BB Gandanghari wants a straight guy to be her lifetime partner

BB Gandanghari on having a lifetime partner: “Kung dumating talaga yung tamang tao na talagang may naramdaman ako at maiparamdam naman sa akin na importante ako, oo. And then, in the end, susunod na lang yung lahat, e. Ang importante, yung makakita ako ng tao na puwede kong mapagkatiwalaan at mapagkakatiwalaan din ako—yung normal na relasyon na suporting each other. Di ba, kapag marami kang ginagawa, you just need someone who supports you and believes in you and insp


Marami na ang nag-aabang sa pagpapalabas ng stageplay na Sayaw Ng Mga SENIORita ng Gantimpala Theater.

Pagbibidahan ito ng mga direktor na sina Joel Lamangan, Soxy Topacio, Manny Castaneda, at Ricky Davao. Kasama rin sa main cast ang nagbabalik-teatro na si BB Gandanghari.

Binansagang “kabogera play of the year,” ang Sayaw Ng Mga SENIORita ay tumatalakay sa isyu ng pagtanda ng mga bakla, karamdaman, yaman, ang gustong mapag-isa, ang kahalagahan ng pakikipagkaibigan, pamilya, at pag-ibig.

Kaya naman may diin sa title ng show ang "SENIOR" dahil umiikot sa gay senior citizens ang takbo ng kuwento.

Itatanghal na ito simula sa November 16 sa Tanghalang Huseng Batute ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Sa presscon ng Sayaw Ng Mga SENIORita, na ginanap noong October 7 sa Café Ysabel sa may San Juan, isang riot na question and answer portion ang naganap sa pagitan ng members of the press at sa mga cast na dumalo—kabilang na sina BB, Direk Joel, Soxy, at Manny.


RUSTOM PADILLA IN 1996. Matapos ang Q and A portion, pinagbigyan ni BB ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa isang mahabang interview.

Ayon kay BB, hindi ito ang una niyang paggawa ng stageplay dahil bago siya naging BB ay isa sa mga huling proyekto niya ay sa teatro din.

Kuwento niya, “In a long time, oo, in a long, long time.

"But when I was younger, in school, I would do stage plays.

“Actually that was my parang my training sa theater—from elementary to college.

“I always part of the theater guilds in school.

“Tapos I was part of El Filibusterismo for Gantimpala in 1996 and that was the last time.”

Malinaw pa sa isip ni BB ang kanyang karakter sa klasikong nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, na isinalin sa dula ng Gantimpala noong 1996.

Siya pa noon si Rustom Padilla, na ayon kay BB ay may mga “personal battles” pa pagdating sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-alala niya, “Alam mo, enjoy na enjoy ako dun sa play na yun kasi ang ganda nung karakter ng Simon.

“Kasi galit na galit yung Simon, e, very bitter, e. And I think naka-relate si Rustom at that time.

“I think si Rustom at that time is very angry.

"And siguro... wala pa sa bitterness, pero papunta doon at that time.

“Kasi maraming-marami mga ano… ayoko na, iba kasi ang pressure at that time, e.

“So, parang naka-relate lang yung Rustom dun sa Simon. May rebellion na nangyayari sa kaloob-looban niya.”



BACK TO THEATER. Ano ang pakiramdam niya na pagkatapos ng sixteen years ay nagbabalik siya sa teatro—at bilang BB Gandanghari na?

Masaya niyang sagot, “Uhm, excited kasi gusto ko yung atmosphere ng theater, e, especially rehearsals, ini-enjoy ko yun, e.

“So far, so good. Looking forward sa mga rehearsals namin dito sa Sayaw ng mga SENIORita.”

Daring ba ang role niya dito?

“Yun ang medyo pinag-aanuhan pa namin.

“Yun yung nag-last reading kami, sabi ko baka puwede natin gawing medyo sexy yung character.

“Abangan nila, baka may mga surprises ‘tong role ko dito.”

Ano nga ba ang character niya sa play?

“Ano kasi, siya si… Raquel is a transsexual, na in the middle of everything, in the midlle of the process.

“Nandun yung psychological ano niya, so excited pa siya sa process, excited siya sa suso niya… ay, sorry!" natatawang bawi niya.

“Excited siya sa dibdib niya, excited siya.

“Siya yung ganung klaseng tao na ipakita niya yung private parts niya, mga ganun, walang inhibitions.”

Si BB ba ay may inhibitions pa rin sa totoong buhay?

“Meron din namang kaunti!” natatawang sabi niya.



BB FIFTEEN YEARS FROM NOW. Napag-usapan sa presscon ang tungkol sa pagtanda ng mga bading.

Bahagi sa istorya ng play ang pagtalakay sa kung sino ang mag-aalaga ng mga baklang mas pinili ang maging single hanggang sila ay tumanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si BB, paano niya nakikita ang kanyang sarili fifteen years from now?

Tugon niya, “Sabi ko nga kanina, ‘no, yung parang inano ko na yung sarili ko na, of course, in the end, I wanna have a partner too—to grow old with.

“But if and when hindi mangyayari yun, inilagay ko na rin sa isip ko na kailangan ko mag-ipon para may panggastos sa mga… alam mo na, yung hindi home for the aged ang tawag dun sa America, adult home care, na puwede ka pumasok, tapos active sila doon.

“So, para sa akin, puwede na rin yun. It’s like going to high school again.

“Na parang naka-dorm ka lang do’n at least may nag-aalaga sa ‘yo.

“Nandun na yun… ang tingin ko sa aging, e, nasa ganung level, ganung sistema.”

So, ayaw niyang tumanda dito sa Pilipinas?

Sagot ni BB, “Parang yun yung… of course hindi ako nagsasalita ng tapos, kasi may nakita kasi ako dun, e, enjoy.

“Kasi alam mo naman sa Amerika, malawak.

"By that time nag-retire ka na, at least yung privacy mo, parang napi-preserve doon.

“Siyempre, kapag matanda ka na, ano pa ba ang importante kundi privacy, di ba?

“So I think sa Amerika ko makukuha yun—not for anything.”



LIFETIME PARTNER. Tatalakayin din sa play ang pagkakaroon ng lifetime partner ng mga miyembro ng third sex.

Si BB ay nangangarap din bang magkaroon ng kasama habambuhay?

Bumuntung-hininga muna si BB bago sumagot, “A, it’s all part of it.

“In the end, parang kung nakikita n’yo ngayon, part ito nung pangarap nung BB na one day na magkaroon ng partner.

“Sabi nga ni Direk Soxy, kasama pa rin ako dun sa lumang ano na... gusto ko ng straight, na I wanna be with someone who can appreciate what he sees.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I think parang nasa straight guy ata yun.”

Kailangan pa ba niya ng approval ng pamilya sakaling magkaroon siya ng partner?

Mabilis na tugon ng Enchanted Garden star, “Ay, hindi. I think I’m adult, I’m mature enough to decide on my own.

“But in the end, maipakikilala ko, yung puwede siyang humarap sa pamilya. Puwede siyang makipag-usap sa pamilya.”



STILL NOT ACCEPTED.Naikuwento ni BB na hanggang ngayon ay parang itinuturing pa rin siyang "baby" ng kanyang mga kapamilya.

Kumbaga, teenager pa rin ang peg niya pagdating sa ina na si Eva Cariño-Padilla at mga kapatid.

Natatawang sabi ni BB, “Oo, batang-bata!”

Tanong ng PEP, pati ang “brother” niya na si Robin Padilla?

Sagot ni BB, “Oo, silang lahat, hindi yung mga sisters ko, medyo okay na naman sila.

“Usually mama ko, hindi pa sila open. Hindi pa nila nakikita yung ako na siguro merong may nakaka-date, yun, hindi pa.

“I can sense na sensitive pa sila pagdating sa mga ganyang usapan.”

So, naghihintay pa siya kung kailan magiging handa ang pamilya niya bago siya maghanap ng ka-partner?

“Hindi naman… ako talaga, I live my life.

“Kung dumating talaga yung tamang tao na talagang may naramdaman ako at maiparamdam naman sa akin na importante ako, oo.

“And then, in the end, susunod na lang yung lahat, e.

“Ang importante, yung makakita ako ng tao na puwede kong mapagkatiwalaan at mapagkakatiwalaan din ako—yung normal na relasyon na suporting each other.

“Di ba, kapag marami kang ginagawa, you just need someone who supports you and believes in you and inspires you?”



AGING AND ADOPTION. Hindi na kakaiba ngayon na may mga bading na nag-aasawa ng babae dahil open sila sa konsepto ng pagkakaroon ng anak at pamilya.

May iba rin na nag-aampon dahil para daw sa pagtanda ay may mag-aalaga sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni BB dito? At sa usaping pag-aampon, okay ba siya dito?

Tugon niya, “Kasi, alam mo, seven years ago, nagkaroon ako ng parang need to connect.

“Then, I got a dog.

"This dog, kasama ko na ‘to since seven years ago, dun ko na na-realize na marami kang ibinigay.

“May connection na kayo, pero walang expectations.

“Ganun din yung pakiwari ko kasi, I think, parang gusto ko nang magkaroon ng adopted na anak—not to para mag-alaga sa akin.

“At naniniwala kasi ako na kapag nag-adopt ka, papalakihin ko yun to be independent para magkaroon siya ng sariling buhay niya later on, hindi para alagaan ako.

“And that being said, okay na ako dun sa idea na ipapasok ko ang sarili ko sa isang adult home na puwede akong maging active till I expire.

“Pero hindi iasa ang sarili ko sa isang tao na tutulungan ko ngayon na aalagaan ako later, kasi I think that would be very unfair."



BB IN INDIE FILMS. Abala ngayon si BB sa Enchanted Garden ng TV5, at pagkakabalahan naman niya ang teatro pagdating ng Nobyembre.

May offer na rin kaya sa kanya para mag-pelikula, partikular na sa indie movies?

Tugon ni BB, “Actually, may mga pinag-uusapan, everything is in the process.

“In fact, excited ako dun sa isang pinag-uusapan namin. Malalaman n’yo din later on.

“Isa sa mga gusto ko talagang gawin ngayon ay yung independent film.

“Kasi nga, nandun yung mga magagandang tema, di ba?

“Parang ang sarap umarte sa isang independent film.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN