Alice Dixson wants to ask BB Gandanghari "juicy questions"

Sinusubukan sanang makalimutan ni Alice Dixson ang hitsura ng dating ka-loveteam na si Rustom Padilla na ngayo’y BB Gangdanghari na. Sabi niya, matay man niyang kalimutan, “Nag-flashback when one of my friends sent me a picture of him and I dun sa eksena—nag-flashback talaga yun. And then… siyempre in person he’s a different person.”


May fight scenes sina Alice Dixson at BB Gandanghari sa mga susunod na episodes ng "eco-fantaserye" ng TV5 na Enchanted Garden.

Ang tunggalian nina Alice at BB ay isa sa mga highlight ng serye para sa nalalapit na pagwawakas nito ngayong November.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alice sa location shooting nila sa Dinalupihan, Bataan noong Lunes ng umaga, October 8.

Kuwento ni Alice, “Kasi yung character ko, she’s coming back to Eden para to follow and protect her daughter [Alex Gonzaga]... maraming revelation.

“Siyempre I cannot say isa-isa kasi gusto din naming ma-hang yung audience.

“I don’t know kung na-reveal na but we found out that Michiko, which is played by BB Gandanghari, turns out to be kaaway siya.

“May mga scenes kami na ala-Crouching Tiger, Hidden Dragon... we’re gonna be on a treetops, running around treetops."

Ang Crouching Tiger, Hidden Dragon ay isang sikat na Chinese martial-arts movie noong 2002.

“Siyempre, first time mangyayari yun na ilalagay kami sa harness and it’s gonna be interesting.”



EX-LEADING MAN. Maliban sa serye, hindi maiwasang itanong sa aktres ang tungkol kay BB Gandanghari.

Ilang pelikula na rin ang pinagsamahan nila noong si BB ay si Rustom Padilla pa.

Isa na rito ang ’90s drama movie na Sana Dalawa Ang Puso Ko na pinagbidahan nila kasama si Dina Bonnevie.

Nakumbinsi na ba ni Alice ang sarili na ibang tao na ang kaeksena niya sa Enchanted Garden at hindi na ang dating machong leading man niya sa pelikula noon?

“Medyo... nakakapag-usap naman kami.

“Although, we were supposed to go out one night as a group, bonding-bonding, pero hindi natuloy.

“I was saving those yummy questions when we were together!” sabay tawa ni Alice.

Patuloy ng aktres, “Dito naman sa set, hindi naman kami nakakapagkuwentuhan.

“A… may mga sinasabi siyang pabiro. Pero ako kasi, I want to get to the root of things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I’m sure he won’t mind kasi dati ko naman siyang ka-partner. Why not?”



MEMORIES. Pag nakikita niya si BB, hindi ba nagpa-flashback yung mga pinagsamahan nila sa pelikula bilang siya si Rustom Padilla dati?

“No, hindi siya nagpa-flashback. Kasi iba na ang hitsura niya, e. Iba na ang hitsura niya,” paliwanag ni Alice.

“Nag-flashback when one of my friends sent me a picture of him and I dun sa eksena—nag-flashback talaga yun.

“And then… siyempre in person he’s a different person.

"We don’t really talk about that. I want to, pero walang chance.”

Nagtatanong ba yung mga kaibigan niya sa kung ano ang nararamdaman niya ngayong muli silang nagkatrabaho ni Rustom/BB, pero iba na ang hitsura ng dati niyang leading man?

“Oo, they always ask me. So, I tell them the truth,” nangingiting reaksiyon ni Alice.



MIXED REACTIONS. Marami pa rin sa showbiz ang hindi pa rin makapaniwala sa naging pagbabago ng hitsura ni Rustom.

Ang dating matinee idol, heartthrob ng pelikula, at naging action star ay isa nang babae ngayon.

“Inuunahan n’yo kasi kami, e. Hindi kami makaporma tuloy!” hirit ni Alice.

Kailan ba nila binabalak yung bonding na sinasabi niya?

“I’ve been planning it a long time pero hindi natutuloy,” sagot ni Alice.

Minsan nadi-disorient daw si Alice kay BB kapag naririnig niya ang boses nito. Nagpapaalala pa rin daw sa kanya ang boses ni Rustom.

Pero sa kabuuang hitsura ni BB, babae na ang tingin ni Alice sa katrabaho.

Wala bang attempt na pag-usapan ang pagbabagong-anyo ni Rustom?

Sagot ng aktres, “Anything masculine I bring up, he doesn’t like.

"Even magkuwento ng dati, ayaw niya. Parang pansin ko lang na ayaw niya.”

Na-enjoy ba niya ang pakikipagtrabaho kay BB kaysa kay Rustom?

Nag-isip sandali si Alice at saka sinabing, “Kasi mas matagal kong nakasama si Rustom, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, mas marami akong bonding bilang Rustom sa kanya.

"Dito, not as much. Just as few days and then hindi na kami nakakapag-usap.

"So, honestly, too difficult to compare. Maybe in the next show, itanong ninyo sa akin.”



KISSING SCENES. Ano ang pumapasok sa isip ni Alice kapag nakikita niya si BB at naalala niyang nakahalikan niya ito nang ilang beses sa mga eksena bilang si Rustom?

“Sa akin na lang yun—not for public consumption!” natawang sabi niya.

Malabo raw talagang magkakuwentuhan sina Alice at BB dahil magkahiwalay sila ng dressing room.

“Each has our own tents.

"Two, when we get to the set, we rehearse the scenes right away.

"There’s no time to… especially with Direk Joel [Lamangan]?!

“’Rehearse-rehearse!’ kaagad ang isisigaw niya. ‘Lines, lines!’

"Unless there’s a big delay on the set and we were just waiting, nakakapagkuwentuhan kami."

Ang iba pang mga kasama nila sa Enchanted Garden ay sina Alex Gonzaga, Rufa Mae Quinto, Wendell Ramos, Edgar Allan Guzman, Ahron Villena, Zoren Legaspi, at Ruffa Gutierrez.

Patuloy niya, “That happened to us once. Pero with me, Ruffa G, Rufa Mae, myself, and Zoren… we were together and we had to wait a few hours for the rain to stop. We talked about each other’s stuff.

"Hindi kami nakakapagkuwentuhan talaga.”

Hindi ba umiiwas na lang si BB para hindi ninyo siya matanong?

“No, he’s been very professional. I don’t know, you better ask him.”

Meron ba siyang feeling na hindi na siya si Rustom kapag nakikita niya ngayon?

“Hindi ko na nakikita si Rustom pag naka-makeup siya, pag nakaayos siya ng babae, that’s it.

“Saka mas malambot yung mga movements niya ngayon. Saka mas defined yung body niya, mas feminine yung body niya ngayon.

“So, there are no nuances of his past movements with a character or with what he does now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WORK BREAK. Tungkol naman sa career ni Alice, ngayong matatapos na ang serye, ano ba ang susunod niyang gagawin?

Tugon niya, “The last time I was offered a show, with this show [Enchanted Garden], a few days before I was going to leave.

“So, I always get the last-minute offers na, ‘No, no, we’ve been planning this for a long time.

“Kaya lang we haven’t gotten na final okays from the bosses for the rest of the castings and the story.

“So, I won’t be surprised if I get it again the next couple of weeks.

“Pero right now, I’m a resident judge or talent scout for Talentadong Pinoy Worldwide—for its new season.

“So that’s what I’m gonna be doing na alam ko for the next few weeks after this show comes to a close.”

Ibig sabihin wala pa siyang bagong teleserye?

“Not for a new one, not planned yet. This one [Enchanted Garden] was not planned.

“Honestly, possible if it’s not the first again, it has to be something that I haven’t done before, na kakaiba, no, I won’t accept the offer.”

Sa pagiging judge ni Alice sa Talentadong Pinoy, nangangahulugan itong hindi na muna siya puwedeng bumalik sa Canada sa piling ng kanyang mister na si Ronnie Miranda, isang Fil-Canadian businessman.

Sabi niya, “I need to take a break, I need to take a longer break kasi sunud-sunod yung trabaho ko since I came in in 2010 for Babaeng Hampaslupa. Wala na akong naging break.

"Ang break ko was a couple of weeks lang and then babalik uli ako.

"So, I’d like to take a longer break. This time, there’s no real nice project waiting for me.

"I think, pagplanuhan na lang muna yung the next project.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lagi naman daw siyang nagpapaalam sa TV5 kapag gusto niyang magpahinga.

“They know every time I don’t have a show, they know that I leave for a while.

“The last long break I had… I lied.

"The last long break I had was a month after Babaeng Hampaslupa because that one really, really drained me—so really drained me.

"From bugbog to kidnap, to tinali ako… puro iyakan, reconciliation with my daughter.

“That one, for my mental state and physical state na rin, I need to rest.

“Eto kasi [Enchanted Garden], light lang. Happy-happy lang kami. This is a real, real fun show to tape.

"So, walang problema dito.”

Nai-shoot na raw ni Alice ang premiere ng Talentadong Pinoy Worldwide at ang susunod na episode ay ilalabas ngayong Sabado, October 13.

WHERE TO SPEND CHRISTMAS... Ngayong nalalapit namang holiday season, hindi pa sigurado si Alice kung saan siya magpa-Pasko.

Pero sa ngayon ay naiisip niyang makasama ang kanyang mga kamag-anak.

“Kasi wala akong relatives dito, e. Usually, Christmas is about being with family, di ba? So, I’ll be probably go abroad niyan.”



CAREER PLANS AND OFFERS. Sa mga sunud-sunod na projects ni Alice sa TV5, walang duda na isa siya sa mga inaalagaan ng istasyon.

Pero inamin ni Alice na may ibang istasyon na nag-offer sa kanya ng project kaya lang ay hindi ito natuloy.

Sabi niya, “I had two offers actually.

"One was to do a similar show like this, pero nauna ang TV5. Parang magiging fairy din ang role ko.

“And then the other one, was… I was going to be a mom yata nung one of the younger lead characters.

“But when I tried to ask, ‘Okay, what’s the story?’ Hindi naman nila masabi yung…

“‘What’s the main role of the mom? It’s just to be a mom or merong magandang kuwento?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, hindi naman sila makapagbigay.

"So, I learned that the role was more geared towards the youngsters. And mga supporting kami—not really meaty stories.

"So I said, ‘No, I don’t really want to do that.’

“So, in that sense, talagang yung mga projects na ibinibigay sa akin ng TV5 have been maalaga.

“And I appreciate that and I reciprocate by going to them first for any project that I’m going to do.

“Like with GMA, with Direk Mac Alejandre [Just One Summer, nina Elmo Magalona and Julie Ann San Jose], ipinaalam ko muna yun.

“There have been other movie projects offer but then, from the beginning, hindi ko siya type, hindi ko ipinapaalam.

“Like there was this one film offer that I had… indie film siya. And I had no problem with me doing indie film.

“In fact, I might do one with one of my directors here for next year… I can’t say right now.

"We have two different directors that pinch-hit…

“So, yung tinanggihan ko, it had too many kissing scenes. So, I decided not to do it.

“Pero maganda sana ang story pero the director didn’t want to talk to me or make any compromises.

“So, noong na-sense ko na hindi siya open, tinanggihan ko na lang.”

Ayaw ba niya ng kissing scenes?

“No, that one kasi ang dami, e. To me, either hindi talaga kayang tanggalin because of the character is that way, they might as well find somebody else.

“Ako, I do, pero kailangan hinihingi talaga ng istorya—hindi overuse.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN