommy mo siya at gusto pa rin niya…

“Na kahit mainis siya or magalit siya sa amin, magtampo siya or kami ang magtampo, yung kapakanan pa rin namin ang iniisip niya, kasi nga nanay mo siya.

“Kunwari may mga sunud-sunod na segue or raket, hindi niya tinatanggap minsan.

“Sasabihin niya, ‘Naku, wala na kayong pahinga…’ Ganoon siya.

“Kahit minsan gusto mo, iisipin niya, “O, baka galing kayo sa ganito, galing kayo sa ganyan?’

“Pero yung sa mga raket-raket lang po yun, yung mga labas-labas lang.”



CONSERVATIVE. Pagdating sa mga roles o mga eksena na kailangang gawin sa pelikula, hindi ba sila nalilimitahan na magkapatid?

Gaya na lamang ng pagbabawal ng mommy nila kay Toni na magsuot ng bathing suit sa This Guy’s In Love With U Mare.

Ikinagalit daw ito ng kanilang ina na pati ang kissing scenes ay hindi rin payag. Pati ang pagpo-pose at pagpapakita nilang magkapatid ng cleavage sa cover ng magazine ay ikinairita rin daw ng mommy nila.

“Oo. Wala tayong choice kay Mommy Pinty,” pagsang-ayon ni Alex.

“Wala naman akong pinanghinayangan na role o eksena na hindi ko nagawa dahil pinagbawalan ako ni Mommy.

“Kasi alam ko naman po na hindi ko rin naman kayang magpa-sexy or what.

“Pero in fairness naman po sa mommy ko, pag maganda ang project, kinu-consider niya talaga.

“Pero wala naman po talagang dumarating sa amin na mga roles na sobrang daring na bold… wala namang nag-offer na ganoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN