Mel Tiangco on why she would never join politics: "Takot ako, e. Takot ako to be sucked into the system."

Ayon sa veteran broadcaster na si Mel Tiangco, pumayag siyang ibalik ang Magpakailanmansa mga sumusunod na kundisyon: "Ilagay n’yo yung elements ko, yung persona ko dun sa show. Hindi yung nandun lang ako at nag-aano ng script. But put it into the context that I am Mel Tiangco, I am a news personality, I am a public servant, you know, so all of these things, i-incorporate n’yo sa show."


Babalik na sa Nobyembre ang Kapuso drama anthology na Magpakailanman.

Dahil dito ay nagkaroon ng pocket presscon para sa show noong nakaraang linggo sa 17th floor ng GMA Network Bldg sa Quezon City.

Present sa presscon ang host ng show na si Mel Tiangco at ang assistant vice president for drama ng GMA-7 na si Redgie Magno.

Tuwang-tuwa si Mel na makausap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press.

Bukod sa Magpakailanman ay dumako ang usapan sa iba’t ibang mga paksa, tulad na lang ng buhay ni Mel bilang broadcaster at pagkakawanggawa niya bilang head ng GMA Kapuso Foundation.



POLITICS NOT NEEDED. Napag-usapan din ang nalalapit na eleksyon, kung saan hindi naiwasang itanong kay Mel kung bakit ayaw niyang maging pulitiko.

"Never ever ever ever. Never talaga, promise," mariing sabi ni Mel nang tanungin kung kahit minsan ba ay ginusto niyang maging pulitiko.

Para kasi sa kanya ay hindi na niya kailangan ang pulitika para makatulong sa tao.

Paliwanag ng veteran broadcaster, "I just say, I do public service. I don’t need to be a politician, I don’t need to have a position to do it.

"I don’t have to be a politician to earn well; GMA pays me very well.

"Clean money, all above board, all supported by documents.

"And I can make things move with the snap of my finger. I have no red tape here, you know?

"Pagka kailangan ng ganun, takbo na yung tao ko. Mas madali akong tumulong."

Dagdag pa ni Mel, natatakot kasi siyang pasukin ang pulitika.

"Saka takot ako, e. Takot ako to be sucked into the system.

"Cause I have seen people who have been sucked into the system, di ba? Nagbabago na yung persona.

"Ayoko," saad niya.

Dahil sa takot na ito ay lagi niyang tinatanggihan ang mga alok sa kanya ng ilang mga partido.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As a matter of fact, di minsan, I go to sorties, public projects.

"Tapos pagdating mo doon, sasabihin, ’Tatakbo ka ba?’ Itatanong sa iyo ng mga tao.

"Nagsawa na sila, now they stopped.

"Sabi ko, ’It’s not for me. Not for me.’"

Bukod pa rito ay abalang-abala na rin si Mel sa GMA Kapuso Foundation na nagbibigay ng tungkol sa mga nangangailan nating mga kababayan.

Saad niya, "I’m happy. I don’t need to be a politician.

"I worked so hard for the foundation. Mas matrabaho pa yun sa paying job ko.

"Takes most of my time, my energy, my everything," sabi niya.



MAGPAKAILANMAN. Isa sa mga bagong paraan para makatulong ang kanyang foundation sa mga nangangailangan ay ang pag-feature ng kanilang mga kuwento sa bagong Magpakailanman.

Excited si Mel sa aspetong ito.

Matatandaang mahigit limang taong umere sa GMA-7 ang Magpakailanman, mula 2002 hanggang 2008.

Ayon kay GMA executive Redgie Magno, consistent toprater ang Magpakailanman.

Lumipat pa nga raw ng schedule ang katapat nitong programa, ang Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN, nang tapatan nila ito tuwing Huwebes ng gabi.

Saad ni Ms. Magno, "They had to transfer to another day [Saturday]. And then we followed.

"Tapos, nung naging magkatapat uli kami, panalo pa rin kami.

"And then we felt that talagang overdue na talaga siya na mabalik. Hinanapan ko lang nang maluwag-luwag na schedule si Tita Mel."

Hindi naging madali kay Mel na tanggapin ang pagbabalik ng Magpakailanman dahil sa dami ng kanyang ginagawa.

Kaya nang umoo sa sa proyekto ay nagbigay siya ng ilang kundisyon.

Paliwanag niya, "Sabi ko, ’Sige, gagawin ko ’yan kung...’ may mga kung ako.

"I wanted to add some elements into the show. Pakialamera ako, sa lahat ng show ko, pakialamera ako.

"Kasi sabi ko sa kanila, ’Ilagay n’yo yung elements ko, yung persona ko dun sa show. Hindi yung nandun lang ako at nag-aano ng script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’But put it into the context that I am Mel Tiangco, I am a news personality, I am a public servant, you know, so all of these things, i-incorporate n’yo sa show.’

"Yun yung sinabi ko sa kanila. Kasi kung yung dati na etong buhay ni ganito, tapos wala na."

Magkakaroon na raw ng mas malalim na presentasyon ang drama anthology.

Pahayag pa ni Mel, "Hindi lang ’yan interviews with personalities, it’s going to be wide-ranging.

"Maybe doctors, maybe lawyers, maybe psychologists, maybe psychiatrists, maybe a person who has experienced the same thing.

"Mas malawak.

"Hindi na tulad ng dati na kuwento ng buhay niya, then I interview the person and tapos.

"It may even have public service in it. It will have a lot of information.

"We want that, e. We want the show to not only be an entertainment show.

"We want the show na talagang kapupulutan ng tao ng something good for himself—whether it is aspirational, whether it is informative lang sa kanya, or it is a morale booster.

"Gusto namin, may mapapala yung televiewer sa panonood at hindi lang manonood ng drama, hindi lang ganoon."

Sa katunayan ay ang kuwento raw ng aktres na si Katrina Halili ang balak na ipalabas nila sa first episode.

Sabi ni Mel, "Of course her story has been told and retold and retold.

"So what you have to watch out for is the new element that we will put in.

"Remember my condition to them, there has to be a new element. So that is something to watch out for," saad ni Mel.

Sa Nobyembre magsisimula ang pagbabalik ng Magpakailanman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN