Director Marilou Diaz-Abaya finally laid to rest; friends and colleagues pay tribute

Isa sa mga hindi malilimutang alaala ng batikan at magaling na scriptwriter na si Ricky Lee (inset) ang pagpapahalaga ni Direktor Marilou Diaz-Abaya para sa mga katulad niyang writer sa pelikula. Kuwento niya, "Sa kanya lang ako nakaranas na yung pelikula na Moral ang nakalagay, ‘An Abaya-Lee-Ejercito Production.’ Dun ako nakaranas na ang pangalan ng writer, above the title.”


Nailibing na sa Loyola Memorial Park sa Parañaque City kaninang bandang alas-dose ng tanghali ngayong araw, Oktubre 13, ang multi-awarded movie director at filmmaking professor na si Marilou Diaz-Abaya.

Binawian ng buhay si Direk Marilou nung October 8, Lunes, dahil sa sakit na breast cancer.

Matatandaang limang taon na nakipaglaban ang magaling na direktor sa sakit na ito.

Kahapon, Oktubre 12, sa Ang Latest showbiz talkshow ng TV5, nagkaroon ng VTR tribute ang show para kay Direk Marilou.

Maraming mga malalapit na kaibigan at katrabaho ang nagsalita ng papuri at panghihinayang sa kanyang pagpanaw sa edad na 57.

Kuwento ni Marvin Agustin, hindi lang niya direktor si Direk Marilou, kundi teacher pa.

Aniya, “I would always look forward to our shooting days, ‘coz every time I would go to the set, alam kong hindi lang ako artista, estudyante niya ako.

“She has been an inspiration to me... A teacher to me.”

Nakasama ni Marvin si Direk Marilou sa tatlong pelikula, kabilang na ang kanyang last film na Ikaw ang Pag-ibig.

Mangiyak-ngiyak naman ang best friend ni Direk Marilou na si Direk Laurice Guillen habang sinasariwa ang kalidad ng mga pelikulang nagawa ng namayapang kaibigan.

“She not only made films that have purpose, she was a really great teacher,” sabi ni Direk Laurice.

“And ang iniwan niya, hindi lang legacy ng pelikula niya, kundi ang number din ng filmmakers that she has trained. Napakaimportante niyan.”

Marami pang ibang mga artista ang nagkuwento ng kanilang paghanga sa multi-awarded director.

Katulad ng paglalahad ni Joey Marquez: “Isa siya sa mga pioneer na direktor na ang taas ng antas ng pelikulang lokal.

“She’s a great loss to the Philippine movie industry, and a friend, si Malou.”

Kahit na hindi sila nabigyan ng pagkakataong magkatrabaho, inamin naman ng direktor din na si Bert de Leon na fan siya ni Direk Marilou.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “I’ve always been a big fan of Marilou. Pinanood ko yung Rizal pinanood ko yung Bagong Buwan.

“And I’m sure kung hindi siya nagkasakit, marami pa siyang magandang pelikulang ibibigay sa atin.”

Kuwento naman ng dating child actor na si Jiro Manio, natulungan siya at ang kanyang pamilya ni Direk Marilou kaya hindi niya pinalagpas ang huling pagkakataon na makita ang mga labi nito.

Aniya, “Natulungan niya ako dun sa maliit na problemang nangyari sa family ko, nung panahon na yun. Kaya talagang nagpunta ako dito para makita ko siya.”

Sa Ateneo College Chapel ng Ateneo de Manila University sa Quezon City, ibinurol ang mga labi ni Direk Marilou.

Labis na papuri naman ang hatid na mensahe ng beteranang aktres na si Caridad Sanchez.

“Tunay siya as a friend, tunay siya as a director. Tunay in everything.

“Among directors, talino, kabaitan, katotohanan, I think that’s the best description of my Marilou. I love Marilou talaga,” sabi ni Caridad.

Isa rin sa mga pinakamalapit sa yumaong direktor ay ang award-winning scriptwriter na si Ricky Lee. Halos labing-isang pelikula ang kanilang pinagsamahan at marami pa raw sana silang gagawin, kaso lamang ay pumanaw na ito.

Kuwento pa ni Ricky, “Very supportive siya sa writer. Sa kanya lang ako nakaranas na yung pelikula na Moral ang nakalagay, ‘An Abaya-Lee-Ejercito Production.’

“Dun ako nakaranas na ang pangalan ng writer, above the title.”

Nagkuwento naman ang dating aktres na si Cecille Castillo, bida sa pelikulang Karnal, ng kanyang hindi-malilimutang karanasan sa pakikipagtrabaho kay Direk Marilou.

Lahad ni Cecille, “I worked with Marilou sa Karnal and she made me, as an actress, very fulfilled.

“She was very good in motivation. Ibang klase siya, parang I don’t have to go to a workshop. She will just touch me.

“I don’t know, pero gano’n yung rapport naming dalawa. She’s so good!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN