Erich Gonzales admires Mario Maurer for being honest about his personal relationship

“Si Mario, dream siya ng mga babae, kahit nga beki po. Sa sobrang kaguwapuhan niya talaga, nasabi ko na ito before, wala siyang pores talaga. Napakinis ni Kuya. Super-fresh po talaga siya, napakaguwapong lalaki,” says Erich Gonzales about her Suddently It’s Magic co-actor, Thai heartthrob Mario Maurer.


Marami raw natutunan si Erich Gonzales mula sa pakikipagtrabaho niya sa Thai actor na si Mario Maurer.

Isa na rito ang paghihiwalay ng personal na buhay sa trabaho sa showbiz.

Sa press conference ng upcoming Star Cinema movie na Suddenly It’s Magic kagabi, October 12, sinabi ng 22-year-old actress, na nakita niya kung gaano kaalaga ang Thai heartthrob sa kanyang girlfriend nang mag-shoot sila sa Thailand.

“Heartthrob siya pero hindi niya po tinatago na mayroon siyang girlfriend,” sabi ni Erich.

“Kasi, dito, parang hangga’t maaari itatago mo para yung mga ano, gustuhin ka pa, yung mga fans hindi magre-react.

“Pero siya, talagang ang hinahangaan ko sa kanya ay very open siya.

“Nakita ko talaga kung paano niya alagaan ang girlfriend niya.

“Sobrang ina-admire ko ang relationship nila. Nine years na sila. So, imagine, nakaka-admire talaga.”

Tulad ni Mario, hindi rin naman daw nagde-deny si Erich pagdating sa kanyang personal na buhay.

Isang halimbawa nito ay ang pag-amin niya na nakikipag-date siya sa isang non-showbiz guy.

(CLICK HERE to read related article.)

“Never naman po akong nag-deny kapag tinatanong naman po ako sa mga past interviews ko,” pag-uulit pa ni Erich.

“Nagsabi naman po ako that I’m dating a non-showbiz guy.

“Over a year na. Mas maganda kung quiet lang, hindi magulo.”

BECOMING GOOD FRIENDS WITH MARIO. Bukod sa pagiging bukas ni Mario sa kanyang personal na buhay, ikinatuwa rin ni Erich at iba pang mga kasamahan sa pelikula ang pagiging professional ng 23-year-old Thai actor.

“He’s super cool, walang arte talaga,” sabi ni Erich.

“Si Mario kasi parang Pinoy din siya, napakamasayahin niya.

“Professional siya pagdating sa trabaho, darating sa set na alam niya [ang gagawin niya].

“Ang galing-galing niyang makisama sa lahat.

“Siguro noong una lang parang nagkakahiyaan pa. Pero noong nag-click na lahat, hanggang sa matapos [yung movie], and even up to now, nagko-communicate kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We really became good friends.”

WORKING EXPERIENCE WITH THAI ACTOR. Pagdating sa mismong trabaho, hindi rin umano nakitaan ng arte si Mario.

Dagdag ni Erich, “Sanay sila sa 12 hours na working time sa kanilang bansa. Dito, kahit lagpas na sa 12 hours, ok lang sa kanya. Wala kaming naging problema.”

Isa pang halimbawa ng pagiging maayos na katrabaho ni Mario ay ang eksenang sasampalin siya ni Erich.

Sa kultura ng Thailand, itinuturing na sagrado ang ulo ng tao, kaya nagulat at napatayo ang mga kasamahan ni Mario nang gawin nila ni Erich ang eksena.

“Nagulat din ako,” sabi ni Erich.

“Siyempre, kung dito, sanay kami na totohanan talaga, walang daya-daya.

“Kapag sinabing take, parang nakalimutan namin, hindi pala [siya] Pinoy.

“Wala naman kay Mario. Ang nag-react talaga yung team niya.”

Hindi na raw inulit pa ang eksena at nagpaumanhin siya pati na ang director nilang si Rory Quintos sa mga Thai na kasama ni Mario.

Nagpahayag naman muling paghanga sa kaguwapuhan ni Mario si Erich.

“Si Mario, dream siya ng mga babae, kahit nga beki po. Sa sobrang kaguwapuhan niya talaga, nasabi ko na ito before, wala siyang pores talaga.

"Napakinis ni Kuya. Super-fresh po talaga siya, napakaguwapong lalaki,” sabi pa ni Erich tungkol sa Thai heartthrob.

PRESSURE TO MAKE IT A HIT MOVIE. Samantala, hindi naman ikinaila ni Erich na nakararamdam siya ng pressure para sa pelikulang Suddenly It’s Magic lalo pa’t ang susundan nitong Star Cinema movie ay This Guy Is In Love With You Mare, na kasalukuyang patok sa takilya.

Every project naman nape-pressure ako,” nakangiting saad ni Erich.

Basta, I just hope and pray na magustuhan ng tao yung Suddenly It’s Magic. Kasi itong movie po na ito, maraming makaka-relate sa story nito.

“Kagaya ng sinabi ko, hindi lang ito kuwento na pang-teens, para rin sa pamilya at maraming matututunan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsisiguro pa niya sa huli, “Lalabas ka ng sinehan nang nakangiti, feel good lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN