Rachelle Ann Go on being a first-time concert producer: “Gano’n pala ang maging producer, ang hirap! Maya’t maya may binabayaran!”

“Before kasi, performer lang ako. Wala akong ibang aasikasuhin kundi ang mag-rehearse and make sure na ready ako for the show. Ngayon, lahat inaasikaso ko. From the production, sa mga taong nagtatrabaho for the show… Personally, hinaharap ko lahat,” naibahagi ni Rachelle Ann Go tungkol sa kanyang nalalapit na R.A.G.: Rise Against Gravity concert kunsaan siya rin ang producer.


Two weeks na hindi muna mapapanood na mag-perform ng big production numbers si Rachelle Ann Go sa Party Pilipinas.

Mas magiging abala kasi ito sa kanyang nalalapit na concert sa Music Museum na may titulong R.A.G.: Rise Against Gravity on October 26.

Humarap si Rachelle sa kanyang press conference nung Miyerkules, October 10 sa Viva Entertainment Office na minamalat dahil napagod daw siya sa magkakasunod na rehearsals.

“Nakiusap muna ako sa people of Party Pilipinas na hindi muna ako magpe-perform for two weeks. Kasi kailangan kong mag-concentrate sa rehearsals ko.

“Kailangan ko rin mabigyan ng pahinga ang boses ko para sa mismong araw ng concert ay okey siya.

“Ngayon nga, minalat ako, kasi kelan lang nag-rehearse kami for the medleys na kakantahin ko sa concert.

“Most of it kasi mga birit songs, kaya heto minalat ako. ‘Tapos may mga dance numbers pa ako. Kaya sobrang nakakapagod,” saad pa ni Rachelle.

Ang gagawin na lang daw ni Rachelle ay ang mag-promote ng kanyang concert.

“Kung papakantahin ako, hindi na raw yung mga pambirit. Mga magaan lang daw para hindi masyadong mapagod ang vocal chords ko.

“May guestings din kasi ako for promotion. For sure, pakakantahin nila ako. Ok lang naman basta huwag birit.

“Sa concert ko na lang nila ako panoorin bumirit nang husto,” sabay tawa pa niya.

FIRST-TIME PRODUCER. Hindi nga lang performer si Rachelle sa kanyang concert, kundi siya na rin ang producer nito.

Nakadagdag nga raw sa kanyang pagod ang personal na pag-asikaso sa mga gastusin ng concert niya.

“Gano’n pala ang maging producer, ang hirap! Maya’t maya may binabayaran!” tawa pa niya.

“Ang dami palang dapat asikasuhin.

“Before kasi, performer lang ako. Wala akong ibang aasikasuhin kundi ang mag-rehearse and make sure na ready ako for the show.


“Ngayon, lahat inaasikaso ko. From the production, sa mga taong nagtatrabaho for the show… Personally, hinaharap ko lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero mabuti na lang may mga tao naman na handa akong tulungan sa ganitong mga bagay-bagay.

“Isa na nga roon ay ang aking management na Viva Artist Agency.

“Since first time ko to venture into concert producing, they are guiding me every step of the way.

“They help me get sponsors for the show. Sila na rin ang nakikipag-usap sa ibang tao na magiging part ng production team.

“Nagpapasalamat nga ako na yung iba ay nadaan na lang sa friendship. Yung ibang part ng production team, ginagawa nila ito for the love lang.

“Very thankful nga ako kay Lord na sa walong taon ko sa entertainment business, I’ve made some good friends at ngayon ay sinusuportahan nila ako sa first venture ko in producing a concert.”

HER GUESTS. Kabilang sa libre na ibibigay ang kanilang suporta kay Rachelle ay ang kanyang special guests na sina Sarah Geronimo, Christian Bautista, at Regine Velasquez-Alcasid.

“Natuwa talaga ako when they said na they will do the guesting for free dahil mahal daw nila ako.

“Sina Sarah and Christian kasi, eight years ko na silang kaibigan, ever since I started in this business.

“Marami na kaming pinagsamahan and in times like this, maasahan mo talaga ang mga kaibigan mo.

“With Ms. Regine naman, noon ko pa naman sinasabi na she’s my idol. Siya ang dahilan kung bakit ako naging singer.

“Sumali ako sa Search For A Star noon para lang makita at makasama siya, if ever na makapasa ako sa audition.”

Si Rachelle ang itinanghal na grand champion ng Search For A Star noong 2004 sa GMA-7. Si Regine ang host ng naturang singing contest.

“When we asked Ms. Regine to be a guest sa concert ko, she said yes kaagad!

“Hindi na kami nahirapan pa, kaya sobra akong nagpapasalamat dahil kumpleto na ang hiniling kong magiging guests sa concert ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MYSTERY SPECIAL GUEST. May isa ring special guest si Rachelle na ayaw niyang ipabanggit pa dahil hinihintay pa niya ang sagot nito kung makakarating ito sa mismong araw ng concert niya.

“It’s a big surprise kung sino siya. Ang clue lang na mabibigay ko ay lalake siya.

“Nakausap ko na siya and he said na he will do his best to arrive sa mismong date ng concert ko.

“Kung matuloy nga siya, it will be one of the best moments sa career ko. Kaya I am praying na makaabot siya,” ngiti pa niya.

Ang huling big solo concert nga ni Rachelle ay noong 2005 pa sa Aliw Theater titled The Ultimate Champion. Napuno nga niya ang naturang venue.

SMALL VENUE FOR NOW. Marami ang nagsabi na sana ay sa SM MOA Arena or sa SMART-Araneta Coliseum siya nag-stage ng kanyang solo concert dahil sine-celebrate nga niya ang kanyang ika-8th year anniversary bilang singer.

“Since ako nga ang producer, we want to start sa hindi kalakihang venue muna. We’re working on a budget kasi.

“Kung maging okey ang lahat, maybe sa susunod, sa malaking venue na. We are testing the waters first.

“’Tsaka mas gusto rin namin na medyo intimate ang venue. Though mga ballads ang kakantahin ko, may mga upbeat numbers din.

“My director here is Rico Gutierrez. Kaya may mga exciting numbers kami sa concert. Director ko siya sa Party Pilipinas.

Kilala kasi si Direk Rico for directing Sarah Geronimo sa mga concerts nito at pati na rin ang AnneBisyosa: No Other Concert ni Anne Curtis.

“Dahil sa medyo maliit nga ang Music Museum, yung gagawin namin ay yung tama lang sa venue.

“Pero kung kakayanin, expect n’yo na lalambitin din ako sa concert ko,” tawa pa niya.

Available na ang tickets para sa concert ni Rachelle Ann sa Music Museum (721-0635) at sa Ticketworld (891-999) or log on sa website www.ticketworld.com.ph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN