Dingdong Dantes on girlfriend Marian Rivera: "She’s a very complex human being that I always want to see and spend time with.”

Si Dingdong Dantes ang nanguna sa survey na isinagawa ng Intelligent Skin Care Inc., ang gumagawa ng Belo Essentials at Belo Men skin care products. Reaksiyon ng Kapuso actor dito: "Happy naman ako to know that people look up to me. Ako naman, I’m just being myself... And siguro nararapat din para sa sarili ko na pangalagaan din ang katawan ko, ang sarili ko. And kaakibat doon yung pisikal na kaanyuan dahil siyempre kailangan ito sa trabaho natin.”


Tila hindi nauubusan ng suwerte at magandang kapalaran si Dingdong Dantes.

Matapos ang biglaang pagkaka-shelve ng gagawin sana niyang teleserye sa GMA-7 kasama sina Kylie Padilla at Lorna Tolentino, ang Haram, sinigurado naman ng GMA management na mapapalitan ito ng bagong proyekto with the same cast and director.

Nakatakda na ring ipalabas sa Oktubre 17 ang bagong pelikulang pinagbibidahan at iprinodyus ni Dingdong, ang Tiktik: The Aswang Chronicles, sa direksiyon ni Erik Matti. Kasama rin sa cast sina Lovi Poe, Joey Marquez, Janice de Belen, Roi Vinzon, at LJ Reyes.

Kasabay ng lahat ng ito ay may bagong endorsement pa si Dingdong, ang Belo Men.

Ikinatuwa nga niya na siya ang nanguna sa isinagawang survey para sa most-admired movie and TV actors ng Intelligent Skin Care Inc., ang gumagawa ng Belo Essentials at Belo Men skin care products.

Dahil dito, hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang mag-inang Dra. Vicki Belo at Cristalle Belo-Henares na kunin ang Kapuso actor para mag-endorso ng Belo Men kasama ni Derek Ramsay.

Belo endorser na si Dingdong since 2008 nang iendorso ng Kapuso actor ang radio frequency ng Belo Medical Clinic.

Reaksiyon ni Dingdong tungkol sa pangunguna niya sa isang survey, “Happy naman ako to know that people look up to me. Ako naman, I’m just being myself.

"And thank you rin sa Belo that they see something in me para maging endorser ng Belo Men.

"And siguro nararapat din para sa sarili ko na pangalagaan din ang katawan ko, ang sarili ko.

"And kaakibat doon yung pisikal na kaanyuan dahil siyempre kailangan ito sa trabaho natin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa presscon ng Belo Men noong Martes, Oktubre 9, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

BEAUTY REGIMEN. Bilang isang sikat na artista na kasama sa puhunan ang kanyang mukha at katawan, kailangang pangalagaan ni Dingdong ang kanyang mukha at balat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin nga niya na noong araw ay hindi siya ganung ka-conscious sa pag-aalaga ng kanyang skin.

“Aaminin ko, dati po, medyo hindi ako careful pagdating diyan.

"Pero siyempre, throughout the years siguro, dahil nag-e-age din ako, kailangan po talagang alagaan yung skin.

"And if I want siguro longevity sa industriyang pinasok ko, kailangan po talaga alagaan yung balat at saka yung sarili.

"Yun pong simpleng paghugas ng mukha bago matulog at paggising, malaking bagay yun.”

Kung meron man daw bad attitude na nabago kay Dingdong, ito ay ang pagtulog niya nang naka-makeup pa.

“Malaking pagbabago sa akin kasi dati sobrang masamang practice yung ginagawa ko na pag-uwi ko, pagod na pagod ako, hindi ko na tinatanggal yung makeup, tapos tulog agad.

"So, imagine doing that every day for so many years.

"So, it’s about time na alagaan ko naman kung ano yung ibinigay sa akin ng Panginoon.

"So ngayon, before going to bed, hugasan mo lang, maghilamos.”

Natanong din si Dingdong kung ano ang usual “beauty regimen” niya paggising niya pa lang sa umaga?

“Well, siyempre una, dapat maputol yung kuko nang maigi. Tapos isang magandang ligo and then toothbrush.

"Pag may steam or sauna, hangga’t maaari, araw-araw. And then, kung meron ding cold and hot plunge, malaking bagay yun.

"Then fix the hair and dress up properly. Simple lang ako.”

MARIAN’S INFLUENCE. Totoo bang malaki rin ang impluwensiya sa kanya ng girlfriend niyang si Marian Rivera pagdating sa pag-aalaga sa skin at katawan?

“Actually, dahil nakikita ko sa kanya, especially pag nasa shooting kami, kung gaano siya kabanidosa, talagang inaalagaan niya yung kanyang hitsura kaya naman tingnan ninyo naman ang resulta.

"So, siyempre kahit hindi niya sabihin sa akin directly, nakikita ko kung gaano niya binibigyang importansiya yung mga ganung bagay.

"And siyempre as a man, iisipin mo, ‘E, pambabae naman ’yan, e.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero in a way, especially in my line of work, kailangan ko ring mamulat sa katotohanan na we also have to take care of ourselves.”

Pag sila ba ay nagde-date o lumalabas ni Marian, nag-uusap ba sila ng damit na susuotin nila?

“Hindi, e. Nakakatuwa dahil ang laki din ng in-evolve niya sa fashion sense and I’m just really amazed na ganun talaga siya.

"Pero siyempre, mag-e-effort kaming magbihis pag magde-date kami para maging presentable para sa isa’t isa.

"Although we are already more or less four years in this relationship, we still excite each other sa tuwing nagde-date kami.”

WHO IS MARIAN TO HIM? Pagdating naman sa mga intriga ay hindi na raw nila pinapansin ni Marian ang mga ito lalo na kung wala namang katotohanan.

Gaya ng recent intriga sa kanila na nagkakaproblema raw ang relasyon nila dahil sa pagkaka-link ni Dingdong kay Isabelle Daza.

Paliwanag ni Dingdong, “Nasagot ko na po iyan na wala po iyang katotohanan.

"So, para sa amin ni Marian, it’s not an issue at all.

"Kasi kung may isang tao na nakakakilala sa akin at isang tao rin na nakakakilala sa kanya, kaming dalawa yun.

"We’re always there to assure one another na nandito kami para sa isa’t isa.

"Ang importante, hindi naman totoo yung ibinibintang nila.”

Para sa kanya, sino ba si Marian ngayon sa buhay niya?

“She’s more than a friend, she’s more than a sister, she’s more than a best friend, and even she’s more than a girlfriend to me.

"She’s a very complex human being that I always want to see and spend time with.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN