Vic Sotto considers himself as Kapuso, Kapamilya, and Kapatid: “Mas marami kang kakampi, mas marami kang kaibigan, mas marami kang pera!”

“Hangga’t maari, ayaw ko ng may kalaban, ayaw ko ng may kaaway. If you notice, I can work with any network,” says Vic Sotto when asked which of the three major TV networks he identifies himself more.


Batikang host nang maituturing si Vic Sotto, pero para sa kanya ay hindi ito sapat para huminto sa paghahanap pa ng bagong challenge.

Sa press conference ng bagong game show niya sa TV5, ang The Million Peso Money Drop, kahapon, October 10, sinabi ng TV host-actor na hanggang ngayon ay naghahanap pa rin siya ng challenge sa buhay.

Anong klaseng challenge ang hanap niya?

“To stay on top, isn’t that a challenge?” sagot niya.

“That’s the biggest challenge when you’re there.

“I’m not saying I’m on top.

“Kapag successful yung show, that’s the biggest challenge—to maintain the show.”

Idiniin din ni Vic, “Hindi nauubos ang challenges sa buhay.

“When you stop taking challenges or hindi mo lang pinapansin ang mga challenges, e, boring na ang buhay.”

Dahil sa ganitong pananaw, sabi ni Vic, “Kapag may dumating, I’m ready for it.

“Kailangan tuluy-tuloy, e.

“I mean, there’s always a room for improvement.

“Ayaw ko ng titigil ako. I get bored easily so kailangan palaging may nangyayari sa buhay.”



ON NEW SHOW. Marahil, ang patuloy na paghahanap ng challenge ang isa sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni Vic ang bagong hosting job sa TV5.

Sa darating na Linggo, October 14, magsisimula na ang The Million Peso Money Drop. Ito ang magiging kapalit ng Who Wants To Be A Millionaire na si Vic din ang host.

Dahil bago ito, inamin ni Vic, “Of course, there’s always a pressure lalo na kapag new show, new franchise, never been aired in the Philippines, never been tested.

“Siguro sa mga core groups lang nila tine-test.

“But me, personally, after watching episodes of America and British [franchise], alam ko o may confidence [ako] na magki-click siya sa Pilipinas."

Dagdag pa ng tinaguriang “Bossing of All Game Shows,” “As a host, of course, nandoon yung pressure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That’s why I do my homework.

“I follow everything, I write everything and try to put my personal touch sa paghu-host.

“With this game show, I’m confident na it will do good like the Millionaire—or even better.”

Ang The Million Peso Money Drop ang local version ng British game show na The Million Pound Drop Live, na dinebelop ng Endemol.

Ang Endemol ang kumpanyang gumawa rin ng Exteme Makeover: Home Edition, na nagkaroon din ng local version sa TV5.



KAPUSO, KAPATID, KAPAMILYA. Bukod sa Eat Bulaga! na napapanood sa GMA-7, madalas ding nakikita si Vic sa TV5.

Tinanong tuloy si Vic kung Kapuso, Kapatid, o Kapamilya ba siya.

Sagot niya, “Hangga’t maari, ayaw ko ng may kalaban, ayaw ko ng may kaaway.

“If you notice, I can work with any network.

“Sa pelikula, I do movies with Star Cinema and with ABS-CBN, wala naman akong problema.”

Biro pa niya, “Depende kung sino ang kaharap ko!

“Ngayon nasa TV5 tayo, 100 percent tayo.

"Kapag napunta ako sa Edsa, e, Kapuso ako.

“Wala namang masama dun, di ba? Kung sino ang kaharap mo…”

Sabi pa ni Vic, “Lahat sila may puwang sa aking damdamin.

“Gusto ko lahat kaibigan, e.

“I don’t even refer to them as ‘sa kabilang network.’

“Diretso ako kung ABS-CBN o Star Cinema o GMA Films.

“Last year, I was working with Star Cinema. This year, I’m working with GMA Films. Hopefully, next year with TV5.

“Mas marami kang kakampi, mas marami kang kaibigan, mas marami kang pera!”



FRIENDLY COMPETITION. Katulad sa telebisyon, hangga’t maaari ay gusto ni Vic na wala ring labanang magaganap pagdating sa paggawa ng pelikula.

Taun-taon ay kasali ang pelikula ni Vic sa Metro Manila Film Festival. Pero kahit madalas ay sinusukat nito ang kinikita ng kalahok na pelikula, hindi naman daw dapat ito maging matinding kumpetisyon lalo na sa pagitan ng mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Vic, “Alam mo, sa dami ko nang pinagdaanan, kami ni Bong [Revilla], never kong naisip na kakumpitensiya [ang ibang MMFF entries].

“Basta ang inaasikasyo namin is kung ano yung gagawin namin—kailangan maganda, kailangan bago.

“Kahit number two lang, okay lang. Importante, e, kumikita ang lahat.

"Natitiyambahan lang na nagta-topgrosser [ang mga pelikula ko]."

Paalala rin ni Vic sa mga kapwa niya artista, “Kailangan ano tayo… Ibig kong sabihin, tayo-tayo lang ang nandito, e. Magkukumpitensya pa ba tayo?

“Kung may kumpitensya man, it’s always healthy and friendly competition.”

Ngayong taon, makakasama ni Vic sina Senator Bong Revilla at Judy Ann Santos sa MMFF entry na Si Agimat, Si Enteng, And Me.

Ito ay co-produced ng OctorArts Films, M-Zet Films, Imus Films, at GMA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN