Watch Now

Karla Estrada assures son Daniel Padilla he will not regret endorsing Mar Roxas

Mar 3, 2016
<p>Karla Estrada on Mar Roxas: "Kasi kahit saan mo silipin at basahin, walang track record ng pagnanakaw. Dahil ang umpisa ng krimen at poverty ng bansa natin ay ang pagiging magnanakaw at corrupt ng mga politiko. Wala siyang [Mar] track record ng kahit n

Inaasahan na raw ni Karla Estrada na babatikusin ng ilan ang hayagang pag-eendorso ng anak niyang si Daniel Padilla at ng ka-love team nitong si Kathryn Bernardo sa kandidatura ni Mar Roxas bilang president sa 2016 elections.

Pahayag ni Karla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Eleksyon kasi ngayon, so expected ‘yan.

“Wala akong puwedeng sabihin kundi yung paninindigan, na paniniwala, ‘Anak, kanino tayo?’

“Sabi ko, ‘Hindi tayo mapapahiya. Wala tayong dapat na pagsisihan kasi kahit saan mo silipin at basahin, walang track record ng pagnanakaw.’         

“Isa lang ang pwede kong ipagmalaki, ‘yan lang.

“Dahil ang umpisa ng krimen at poverty ng bansa natin ay ang pagiging magnanakaw at corrupt ng mga politiko.

“Wala siyang [Mar] track record ng kahit na anong kaso sa Ombdusman, yun lang.”

Bakit pumayag ang Star Magic, na nagha-handle ng career ng Kathniel, na mag-endorse ng kandidato sa halalan na hindi nila pinapayagan noon?

Ayon kay Karla, “Yes, dati. But it depends and thankful naman ako na gusto nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre my loyalty is with ABS-CBN, sa boss ko.

“Kung go ang boss ko, e, di makaka-go kami.

“Kung hindi, hindi. Di ba, ganoon lang naman?

“Hindi ako kikilos kung ayaw, because my loyalty is with my network, ABS-CBN and the Lopezes.”

Read Next
Read More Stories About
Karla Estrada
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Karla Estrada on Mar Roxas: "Kasi kahit saan mo silipin at basahin, walang track record ng pagnanakaw. Dahil ang umpisa ng krimen at poverty ng bansa natin ay ang pagiging magnanakaw at corrupt ng mga politiko. Wala siyang [Mar] track record ng kahit n
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results