Isabel Granada appeals not to belittle actors who enter politics

Sana raw ay huwag maliitin ng mga tao ang mga artistang pumapasok sa pulitika. Sabi ni Isabel Granada: “Ang masasabi ko lang, it is ok kung talagang nasa puso ang pagtulong at maglingkod sa bayan ng isang tao kaya siya tumatakbo at nagkataon lang na artista siya."


Masaya si Isabel Granada sa bago niyang drama series sa GMA-7 ang Angelina del Cielo.

Tinatampukan ito nina Bea Binene, Jake Vargas, Jessa Zaragoza, Victor Basa, Mico Palanca, at Gloria Romero.

Kontrabida ang role ni Issa sa bagong teleserye na ito ng GMA-7.

Kahit na gumanap na siyang kontrabida dati sa Panday Kids ng Kapuso Network, tiniyak naman ng mestisang aktres na mas kamumuhian siya ng televiewers ngayon.

“Yup, ito ang pinakasalbaheng role ko ever. And challenging kasi siya, sobra... maraming bagong aabangan dito,” panimulang kuwento ni Isabel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook chat nung Huwebes, October 11.

“Sa look at sa title, Spanish na Spanish... love it,” pahabol na dagdag pa ng Spanish-Filipina actress.

Ayon pa kay Issa, hindi naman mahirap para kanya ang magkontrabida kahit mas sanay ang mga manonood na pa-sweet at wholesome ang kanyang image.

“All I gotta do is internalize on my character po and do my best na kaasaran ng tao, para tumatak sa kanila ang ibang Issa… It’s what the role asks for… ‘pag umaarte ako, di na po ako yun.”

Pero inamin niyang double effort ang kanyang dapat gawin para mas maging convincing dahil nga sanay ang viewers na mabait at sweet siya.

“Opo, and sana lang magampanan ko ng maganda at makatotohanan ang role ko. Nandyan naman si Direk Omar [Deroca] and ang cast na napakagaling po.”

KONTRABIDA PEGS? Paano naman siya naghanda para sa contravida role niya? May peg ba siya na tulad nina Bella Flores o Gladys Reyes?

“Ha-ha-ha! Ang lahat ng nagkontrabida sa showbiz, I respect them all… Tita Bella, Gladys, and many more, na iba-iba ang pagkakontrabida ng bawat isa. Iba-iba ang touch ng pagiging masama nila sa isang istorya.

“Ako po, I’ll base na lang po sa role na hinihingi, na ano ba ang isang mistress na mas feeling niya, siya ang asawa kaysa sa tunay na asawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it’s not all about yelling. Pailalim siguro ang atake ng pagkamasama ko sa story, he-he-he.”

Sino ba ang pinakapaborito niyang kontrabida?

“Si Ms. Cherie Gil po... I love them all, pero iba-iba depth ng acting nilang lahat. Ang kay Ms. Cherie Gil, suave. At sexy po siya,” paliwanag ni Isabel.

Wala rin daw problema kay Isabel kung kaasaran siya ng televiewers.

“Hindi naman po ako natatakot… Like us, when we watch, we kinda get carried away lang. And after that, wala na yun.

“Dati sa Panday Kids, ang daming lumalapit, grabe daw ako manabunot ng bata, sabay tawa. Sabi ko naman, ‘E, magagalit si Direk ‘pag di ko sinunod, e.’

“’Pag nagalit sila, I’ll be happy to know na effective siguro yung ginawa ko.

“Yun na lang consuelo ko, he-he-he.

“Basta, abangan n’yo na lang. More of a kaiinisang querida ako dito... ha-ha-ha!”

Dahil si Cherie Gil ang paborito niya, baka naman intrigahin siya na isa siyang “second-rate, trying-hard copycat”?

“Bwahahahahaha copy...paste na lang po, LOL!” pabirong sagot niya sa chat.

Kumusta na nga pala ang singing career niya? May balak ba siyang balikan ito?

“I’d love to go back to singing, and during the story con nitong Angelina del Cielo, nasabi nga ng direktor namin at ni Joey Abacan na, why not ako and Jessa do a version [of the theme song]?

“So, sana, kasi kaming dalawa ni Jessa ang natawag before na Juke Box Princess e, ha-ha-ha!”

Si Joey Abacan ang GMA-7 Vice President for Program Management, habang ang theme song naman ng nabanggit na TV series na “Angelina del Cielo” ay inawit ni Jonalyn Viray.

ACTORS IN POLITICS. Inusisa din ng PEP si Issa tungkol naman sa pagdami ng mga artistang pumapasok sa pulitika.

“Oh, well…dati na naman po may artista sa pulitika. Dumami na lang ‘coz meron kahit papaano na showbiz personality na kilala, nakakahatak sa masa, pinaniniwalaan, and helpful naman sa tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman ay mapalad na asawa ng isang city councilor [Geryk Genasky] ng Angeles City, na pinasok niya ito after we got married, and it works well for both of us. Si Geryk for ay number one councillor po siya,” pagmamalaki ni Issa.

Ano naman ang masasabi ni Isabel sa mga nagmamaliit sa mga artistang pumapasok sa pulitika?

“Ang masasabi ko lang, it is ok kung talagang nasa puso ang pagtulong at maglingkod sa bayan ng isang tao kaya siya tumatakbo at nagkataon lang na artista siya. Na bonus yung kilala siya.

“At huwag maliitin sana ang mga artista.

“Anybody can be a politician, as long as he is doing it for the betterment of a city, of a country.

“As long as alam niya na ito ay daan sa pagtulong sa kapwa, na mas wide ang connections niya kaya pinasok ang pulitika, why not? And if he should somehow know the laws and kung papaano papaunlarin ang bansa, why not?

“Like si Isko [Moreno] na dati nating kilalang miyembro ng That’s [Entertainment], na alam ng karamihan ay di fortunate na nakapag-aral ngunit sa ganda ng plano niya sa Maynila, nag-aral ito sa Harvard University, at nasaan na siya ngayon? Vice Mayor na, and ang dami niya nagawa sa Maynila.

“In fact siya nilalapitan namin ni Geryk, a lot of times, for advice,” mahabang paliwanag ni Isabel.

So, proud ka sa mga tulad ni Vice Mayor Isko na dating nagbabasura lang, ngunit nagsisikap talaga at ngayon ay maganda ang hinaharap sa pulitika.

“Yes, I’m proud of Vice Mayor Isko, kasi di siya nagbago ng ugali kahit na malayo na ang narating niya. Magkaaraw kami ni Isko sa That’s, Monday group kami,” pagbabalik-alaala pa ni Isabel.

SON TO ENTER SHOWBIZ? Tungkol naman sa nine-year-old son niyang si Hubert, sakaling gustong pumasok nito sa showbiz, papayagan ba niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hubert is born with talents and kahit di ko siya na-expose sa showbiz, singer-actor siya, nakakatuwa

“Pero sa tamang panahon at tamang project po siguro. Sa ngayon, maganda grades niya sa school and bibo po siya talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN