Matteo Guidicelli after breakup with Maja Salvador: "I’m not ready to have a relationship yet—not now."

Matteo Guidicelli on ex-girlfriend Maja Salvador: “Oo naman, naka-move on na ako. Siyempre, she’s gonna be always be there, I’ll never forget the memories. She will always be special.”


Pagkatapos ng breakup nila ni Maja Salvador, sinabi ni Matteo Guidecilli na hindi siya nagsasara ng pinto sa tawag ng pag-ibig. Pero ngayon daw ay hindi pa siya handa sa bagong pakikipagrelasyon.

Ito ang pahayag ng aktor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 8 sa SunPiology for Run presscon.

“Oo naman, pero ayoko muna.

“Masaya naman ako sa buhay ko ngayon, I’m very, very contented.

“I’m in love with my sports and everything.

"I’m not ready to have a relationship yet—not now.

“But we’ll see, anything can happen. God has his plans but anything can happen.”

Nakikipag-date na ba siya?

“No, as of now hindi.

“Friends… I have a lot of friends to hang out with, they’re always there to support me. So, yun muna.

“Wala pa talaga, I’m not thinking of falling in love yet.”

JESSY MENDIOLA. Tinanong din ng PEP si Matteo tungkol sa sightings daw sa kanila ng kapareha niya sa Paraiso na si Jessy Mendiola.

Aniya, “Kasama ng buong staff ng Paraiso, lumabas kami after a long weekend kasi nag-tape kami sa Zambales.

“Pagkatapos nung taping, lumabas kaming lahat, bonding-bonding.

“After that, hindi na nasundan, yun lang yata.”

Kumusta ang working relationship at ang nabubuong friendship sa kanila ni Jessy?

“Very nice, you know the first time na nagte-taping kami, one whole day after one day, we got close right away.

“I hope you guys will see it sa Paraiso.”

Sa hiwalay na panayam kay JM de Guzman, na sinasabing boyfriend ni Jessy, sinabi nitong tiwala siya kay Matteo at nababaitan siya dito.

Ano ang reaksiyon dito ni Matteo?

“JM is a very nice guy. I know JM is a good friend also.

“We’re not really close but I can see in his eyes, he’s a very nice guy and I won’t do anything to disrespect him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAJA SALVADOR. Nag-birthday ang ex-girlfriend ni Matteo na si Maja Salvador last October 5.

Binati ba ni Matteo si Maja sa espesyal na araw na ito?

“I greeted Maja, I called and texted her and sumagot naman siya,” sabi niya.

Ayon kay Matteo, naka-move on na siya sa breakup nila ni Maja.

“Oo naman, naka-move on na ako. Siyempre, she’s gonna be always be there, I’ll never forget the memories.

“She will always be special,” diin niya.

ALL FOR THE SHOW. Marami ang nakapansin na ang laki ng initim at ipinayat ni Matteo. Bukod sa triathlon ay kinakailangan din ito sa role niya sa Paraiso.

“Lahat ng bagong look ko, dark and everything, it’s all for the show.

“Right now, I’m really concentrating on Paraiso.

"It’s a new project for me and I’m very excited for everyone to see it.

“And also the world championship triathlon so training ako and work.”

RUN FOR A CAUSE. Isa si Matteo sa lalahok sa SunPiology for Run na gaganapin sa November 24 sa McKinley Hill sa The Fort, Taguig City. Pangungunahan ito ng kapwa-ABS-CBN artist ni Matteo na si Piolo Pascual.

“Sobrang excited ako and Piolo is a really a friend of mine.

“I know this is really for a good cause, this is the first time I’m joining SunPiology.

“It’s for a good cause, for healthy living, healthy lifestyle.”

Nangako rin si Matteo na isasama niya ang ibang mga kapwa athletes.

“Yeah, isasama ko sa yung mga ka-team ko, eight sila, susuporta kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN