Angel Locsin says she gets inpired by people who notice how she takes care of her body now

Hindi naniniwala si Angel Locsin sa paggutom sa sarili para pumayat. Balanced diet lang daw talaga ang kailangan niya. Aniya, “Kasi mas effective ‘pag di mo ginugutom ang sarili mo, saka nakaka-function ka. Sa likot ko pong tao, hindi puwedeng walang sustansiya. Kailangan ko talagang ibalanse ang diet ko."


Kabilang sa mga nabili ng ABS-CBN na Mars Ravelo novels ay ang Darna, at matunog na matunog ang pangalan ni Angel Locsin na siyang gaganap muli bilang ang babaeng super hero na ito.

Matatandaang si Angel ang gumanap na Darna noong nasa bakuran pa siya ng GMA-7 at nasa Kapuso network pa noon ang exclusive rights ng nabanggit na komiks character.

Marami naman ang nakakapansin ng pagpayat ni Angel. Hula tuloy ng mga nag-oobserba, naghahanda na raw yata si Angel para sa muling pagsusuot ng Darna costume.

Sa interview naman ng Cinema News at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung nakaraang Lunes, Oktubre 8, sa ABS-CBN Christmas station I.D. shoot na ginawa sa Studio 8 ng Kapamilya station, sinabi ni Angel na sobra niyang naa-appreciate na hanggang ngayon ay identified pa rin siya kay Darna.

“Actually hindi ko siya naiisip pa talaga kasi may ginagawa akong pelikula ngayon [One More Try]. Dun ako naka-focus ngayon,” pahayag ni Angel.

“Ewan ko, parang it feels great na ‘pag masaya ka, ‘pag ok ang lahat, parang lahat sumusunod na.

“Heto nga, may mga lumalabas na balita na ako nga raw ang gagawa dito.

“Ang tagal ko na nung huli kong nagawa yun. Sobrang nakaka-touch yung mga nagtu-tweet na nagsasabi na natatandaan nila ako sa ginawa ko. Sa akin malaking bagay na sa akin yun.

“Nakakalunod yung pagmamahal nila. Dun pa lang, masaya na ako.”

Wala pa namang kumpirmasyon kung si Angel nga ang gaganap na Darna. Pero kahit hindi raw matuloy na siya nga ang muling gaganap, ok lang naman daw.

“Sa akin kahit di matuloy, ok na ako dun, masaya na ako na natatandaan ako ng mga tao.

“Di ko alam kung ano ang mangyayari. Malay natin? Sabi ko nga, bahala na si Darna.”

INSPIRED BY PEOPLE WHO NOTICE. Natutuwa rin siya sa mga nakakapansin ng pagpayat niya. Nai-inspire daw tuloy siya na ipagpatuloy pa ang ginagawa niyang pag-aalaga ngayon sa katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least nakakagulat na sa sampung taon ko sa industriya, may nakakapagsabi na may nagugulat na every day may nakikita silang result. Sa akin, positive na rin yun, di ba?

“Actually, sa simula, gusto kong kumain ng healthy talaga.

“Dati kasi pinapapayat ka, parang pressured ka, kasi nandiyan yung kung anu-anong diet ang ginagawa mo.

“Hindi ok para sa akin. Kasi mas effective ‘pag di mo ginugutom ang sarili mo, saka nakaka-function ka.

“Sa likot ko pong tao, hindi puwedeng walang sustansiya. Kailangan ko talagang ibalanse ang diet ko.

“At ngayon, hindi ko man nasusunod ng 100 percent yung pagkain ng tama talaga, nandun na, naga-guide na,” sabi pa ni Angel.

CMMA AWARD. Kamakailan ay pinarangalan sa 34th Catholic Mass Media Award (CMMA) ang Toda Max bilang Best Comedy Program.

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Angel sa karangalang natanggap ng kanilang programa.

“Sobrang proud kami! Sa sobrang proud nga namin, all-star cast kaming pumunta dun sa CMMA. Nag-ayos kami na na-realize namin, paano pala ‘pag di kami nanalo?

“Kumpleto kaming lahat, sa awa ng Diyos, di naman kami napahiya.

“Maraming, maraming salamat, lalo na ‘pag sinabing CMMA. Karespe-respeto talaga dahil mga pari, mga taong simbahan ang nagde-decide nito.”

Hindi nga raw nila alam kung ano ang napanood na episode ng mga taga-simbahan kaya ang programa nila ang nabigyan ng parangal.

“[Sa CMMA] Di pa namin alam kung anong episode ang napanood ninyo at napaburan ninyo kami, pero maraming, maraming salamat po talaga. Isa itong malaking karangalan.”

LIKE A FAMILY. Masaya ring nagkuwento ang aktres na parang pamilya talaga ang turingan at samahan nila sa Toda Max.

“The best talaga. Iba yung bonding, iba yung samahan. Every Toda Max day, sobrang excited talaga ako.

“Tulog na, pagod na ako pero wala, kahit pack-up na ‘ko, nandun pa ‘ko [sa set], kasi ayoko talagang iwanan yung grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang masaya hindi lang kaming mga artista, kundi pati sa production, sa mga crew, at yung love namin sa show. Kaya hayun, nagre-reflect sa ginagawa namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN