Jessy Mendiola denies Derek Ramsay "sighting"; says Matteo Guidicelli is just a co-worker; and JM de Guzman is back to "friend-zone"

Itinanggi ni Jessy Mendiola ang mga tsismis tungkol sa kanila ni Derek Ramsay at Matteo Guidicelli. Magkaibigan naman daw muna sila ngayon ni JM de Guzman. Dahil sa pagkaka-link sa iba’t ibang lalaki, hindi raw tuloy alam ni Jessy kung matutuwa siya o mao-offend. Aniya, “Yun nga, hindi ko alam if I should be flattered or should I be…not offended naman…pero bakit iba’t ibang lalake?”


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jessy Mendiola sa SunPiology Run presscon na ginanap sa Komrad, Il Tirrazo, Quezon City, nung Lunes, October 8, itinanggi ng young actress ang mga tsismis na nag-uugnay sa kanya kina Derek Ramsay at Matteo Guidicelli.

Sa sinasabing “sighting” diumano sa kanila ni Derek sa isang mall at sa lobby ng isang hotel, paglilinaw ni Jessy: “Personally I don’t know Derek, I haven’t met him yet.

“Of course I know who he is, but hindi ko siya ka-close na nagkakilala na kami formally sa isa’t isa.

“Mayroon pang nagsasabi na nakita raw kaming magkasama sa mall. Baka naman kamukha ko lang. Bakit naman kami maglalakad sa mall?

“’Tapos may nagsabi pa na sa hotel lobby nga raw. I don’t go to a hotel. Yung pinaka-last na punta ko sa hotel was nung Star Magic Ball,” patuloy ni Jessy.

Ginanap ang Star Magic Ball 2012 nitong September 1 lang sa Makati Shangri-La Hotel.

CLOSENESS WITH MATTEO. Sa tsismis namang nanliligaw raw sa kanya ang Paraiso leading man niyang si Matteo Guidicelli, nagbigay rin ng paglilinaw ang 19-year-old Kapamilya talent.

“Ang nangyari kasi nun, lumabas kami, pero kasama namin ang director namin and ibang staff ng Paraiso.

“So, para siyang celebration kasi malapit na kaming iere.

“Nagkataon lang na magkatabi kami ‘tapos may nagsabi sa amin na puwede raw bang picture-an kaming dalawa.

“E, hindi ako nakatangin. So, parang yung form ng pagtawag ng atensyon ko, ‘Uy,’ ginanun niya ako sa legs ko,” paglalarawan ni Jessy kung paano siya hinawakan ni Matteo sa hita niya.

“Nag-smile kaming dalawa na hindi ko alam, all the while pala, yung kamay niya, nasa legs ko. Pero after that picture, tinanggal din.”

Tinanong ng PEP kay Jessy kung nasundan pa ba ang paglabas-labas nila ni Matteo.

“Hindi na, naging busy kami sa Paraiso. Kasi mayroon kaming sunud-sunod na mga kinunan sa beach. Ang itim na nga niya at ako rin,” sagot ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit hindi lumalabas o nagde-date, nagkakausap daw silang madalas ni Matteo, bilang magkatrabaho sa ginagawang bagong drama series.

“He has my number, I have his number. Usually, ‘pag mayroon kaming mga rehearsals, dun kami nagkaka-textan or ‘pag nagtatanong sa mga locations, ‘Oy, nasaan ka?’

“Sobrang nakikilala na namin ang isa’t isa, ‘tapos minsan para kaming aso’t pusa.

“Nag-aasaran pero sobrang lokohan lang.”

Kumusta naman ang closeness nila ni Matteo?

“Sa ngayon, paunti-unti lang. Pero sinabi ko sa kanya na nandito lang ako as his friend, nandito lang ako to listen.

“Siyempre kailangan pagdating sa loveteam or partner, kailangan wala kayong wall sa isa’t isa.”

Maaari kayang humantong sa panliligaw ang closeness nila? Maging “romantic” na ang relationship nila mula sa “working”?

“Hindi nanliligaw. Siyempre galing siya sa heartbreak, parang as our project goes, parang gusto ko rin yung relationship namin as co-workers, as friends, ok naman.

“Romantic? Di ko alam, pero ang bilis naman masyado,” nakangiting sagot ni Jessy.

JM AND HER. Sa pagkaka-link ni Jessy kina Derek at Matteo, hindi tuloy alam ni Jessy kung matutuwa ba siya o mao-offend.

“Yun nga, hindi ko alam if I should be flattered or should I be…not offended naman…pero bakit iba’t ibang lalake?” nagtataka pang pahayag ni Jessy.

Kumusta naman sila ngayon ng napabalitang boyfriend niya na si JM de Guzman?

Matatandaang nagbigay ng reaksiyon niya si Jessy tungkol sa paglalahad na ginawa ni JM sa Kris TV. (CLICK HERE to read related story.)

“Nagkita kami two weeks ago sa ASAP [2012]. Hindi na kami nakakalabas. Naging busy na rin kasi sila sa Angelito [Ang Bagong Yugto]. Ang alam ko, for airing lahat ng tini-taping nila.”

Tutok daw sa pagtatrabaho si JM, gayundin siya.

“Si JM kasi sobrang simple niya, sobra niyang pinahahalagahan yung craft niya na wala sa iba na nasa showbiz. Sa akin, kasi trabaho muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napagkasunduan nila ni JM na mag-concentrate muna sa sari-sarili nilang careers at huwag magmadali sa mas romantikong kahahantungan ng kanilang relasyon.


“Hindi kami nagmamadali, kasi sinabihan ko siya na ayoko muna. And sabi ko, as much as possible, slow lang.

“Kasi ang dami-dami naming ginagawang trabaho ngayon. Ang dami-daming kumakabit na issues na kumakabit sa kanya at sa sa akin din.

“Sabi ko, as much as possible let’s take it slowly,” wika pa ni Jessy.

Sa ngayon daw, dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw, parang nagsisimula uli sila bilang magkaibigan.

Pero kahit nasa "friend-zone" muna uli si JM, bahala na raw ito kung manliligaw.

“So, para nga siyang new beginning as friends. So, kung mauwi man sa panliligaw, e, bahala siya.”

WHAT THEY REALLY ARE. Pero ang ipinipilit ng mga nag-oobserba sa kanila, naging magkasintahan naman daw talaga sila ni JM, nag-break at ngayo’y nagkabalikan muli.

Ano ang reaksyon ni Jessy sa sinasabing ito tungkol sa kanila ni JM?

“Siguro yun ang naiisip ng iba kasi yung words na nagkamali daw siya…

“Pero ang akin kasi, yun nga, naku-quote pa ‘ko na sinabi ko na nag-a-assume daw siya, pero sa akin, hindi.

“Siguro naiisip lang niya na nasa ganung level kami, pero it’s not like that, na parang M.U. ba or something in between?

“M.U. ba?” tanong uli ni Jessy na tila nag-iisip kung paano ilalarawan ang namagitan sa kanila nin JM.

“Parang ganun dati. May mga nangyari, so, we’re starting anew.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN