Cesar Montano recalls fondest memories with mentor and friend Direk Marilou Diaz-Abaya; says he learned how to love from her

Maraming natutunan si Cesar Montano mula sa kanyang direktor at kaibigan na si Marilou Diaz-Abaya. Aniya, “Professor, mentor… para ka talagang may kasamang kaibigan, nanay, at saka sobrang mapagmahal. I learned how to love. Akala ko marunong na akong magmahal before, but when I met her, mas nakita ko pa kung paanong magmahal pa ng tao…”


Isa sa tribute VTR para kay Direk Marilou Diaz-Abaya na ipinalabas kanina, October 13, sa Ang Latest ng TV5 ay ang panayam sa aktor at direktor ding si Cesar Montano.

Nagkasama sina Cesar at Direk Marilou sa tatlong pelikula--Jose Rizal (1998), Muro-Ami(1999), at Bagong Buwan (2001).

Natatawang ikinuwento ni Cesar ang fondest memory niya kay Direk Marilou.

Aniya, “Well, yung pinaka-recent namin ay yung nasa Bohol.

“Last year dapat, magda-diving kami. Pero hindi na kami nakapag-diving, pero dinala ko siya doon sa isang resort.

“Dapat dinner lang. Dinala ko ang children’s choir, Loboc Children’s Choir, ‘tapos, ‘ayun, kumanta ng kayrami-rami. ‘Ayun iyak siya, tears of joy…hindi ko na malimutan yun.

“Pinag-usapan namin ang lahat ng ginawa namin, nag-reminisce kami, biruan…”

May mga araw rin daw na nagbibiruan lang sila sa set, na ayon pa sa kanya ay mga funny moments naman nila ni Direk Marilou.

Aniya, “Minsan, meron yung nag-init ang ulo ni Direk sa Jose Rizal, kasi may umaaway sa kanya. E, siyempre inaway ko rin.”

“E, babarilin na ako, [dun sa eksena sa Jose Rizal], nakatali na ako, tumatakbo ako.”

“Meron din sa Muro-Ami, underwater. Ito yung first day namin.

“So, naglalaro ako sa mga isda, naghihintay ako ng call, ng signal kung take na.

“Kasi akalain mo ba namang may magsalita, ‘Ah, Cesar, ready na tayo.’

“Akala ko, kinausap ako ng Diyos, e.

“Biruin mo sa ilalim ng tubig may biglang nagsalita,” natatawa pang paglalahad ni Cesar.

LESSONS LEARNED FROM DIREK MARILOU. Pero higit sa mga masasayang araw na kanilang pinagsamahan sa trabaho ay ang katotohanang maraming leksiyon siyang natutunan kay Direk Marilou.

Saad niya, “Naku, napakarami. Kasi si Direk Marilou ay walking encyclopedia ‘yan.

“Para kang may kasama parating libro.

“Professor, mentor… para ka talagang may kasamang kaibigan, nanay, at saka sobrang mapagmahal.

“I learned how to love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Akala ko marunong na akong magmahal before, but when I met her, mas nakita ko pa kung paanong magmahal pa ng tao…

“Kasi napaka-sweet niya. Easy to love. Sobrang magbigay ng love lalo na sa maliliit na tao.”

IRREPLACEABLE. Sa huli, inamin ni Cesar na sa henerasyon ngayon, sa palagay niya ay wala pang sumusunod sa galing at henyo ng namayapang kaibigan.

“Irreplaceable. Nag-iisa lang talaga siya.

“Matatagalan pa siguro, probably 100 years.

“Huwag naman, pero I’m not being pessimistic, pero matatagalan bago magkaroon ng (next) Marilou Diaz-Abaya,” nawika na lang ni Cesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN