Daddy-to-be Marco Alcaraz stays off beautiful women in bars: “Hanggang tingin na lang.”

Pinaghahandaan na ni Marco Alcaraz ang pagiging ama ng isisilang na sanggol ng kanyang misis na si Lara Quigaman. Aniya, “Actually, kinakabahan ako. Kasi tao ‘yan, e, di ba? Nagbabasa-basa ng libro, nagtatanung-tanong sa mga daddy rin diyan, kung anong tips ang ibinibigay nila.”


Ayon kay Marco Alcaraz, mister ng dating beauty queen-turned-actress na si Lara Quigaman, maaring mapaaga ang panganganak ng kanyang misis.

Ngayong November 19 sana nakatakdang magsilang ng una niyang sanggol si Lara.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marco sa birthday party ng entertainment columnist na si Allan Diones sa Cocoon Hotel, Timog Avenue, nitong nakaraang Lunes.

Lalaki raw ang unang sanggol nina Marco at Lara. Pinag-uusapan pa nilang mag-asawa ang magiging pangalan ng anak.

Kuwento ni Marco, “Noah yung napag-usapan namin ni Lara. Pero gusto ko nga sana, Noah Lamar. Medyo ayaw niya [Lara] yung Lamar—Lara-Marco.”

“Noah muna. Pinag-iisipan pa namin kung ano yung second name ng baby namin,” dugtong ni Marco.


GODPARENTS. May mga listahan na ba ng mga ninong at ninang ng magiging baby nila?

“Ahmm… wala pa sa ngayon, e. Ang iniisip pa namin yung panganganak niya. Actually, sobrang excited na siya.

“Yung bag niya na gagamitin sa ospital, nandun na, ready na. Yung crib, ready na.

"Actually, halos lahat, ready na, e.”

Noong Huwebes, October 4, sa Kris TV na host si Kris Aquino, isinagawa ang baby shower ni Lara, ayon kay Marco.

Medyo nahihirapan daw magbuntis si Lara, lalo na noong first trimester nito. Kumusta naman ang condition niya ngayon ?

Ayon kay Marco, “Well, suwerte nga, dahil first three months, ok naman yung pregnancy niya.

“Medyo nahihirapan siya ngayon nang konti dahil malaki na.

“’Pag natutulog, hindi niya alam kung ano ang posisyon, medyo malaki na yung baby.”

Bilang first time ni Marco na makasama ang isang asawang buntis, nahirapan din ba siya?

“Actually, mas mabait nga ngayon si Lara. Noong buntis, naglalambing. May konting sungit-sungit minsan,” tugon niya.

Paano niya inaalagaan si Lara sa kalagayan nito?

“Well, kung ano ang hinihingi niyang pagkain kahit bawal sa kanya. ’Pag nalalambing, ibinibigay natin… Well, yun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan, pinipilit ko siyang mag-exercise para hindi siya mahirapang manganak,” saad pa ni Marco.


TIPS FOR DADDY. May confidence at konting kaba si Marco habang nalalapit na ang paglabas ng baby at pagharap niya bilang daddy.

Pag-aalala niya, “Actually, kinakahaban ako. Kasi tao ‘yan, e, di ba?

“Nagbabasa-basa ng libro, nagtatanung-tanong sa mga daddy rin diyan, kung anong tips ang ibinibigay nila.

“Sabi lang nila, i-enjoy lang namin yung ganitong pregnancy niya, paglabas ng baby.

“Once lang raw ito, dahil paglabas ng baby, ’pag lumaki… ang bilis raw lumaki. So, enjoy lang.”


BODY CHANGES. Kumusta si Lara sa pagbabago ng kanyang pangangatawan?

Sagot niya, “Ayun, nadi-depress minsan, kasi tumaba raw siya… Yung hips, lumalaki.

“’Ayun, may depress-depress. Kaya one reason rin kaya hindi ako lumalabas, lagi ako sa tabi niya, para to comfort her.”

Ilang buwan na ba ang tiyan ni Lara noong magpakasal sila?

Mabilis niyang sagot, “Five months na.”

Hindi ba inaasahan ang maagang pagbubuntis ni Lara bago sila ikinasal?

“Kaya nga naging early nang konti yung kasal dahil nalaman naming pregnant siya,” paliwanag ni Marco.

Pagkatapos magsilang ni Lara, ano ang inaasahan nilang pagbabagong magaganap sa buhay nilang mag-asawa?

“Siyempre, papahinga muna, aasikasuhin siyempre yung baby. Magpapayat muna siya…

“Pero ngayon nga kahit buntis siya, busy pa rin sa pagpo-promote ng Champs, [bagong serye sa ABS-CBN] kasi nga, November na lalabas.

“Ako naman, busy sa restaurant. Kasi nagbukas kami ng restaurant sa Alabang with our friends.”

Darating ba yung mga parents ni Marco from abroad?

“Ita-try daw pero hindi pa sigurado,” tugon niya.

Kumusta naman ang family niya sa nalalapit na panganganak ni Lara?

“Happy rin sila kasi first nilang apo ito. So, malamang, this November nandito sila. Almost every month naman, nandito yung parents ko, e.”


LIFESTYLE. Nabago na ba ang pananaw niya sa buhay noong nag-asawa siya at magiging tatay na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, siguro more responsible ako. Mas nagse-save ako for our future.

“Instead na bumili ako ng personal na gamit ko, iniisip ko na lang yung para sa baby.

“Ngayon, nag-umpisa na kami ng negosyo. So, one thing rin yun. Alam naman natin ang pag-aartista, hindi habang buhay.

“Minsan, ilang months na wala kang work. So, para hindi ma-depress, doon mo ibaling yung pagiisip mo, yung trabaho mo.”

Nabago rin ba yung lifestyle niya tulad ng pagimik-gimik sa mga bars?

“Well, mabait nga si Lara, dahil kahit buntis, nakakalabas pa ako. Parang balance lang. Disiplina lang, time management.”

Paano yung mga magagandang babaeng nakikita niya sa mga bars?

Natawa si Marco, “Hanggang tingin na lang.”


NEW PROJECT. Ibinalita ni Marco na kasali siya sa bagong serye sa GMA-7 na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla, ang Indio.

“Hindi pa ako nagte-taping. First week pa sila, pero yung ibang mga characters lang.

“Kasi yung mga first two weeks, mawawala rin yung ibang characters.

"Pinapipili nga ako, e, ‘Ano ang gusto mo? Yung part na sandali lang or yung pangmatagalan?’

"Siyempre, gusto ko yung pangmatagalan.

“So, alam ko, January pa siya iere Hindi naman ito makakaapekto sa election campaign.

“Kasi, di ba, si Senator Bong, senator pa rin naman siya?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN