Kim Komatsu on fellow Kapuso tween Hiro Magalona: "Hindi ko naman sineryoso ang panliligaw niya."

Kasama si ang young actress na si Kim Komatsu sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Coffee Prince. Hindi nga raw inakala na mapapasama siya sa cast dahil fan siya ng original Korean version nito.


Tuwang-tuwa ang Kapuso tween na si Kim Komatsu na nakasama siya sa cast ng Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Coffee Prince sa GMA-7.

Mahilig daw manood ng mga Koreanovela si Kim at isa ang Coffee Prince sa sinundan niyang series noong ipalabas ito sa Kapuso network noong 2008.

Hindi nga raw inakala ni Kim na balang-araw ay makakasama siya sa Pinoy adaptation nito.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre po, natutuwa ako kasi nabigyan ako ng role sa Coffee Prince.

“Ako si Mylene, yung sister ni Andy [Kris Bernal] na tumulong sa kanya na mag-ayos lalaki para hindi siya mabuking ni Arthur [Aljur Abrenica]. Nasa original na story ang role ko.

“Pinanood ko noon ‘yang Coffee Prince at kilig na kilig ako sa love story nina Arthur at Andy.

“Bagay na bagay nga kina Ate Kris at Kuya Aljur ang roles nila.

“Fan din ako ng loveteam nilang dalawa kaya happy ako kasi first time ko silang makakatrabaho sa isang show.”

Nakausap ng PEP si Kim sa press launch ng Coffee Prince last October 3 sa GMA Annex Building.



BOYS, BOYS, BOYS. Dito sa Coffee Prince ay ka-partner ni Kim si Sef Cadayona na gumaganap bilang si Baldo.

Naipareha na si Kim sa iba’t ibang tweens ng Kapuso network; tulad ni Hiro Magalona sa Reel Love Presents Tween Hearts at Iglot at si Derrick Monasterio sa Sinner Or Saint.

Kumusta si Sef kumpara kina Hiro at Derrick?

Sagot ni Kim, “Okey po si Sef. Masaya siyang kasama sa mga eksena.

“Walang boring moment kapag kasama mo si Sef. Masayahin kasi siyang tao at minsan palabiro.

“Madalas kaming magkuwentuhan kapag breaktime namin sa set.

“Lahat naman ng naka-partner ko, okey lahat. Nakakasundo ko silang lahat.

“Kasi, parang one of the boys din ako. Sumasakay ako sa mga biro nila—lalo na si Derrick, siya ang pinakamakulit sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero magkasundo kami niyan kasi pareho kaming ipinanganak sa buwan ng August.”

Nabalita noon na seryoso siyang nililigawan ni Hiro Magalona. Sinagot ba niya ito?

“Naku, hindi po! Hanggang friends lang po kami, promise!” sabay tawa niya.

“Si Hiro kasi, matagal ko na siyang kilala.

“Magkasama kami niyan sa Walang Tulugan With The Master Showman. Barkada na talaga kami niyan.

“Hindi ko naman sineryoso ang panliligaw niya.

“Kaka-eighteen ko lang last August 14, pero hindi pa ako puwedeng magkaroon ng serious na boyfriend.

“Laging paalala sa akin ng parents ko na maging maingat at huwag akong papabola sa mga lalaki dahil bata pa ako.

“I promise them naman na I will concentrate on my career at sa pag-aaral ko.”



INDIE FILMS. Sa nakaraang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, dalawa ang nilabasangpelikula ni Kim—Mga Mumunting Lihim (Directors’ Showcase Category) kunsaan gumanap siya bilang batang Iza Calzado at Oros (New Breed Category) bilang si Daisy na nakatira sa squatters’ area.

Saad ng young actress, “Pareho pong maganda ang ginawa kong mga indie films kaya pareho ko silang ipinagmamalaki.

“Pinakamahirap yung shooting namin ng Oros sa Baseco in Tondo.

“Pero naging cooperative ang mga tao doon sa amin. Tinuruan pa ako ng mga tao doon na maglaro ng sakla!

“I was also able to work with two wonderful directors—Jose Javier Reyes at Paul Sta. Ana. Pareho po silang magagaling at naging patient sila sa akin.

"Hindi ko makakalimutan ang experience ko na katrabaho silang dalawa.”

Noong October 5 ay ipinalabas ang Oros sa 2012 Asiatica Festival in Rome, Italy.

Nakakuha ito ng magagandang reviews mula sa film critics, lalo na ang performance ni Kristoffer Martin bilang isang sakla operator.

Sabi ni Kim sa kapwa niya Kapuso tween, “Ibang-iba talaga si Kristoffer sa role niya as Abet. Pinag-aralan niya talaga ang role niya.

“Kung manalo man ng award si Kristoffer for Oros, he deserves it kasi magaling siya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very proud ako to be part of the film at naipalabas pa sa ibang bansa.

“Sana maipalabas ang Oros sa iba pang international film festivals para makita nila ang galing ng mga Pinoy sa paggawa ng pelikula.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN