Marian Rivera surprises Dingdong Dantes at last day of Tiktik: The Aswang Chronicles comic book signing

Sa huling araw ng comic book signing ng Titik: The Aswang Chronicles comics sa National Bookstore, Trinoma, kahapon, Oktubre 12, marami ang nasurpresa nang dumating at naki-autograph sa mga comic books ang girlfriend ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera.


Kagabi, October 12, ang huling comic book signing ng Tiktik: The Aswang Chronicles sa National Bookstore, Trinoma.

Bukod kay Dingdong Dantes na madalas na dumarating sa comic book signing, naroon din lagi ang ilan sa cast ng pelikula.

Pero sa huling comic book signing, surpresang dumating din ang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera.

Larawan ng kasiyahan ang dalawa at nakita pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong nang kuhanan ng picture ang girlfriend at i-post sa kanyang Twitter account na may caption na, “What a pleasant surprise and Thanks MRG (Marian Rivera Gracia).”

Nang makapanayam nga ng PEP sina Marian at Dingdong, natanong agad si Marian kung inimbitahan ba siya ni Dingdong na samahan ito sa huling araw ng comic book signing.

Nakangiting sagot ni Marian, “Hindi, kasi, may taping talaga ‘ko ngayon. Sakto, yung taping ko, na-pack-up.

“So, sinabi niya sa akin ang sched ko at bilang busy rin ako, hindi ako makatulong mag-promote sa kanya.

“Sabi ko, kahit man lang sa ganitong pamamaraan, e, makatulong man lang ako sa kanya. Kaya nandirito ako.”

Gusto raw talaga kasing suportahan ni Marian ang boyfriend.

“From scratch kasi, ipinakita niya sa akin ‘to, sinabi niya sa akin ‘to. So, alam ko lahat ang nangyayari and even na wala ako rito, alam ko naman ang mga kaganapan,” sabi ni Marian.

Tinanong naman ng PEP si Dingdong kung ano ang masasabi niya sa pagpunta ni Marian sa comic book signing.

Nakangiting sabi nito, “Lubos ang aking pasasalamat sa suporta niya. Sobrang na-surprise ako.

“Kasi tamang-tama, na-cancel ang shoot niya. ‘Tapos, sinabi niya kung ano ang gagawin ko ngayon. Sabi ko nga, may comic book signing.

“’Tapos, sinamahan niya ‘ko rito.”

Natatawang dugtong pa ni Dong, “Actually, magdi-date nga kami pagkatapos dito.”

GRABBING CHANCES FOR DATES. Dahil parehong busy sa kani-kanyang careers, sinasamantala raw nila ang mga panahon na makakasingit sila ng pagkakataon na makapag-date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, parang gina-grab namin ang oportunidad, na kapag meron talagang free na oras, e, tinitingnan namin na talagang magsasama kaming dalawa,” sabi ni Marian.

“O kaya, pupunta siya o pupunta ako sa kanya para at least, hindi sayang yung oras.”

Pero sa kabila ng nakikitang kasiyahan nila sa kanilang relasyon, hindi pa rin sila tinatantanan ng mga intriga. Naaapektuhan pa ba sila ng mga ito?

“Ako, tapos na ‘ko riyan,” ang nakangiting sagot ni Dingdong, na ang ibig niyang sabihin ay nasagot na niya nang maraming beses ang mga isyung ipinukol sa kanya nitong mga nakaraang araw.

Sabi naman ni Marian, “Katulad ng sinabi ko noong in-interview ako ni Tito Lhar [Santiago], ang importante, alam naman namin ang totoo. So, dun kami.”

Hindi na siya naaapektuhan ng mga intriga?

“Not at all!” ang natatawang sagot pa ni Marian.

WHO’S THE “TIKTIK”? Sa October 15 and 16 ang premiere night ng Tiktik: The Aswang Chronicles.

Sa SM Megamall magaganap ang October 15 premiere, habang sa Greenbelt 3 naman gagawin ang October 16 screening.

Sa October 17 ang mismong nationwide release ng pelikula.

Pero ayon kay Marian, hindi raw siya makakarating sa kahit saang premiere dahil sa kanyang schedule.

“Hindi, e. Kasi, may Extra Challenge siya,” banggit ni Dingdong.

“Pero, meron akong special screening na siya lang ang bisita ko. Yung unang labas sa reel, isasama ko siya para makita niya.”

Pero sabi nga ni Marian, nakita na niya kung paano nagsimula ang proyektong ito ni Dingdong.

“Kasi, sa draft pa lang at script pa lang, ipinakita na agad ni Dong sa akin. So, aware ako sa nangyayari.”

Wala bang plano si Marian na sa susunod na mag-produce ng pelikula ang AgostoDos ay kasosyo na rin siya?

Ang AgostoDos Productions ang movie production company ni Dingdong.

“Naku, ‘yang mga ganyang bagay, e, ayoko munang isipin dahil mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa kanya pa lang, e, nakikita ko na kung gaano kahirap ang mga pinagdadaanan niya para lang ilabas itong pelikula ‘to.

“Siguro, hanggang likod na lang muna ‘ko. Hanggang ‘tiktik’ na lang muna ‘ko,” natatawa niyang sabi.

Nagbiro si Marian na siya raw ang “tiktik” sa pelikula. Dahil nang ipakilala ang cast na nasa comic book signing nung araw na iyon, si Dingdong nga si Macoy at si LJ Reyes naman si Hilda na isang aswang sa pelikula.

Nabanggit ng PEP kay Marian na gusto siyang i-produce ni Dingdong ng isang romantic-comedy na pelikula.

“Oo nga, palagi niyang sinasabi. Sure, why not?” sang-ayon ni Marian.

HOSTING EXTRA CHALLENGE. Kumusta naman ang taping ni Marian ng Extra Challenge?

“Ok naman, enjoy ako,” nakangiting sagot niya.

Sabat naman ng tila nagmamalaking si Dingdong, “May balita ako na napakagaling daw niyang host.”

Nabanggit ni Marian na mas matindi raw ang challenges ngayon sa bagong Extra Challenge, kumpara sa dating show na hino-host noon nina Paolo Bediones at Miriam Quiambao.

“Hindi lang medyo [matindi], lahat ay pinatindi. Mas pinatapang. Kailangan extra raw.”

Lagi naman daw siyang pinaaalalahanan ni Dingdong na mag-ingat lagi sa mga challenge sa show.

“’Sa pag-hosting mo, mag-ingat ka. ‘Wag kang aano ng mga challenges. Baka mamya, sabihin sa ‘yo, gawin mo. Baka mamaya may mangyari sa ‘yo, wala ako sa tabi mo,’” bilin daw ni Dingdong sa kanya.

Sa fans naman nilang nalulungkot dahil matagal na silang hindi nakikitang magkasama ni Dingdong sa isang proyekto, heto ang masasabi ni Marian: “Ok lang yun. Kasi siyempre, may kanya-kanya rin kaming mga projects ni Dong.

“So, ang importante niyan, hindi lang on-cam, kundi pati-off-cam, masaya naman kaming dalawa.

“Ang trabaho ay trabaho, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN