Shaina Magdayao on being linked to Diether Ocampo, Rico Blanco and Gerald Anderson: "Naloloka ako kasi mula nang maging single ako, nili-link na nila ako sa kung sinu-sino!"

Pagkatapos ma-link kay Diether Ocampo, nauugnay naman ngayon si Shaina Magdayao sa rock singer na si Rico Blanco at sa young actor na si Gerald Anderson. Pero paglilinaw ng young actress, kaibigan labng daw niya ang dalawang ito.


Pagkatapos ma-link kay Diether Ocampo, nauugnay naman ngayon si Shaina Magdayao sa rock singer na si Rico Blanco at sa young actor na si Gerald Anderson.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Shaina, nilinaw nito na kaibigan niya lang ang dalawa at walang katotohanan ang mga balita na nanliligaw sa kanya ang mga ito.

“Hindi, kaibigan ko lang si Rico… ano kasi, nasa isang group kami, may common friends kami.

“Same with Gerald, we’re in one industry. Si Rico, friend ko talaga.

“Si Gerald naman, never kaming lumabas but magkaibigan kami.

“Nag-uusap kami na walang awkwardness, bakit naman akong mao-awkward kung wala namang nangyayari, di ba?

“No, wala akong number niya, hindi ko alam ang number niya.”

SINGLE SHAINA. Ikinagugulat daw ni Shaina ang sunud-sunod na pagkaka-link niya sa iba’t ibang lalaki.

Sabi niya, “Naloloka ako kasi mula nang maging single ako, nili-link na nila ako sa kung sinu-sino!

“E, bahala kayo kung kanino ninyo ako i-link.

“Ano ang magagawa ko? Single ako at lahat kaibigan ko, in fairness.

“The people I get to talk, to know now, yung mga lalaking nakakausap ko, yung mga bagong kaibigan kong artista—men.

“Ako naman, I’ve been very honest na I’m not yet ready… so let’s all be friends.”

Bukas naman daw siya sa mga gustong manligaw sa kanya, pero hindi pa talaga siya handa para sa bagong relasyon.

“Oo naman, kung gustong makipagkaibigan, okay. Pero hanggang dun lang muna.”

KUNG AKO’Y IIWAN MO. Samantala, masaya si Shaina sa tatlong beses na pagkaka-extend ng afternoon soap niyang Kung Ako’y Iiwan Mo.

“Ay, bongga, isang buong taon na kami nagte-taping!” bulalas niya.

Marami naman ang nagugulat sa daring at sexy scenes nila ni Jake Cuenca sa istorya. Aminado si Shaina na may “ilang factor” pa rin sa mga ganitong eksena na ginagawa nila ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandun siyempre lagi yung ilang factor kasi hindi mo naman boyfriend yung tao, or hindi mo naman maiiwasan na medyo ma-conscious ng kaunti kasi kaibigan mo.

“Pero siyempre, lalake pa rin yun kahit ano ang gawin mo.

“But kung lamang sa pagiging kumportbale, kumportable ako kay Jake kasi ilang taon na kaming magkatrabaho.

“He’s been very respectful... hindi ko naman napi-feel na nagte-take advantage siya and all that.

“At the same time, sobra siyang maka-protect.

“Pag nakahubad ako, binabalutan niya ako right after the scene, very gentleman.”

Dahil gumagawa na siya ng ganitong mga maseselang eksena sa TV, tinanong ng PEP si Shaina kung handa na rin siyang magpa-sexy sa isang pelikula o susunod na proyekto na gagawin niya?

“Matagal na naman natin yung ginagawa,” nakangiting sabi ng 22-year-old actress.

“Siguro torrid na nga itong ginagawa ko sa Kung Ako’y Iiwan Mo, Rated SPG na nga.

“Oo naman, hindi na naman bago ito sa atin, tumatanda na tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN