Joey de Leon and Willie Revillame express their admiration for each other

Joey de Leon (right) on Willie Revillame (left): "Pag tinanong mo ako sa mga paborito kong mag-host ng TV show ngayon, e, nasa top two agad ‘to, e. Dahil ginaling niya ‘to, e. Ako, pag hanga ako, hanga ako talaga. Magaling ang routine niya sa tao, tama lang ang pakuwela. Nung unang panahon, buwisit ‘to, e… ikinuwento ko na ‘to, e. Asar siya talaga. Pero ngayon, natuto siyang magpatawa na tamang-tama lang. Kaya ako, isang fan nito,


Matagal na palang gusto ni Willie Revillame na makipagkita kay Joey de Leon.

Naisip ni Willie na tamang timing ang pagpunta niya sa Startalk sa Studio 6 ng GMA Network kahapon, October 13, para batiin si Joey sa kanyang kaarawan. (CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Willie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “There should be a right time.

“Kasi, nung nag-birthday ako, I was surprised na binati niya [Joey] ako sa VTR.

“Siyempre, I made the move, I called Tita Lolit [Solis], kung puwede ba ako pumunta diyan.

“I called our bosses sa TV5, Atty. Ray [Espinosa], Boss Bobby [Barreiro] kung puwede ba akong bumati.

“Siyempre, ipagdadamot ba nila ‘yan? Hindi naman sila ganun.

“So, yun ang ginawa ko.”

THE CALL. Kahapon ng tanghali ay tumawag na pala si Willie kay Lolit Solis na nagpapaalam kung puwede siyang pumunta ng Startalk para sorpresahin si Joey.

Kuwento ni Lolit, “Sabi ko sa kanya, ‘E, di pumunta ka.’

“Hindi ko na muna sinabi sa kanila kasi baka mamaya, hindi naman siya makarating.

“Punta na lang siya kung gusto niya pumunta.”

Nang magsimula na ang Startalk, at sa segment kung saan binati na si Joey sa kanyang kaarawan, tinawagan ni Manay Lolit si Willie.

Ipapakiusap sana niya ang Wil Time Bigtime host kay Joey, pero hindi sila nagkarinigan.

THE GIFT. Sinabi na ni Manay Lolit kay Joey na reregaluhan daw ito ni Willie ng Rolex watch.

Hindi nila alam na nakabili na pala nun si Willie ng Rolex watch na ireregalo kay Joey, at tumuloy na ito sa Studio 6 ng GMA-7 kung saan ginaganap ang live airing ng Startalk.

Nagulat ang buong staff sa pagdating ni Willie na magiliw naman sa lahat na nandun na gustong magpalitrato sa kanya.

Tumambay muna si Willie sa control room ng studio at doon siya sinundo nina Manay Lolit at Ricky Lo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bitbit ang regalo para kay Joey, sinamahan siya ng dalawang Startalk hosts papunta sa veteran TV host-comedian.

Nagulat si Joey nang makita si Willie.

“Hindi na kailangan ‘to,” sabi ni Joey kay Willie nang inabot ng huli ang regalo.

Pagbalik ng mga hosts sa ere, doon na nila tinawag si Willie para bumati kay Joey at nagpasalamat na rin sa sorpresa nito sa kanya.

PRAISES. Magkasabay na nakapanayam ng PEP sina Joey at Willie at pawang papuri ang mga sinabi nila sa isa’t isa.

Sabi ni Willie, “Honestly, ikaw dapat ang lalapit sa kanya, e, hindi na siya ang lalapit sa ‘yo.

“May mga write-ups naman na tinanong ako kung sino sa mga hosts ang hinahangaan ko—siya naman talaga ang sinasabi ko noon.”

Naikuwento tuloy ni Joey na hanggang ngayon ay nakatago pa sa kanya ang regalong ibinigay sa kanya ni Willie noon.

Aniya, “Alam mo, may regalo lang isa na itinatago ko—tingin ko suwerte sa akin yun—ang kalso ng sapatos.

"Tinatanong ko nga kung naalala pa niya... galing kay Willie yun.

“Sosyal siya, gawa yun sa rosewood. Hanggang ngayon, itinatago ko pa yun.”

Dagdag pa ni Joey, “Alam ko pinanggalingan nito, e.

“Wala akong maisip na ibang tao na katulad ni Pareng Willie—na iba ang ano niya, e.

“Saka sini-share niya, e, yung mga biyayang natatanggap niya.

“At pag tinanong mo ako sa mga paborito kong mag-host ng TV show ngayon, e, nasa top two agad ‘to, e. Dahil ginaling niya ‘to, e.

“Ako, pag hanga ako, hanga ako talaga.

“Magaling ang routine niya sa tao, tama lang ang pakuwela.

“Nung unang panahon, buwisit ‘to, e… ikinuwento ko na ‘to, e. Asar siya talaga.

“Pero ngayon, natuto siyang magpatawa na tamang-tama lang. Kaya ako, isang fan nito, e,” patuloy niyang pahayag.

RESPECT. Hindi naman itinatago ni Willie ang paghanga niya at respeto kay Joey, pati kay Vic Sotto at sa mga taga-Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Alam mo, estudyante ako ng Eat Bulaga!. Lagi akong nanonood diyan.

“Pinapanood ko sila kung papa’no ang magandang gawin

“Saka nung time na wala akong ginagawa, kay Direk Tony Reyes, even with Vic Sotto, kinuha ako… naging part ka nila.

“Yung sila ang may call kung sino ang isama nila.

“E, nung time kailangan mo talaga pambayad ng kotse, pambayad ng bahay, e, malaking na bagay yun.”

Kaya bilang respeto, nung kinuha raw siya ng ABS-CBN para maging co-host sa dating noontime show ng APO Hiking Society, pumunta pa raw siya ng Eat Bulaga! para pormal na magpaalam sa kina Tito, Vic, at Joey.

Kuwento ni Willie, “Bago ako kinuha ng ABS na mag-host, nagpaalam ako sa inyo, di ba?

“Pumunta ako sa Eat Bulaga!, wala pa dun si Vic Sotto. Nagpaalam ako kasi respeto ko sa kanila.

“Pero hindi naman ako bida dun, APO yun, e, tapos yung MTB na nga.”

“Oo, nagpapaalam pa ‘yan,” sang-ayon naman ni Joey.

HEALTH & MARRIAGE. Ayon pa kay Willie, wala raw yung regalong ibinigay niya para sa kaarawan ni Joey. Mas hangad daw niya ang magandang kalusugan sa hinahangaan niyang TV host.

Sabi niya, “Importante yung health. Yun ang importante, e.

“Sa amin naman, yung contentment, nandiyan lang ‘yan, e. Kasi importante yung pagmamahal sa amin ng tao.

“Nakikita ko sa Eat Bulaga!, parang ganun din yung programa na ginagawa ko, e.

“Saka yung maliliit na tao, binibigyan ng importansiya.

“E, si Joey, henyo talaga, e,” papuri pa ni Willie kay Joey.

Mensahe naman ni Joey kay Willie, “Yun lang ang masasabi ko—na ako’y natutuwa talaga sa nangyari kay Pareng Willie, at magaling mag-alaga ng buhay niya ‘to.

“Sinasabi naman ng iba, hindi pa kumpleto ‘yan dahil wala pang asawa ‘yan.

“Sabi ko naman, iba yun, e, siya lang ang makakasagot nun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ni Willie, “Ayoko, e. Kasi may nagti-text sa ‘yo na hinahanap ka, hinahanap ka lagi, ‘Ano oras ka uwi.’ Ayoko ng ganun.

“Gusto ko iba-iba ang nagti-text sa akin.”

Buwelta naman ni Joey, “Ang asawa niya ngayon, yung paninilbihan niya sa mga fans niya.

“Pero nakikita ko, walang halong pambobola, ang laki ng ipinagbago ni Willie bilang tao at bilang host, kaya siguro marami pang dumarating na suwerte sa kanya.”

AN ANGEL NAMED LOLIT. Samantala, nagpasalamat si Joey kay Lolit dahil ito raw talaga ang nagsilbing tulay para magkaayos sila ni Willie.

Pahayag ng Eat Bulaga! host, “Alam mo, si Lolit, anghel ‘yan, e. Pag may mga taong hindi nagkakasundo, ginagawan niya ng paraan.

“Yun naman ang galing niyan, e.

“Tingnan mo si Lolit, mukha lang devil, pero angel ‘yan sa tunay na buhay!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN