Nora Aunor and Brillante Mendoza react to their nominations at the 6th Asia Pacific Screen Awards

Parehong nakakuha ng nominasyon sa 6th Asia Pacific Screen Awards sina Nora Aunor at Brillante Mendoza para sa pelikulang Sinapupunan (Thy Womb), habang si Chris Martinez ay para naman sa pelikulang Ang Babae sa Septic Tank.


Biyernes, October 12, kumalat ang magandang balita tungkol sa pagkaka-nominate ng tatlong Filipino sa 6th Asia Pacific Screen Awards (APSA).

Kabilang sa mga nominado ay sina Chris Martinez sa Best in Screenplay para sa Ang Babae sa Septic Tank, Achievement in Directing para kay Direk Brilliante “Dante” Mendoza, at Best Performance by an Actress para naman sa Superstar na si Nora Aunor, para sa pelikulang Sinapupunan (Thy Womb).

Sa pamamagitan ng text messaging, humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe mula kay Direk Dante at kay Ate Guy through Boy Palma, ang personal assistant ng Superstar.

Ayon kay Kuya Boy, “Masaya siya sa mga nangyayari sa Thy Womb at sa pagka-nominate na naman sa kanya.”

Hindi pa man opisyal na inilabas ang The Womb sa local cinema ay marami na itong nakuhang international nominations, at itong huli nga ay sa APSA ng Australia.

MESSAGE FROM DIREK DANTE. Sa pamamagitan naman ng Facebook messaging ay nagpaabot ng mensahe ang award-winning director na si Direk Dante.

Kasalukuyan siyang nasa City of Ghent, sa Belgium, dahil nagkaroon ng screening doon ang isa pa niyang pelikula, ang Captive.

Idiniin ni Direk Dante na ang kasalukuyang nominasyon sa kanya at sa Superstar ay para na rin sa mga Filipino.

Aniya, “Hi, of course it feels good to be the first Filipino to be nominated again in this prestigious award giving body.

“It definitely strengthen our presence at the international film community not only in Asia but in the whole world.

“Like what I always say, in the past, that all this recognitions are not only for me but to all the Filipinos around the world.

Dagdag pa nito, “Nasa Belgium pa ako now, thanks.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN