PEP TALK: Toni and Alex Gonzaga dream of hosting their own talk show

Sinabi ni Toni na mas mabuting nasa ibang network ang kapatid niyang si Alex: “Parang maganda ‘yon for her na iba ‘yong mundong ginagalawan niya sa akin. So she can really grow and discover herself na away and apart from me. She can find her niche.”


Kung sa episode 1, binuking ng Gonzaga sisters na sina Toni at Alex ang mga "hate and like" nila sa isa’t isa.

Sa episode 2 naman ay inilarawan ang kanilang lovelife at relasyon sa magulang.

At ngayon, sa huling bahagi ng PEP Talk ay pinag-usapan ang kanilang career. Mayroon bang kompetisyon sa pagitan nila? Ang komento ng bawat isa sa kanilang mga performances— mapa-acting o hosting? May balak ba silang magsama sa iisang programa?

Unang nagtanong si Monching Jaramillo, section editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kung “may preference ba na guy" si Toni para sa nakababatang kapatid.

Tugon naman ng Kapamilya star, “E, kasi, ‘di ko naman madidiktahan ang kapatid ko kung sino ang magugustuhan niya, e. So, siguro ako, ang prayer ko na lang, someone na God-fearing, irerespeto siya and ‘yong family niya, and uhm, ‘yong hindi siya paiiyakin, ‘yon lang. “

MONCHING: “Parang si Direk Paul, gano’n?”

TONI: “‘Yon, parang gano’n.”

Ang tanong ni Rommel Llanes, associate editor ng site ay kung sino ang siblings na maituturing nilang rival.

TONI: “Wala siguro. Hindi kasi kami ina-ano ng Daddy namin na makipag-compete kahit kanino, e, sa isa’t isa lang.”

ALEX: “Oo, gano’n siya...”

TONI: “Hindi, wala, wala kaming gano’n, e, ‘yong kunwari katapat. Kahit kami naman sa sarili namin, e, wala kaming iniisip na katapat namin or ka-level namin. Parang sa amin lang…”

ALEX: “Gawin mo lang ang best mo pag binigyan ka ng pagkakataon, ‘yon lang.”

TONI: “Oo, ‘wag mong isipin. Kasi kapag tumingin ka sa... ma-out of focus ka, e, kasi... maa-ano ka, maiinggit ka. So kami, nagko-concentrate lang kung anong ibigay sa amin, pinagbubuti lang namin. Kaya ayun, wala kaming naiisip na ganun.”

ROMMEL: “Pero talking to you guys, parang napaka-colorful ng buhay ninyo outside showbiz. Sayang lang, nakakapanghinayang lang na nasa magkaiba kayong istasyon. Pero naisip ba ninyo ‘yon na, ’Sana gawan kami ng reality show na Keeping up with the Gonzagas?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALEX: “Gusto namin ng ate ko magka-talk show.”

TONI: “Pangarap namin ‘yon nung bata kami, nung SIS, kunwari kaming dalawa, sis.”

ALEX: “O kaya nag-e-MTV tayo, DJ.”

TONI: “Oo music video, mga 13 pa lang ako no’n. Kunwari SIS din kami, host-host kami…”

ALEX: “Cooking show…”

TONI: “May cooking show din kami. Marami kaming home videos na sa amin na lang…”

ALEX: “Na itinapon ng mommy.”

TONI: “Pangarap namin ‘yon talaga na magkaroon kami ng cooking show together. Sabi ko nga, kung hindi kami magkahiwalay ng network, siguro ano someday… Actually, ako sabi ko, gusto ko talaga mag-produce.”

ROMMEL: “So may hope na magkasama kayo in one project.”

ALEX: “Gusto talaga namin.“

MONCHING: “Gusto ko lang tanungin, ‘yong paglipat ba niya [Alex] career decision ‘yon?”

TONI: “Oo, parang maganda ‘yon for her na iba ‘yong mundong ginagalawan niya sa akin. So she can really grow and discover herself na away and apart from me. She can find her niche.

"Although we are doing the same things, although meron nga kaming halos parehong naibibigay na aming audience. Pero makikita na magkaiba pa rin ‘yong dynamics namin. “

ALEX: “At saka pag kasama ko siya, parati siyang nangingialam din sa ‘kin, e. Katulad kanina habang nagme-makeup, ‘Bilisan mo, ‘yong make-up mo ayusin mo.’

"So, you really can’t shine alone.”

Inusisa ni Nerisa Almo, ang head correspondent ng PEP, kung bakit natagalan bago pumasok si Alex sa showbiz.

TONI: “Hindi, accident ‘yong sa kanya.”

ALEX: “Kasi po lagi akong sinasama, kasama siya dun sa show na Juan and Only…”

TONI: “Tapos sa Wazzup, lagi siyang kasama.”

ALEX: “Tapos ‘yong EP [executive producer] niya si Ms. Dagang [Vibar], e, nakakasama ako off-cam. So nung nagkaro’n sila ng sitcom na Let’s Go, tinanong ako, ‘Tara, mag-audition ka.’ Dahil lang lagi akong kasama ng ate ko, so ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TONI: “‘Tapos ‘yon nag-audition siya ‘tapos nakapasa. Then from there, small roles, bit roles ‘tapos nag-improve na nang nag-improve.

"Sabi ko nga sa kanya, mas maganda ‘yong step by step... Di yung pagpasok mo ibibigay sa ‘yo lahat on a silver platter.

"Para ma-experience mo ‘yong heartaches, ‘yong mga rejections kahit papaano, kasi that makes you a better person and that make you cherish more, appreciate more ‘yong mga blessings na ibibigay sa ‘yo.

"It helps you to be more grateful kapag binigyan ka ng project.

"So sabi ko sa kanya mag-start ka talaga from the bottom.”

Sa puntong ito, pumalakpak si Alex nang may expression na manghang-mangha sa tinuran ng kanyang ate.

Nagtawanan sa studio.


ALEX: “Gawa ka kaya ng libro. “

TONI: “Actually after nito, parang I also want to impart my… for you.”

ROMMEL: “Dahil nasa magkaiba kayong network, nagkakaroon ba ng pagkakataon na nagkakaasaran kayo na, ‘Ay, ang pangit ng show n’yo na ganito,’ or ‘Ikaw, hindi maganda ‘yong show na ganito sa inyo.’”

TONI: “Nothing personal when it comes to the show that we do. Kasi pag nag-negative ka… Pinalaki kasi kaming gano’n, na pag nag-negative ka agad, yung negative kaagad ‘yong atake mo, ‘di magiging maganda yung pag-uusap n’yo. So more on improvement, encouragement, maybe in this area puwede mong…”

MONCHING: “‘Yong constructive criticism”

TONI: ‘”Yong constructive... Kasi ‘di nagwo-work sa amin yung pag nag-i-start nang negative sa isa’t isa, nag-aaway kami, nagka-clash kami.’”

ALEX: “Hindi, kasi ang kapatid ko… kapag ang mommy ko nag-text, ‘Very good, ang galing-galing mo.’ Sa akin talaga siya magtatanong, kasi alam niya magiging honest ako.”

TONI: “Oo! Mommy ko kasi, ‘Ang ganda, ang galing, very good…’”

ALEX: “Sasabihin lang niyan, ‘Ayaw ko ng make-up mo.’”

TONI: “Oo, siya ‘yong ite-text ko, ‘Cathy, totoo ba?’ [Sabi ni Alex], ‘Hindi. Ang pangit nung isang ano mo, ganyan, ganyan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least totoo siya.

"Siya din naman, ako rin, totoo sa kanya. Kasi one time, nanonood kami ng show niya sabi ko, ‘Bakit ganyan ‘yan? Ang pangit ng arte mo. Bakit ka tumitingin sa baba?’

"Siyempre ako naman, kala mo kung sinong best actress na nagtuturo. It’s because of experience, sabi ko, ‘‘Wag kang ganyan, hindi ganyan umarte.’ Mommy ko naman, ’Wag ka ngang ganyan sa kapatid mo…’”

ALEX: “‘Napakagaling kaya niyan!’”

TONI: “Ang hirap din kasama ng mommy ko…”

NERISA: “Napaka-supportive.”

TONI: “Oo, [sasabihin ni Mommy]. ‘Ang cute niya, ang ganda niya kaya.’ Sabi ko, ‘Anong maganda, e, ang pangit nga ng ginawa niyang ‘yon.’ Kami sa isa’t isa honest kami, kasi hindi kami…”

Biglang sabad ni Alex, "Ikaw naman last Sunday nakitaan ka, alam mo ba ‘yon?”

MONCHING: “Nakitaan?”

ALEX: “Super pakita ka ng mga… super ganyan ka ’tapos naka-shorts ka. So, tinext kita agad.”

TONI: “Oo, super pakita raw ako... super show-off daw ako ng something dito. Sabi ko, ‘di ko naman alam, at least honest siya. Mommy ko, ‘Mommy, may nakita ka ba?’ ‘Wala, ang ganda. Okay…’”

ALEX: “‘Best performance, ikaw lang talaga.’”

TONI: “Sabi ko, hirap kausap nito, text ko na lang si Catherine. So siya ang…”

ROMMEL: “So you always rely doon sa pagiging honest ninyo sa isa’t isa?”

TONI: “Oo. Minsan kapag sobrang masakit na ‘yong sasabihihn niya, text naman ako sa mommy ko para ma-lift up naman ako nang konti.”

ALEX: “‘Tapos i-forward naman ‘yong mga text ko sa mommy ko ’tapos ang mommy ko susugurin naman ako, ‘Ikaw naman next time, ‘wag ka naman ganyan magsalita sa Ate mo.’”

TONI: “Kasi pina-forward ko...”

ROMMEL: “You think kapag nagkaroon kayo ng third sister, nasa GMA-7 naman, para covered na lahat ng networks?”

TONI: “I think dadalhin ko muna siya sa PTV4, para bago siya mag-7… Minsan, hindi ko alam, siguro ano… mahirap pag tatlo kaming siguro nasa industry. Baka sumakit na ulo ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROMMEL: “Hindi niyo winish na paano kapag nagkaroon kayo ng third sister?”

TONI and ALEX: “Gusto namin lalaki.”

TONI: “Oo, gusto sana namin, lalaki.”

ALEX: “Gusto namin i-spoil namin siya kasi bata siya ’tapos siya lang lalaki.”

TONI: “E, wala, e. Kasi kung babae, kaagaw ko na naman sa damit. Okay na ‘yong kami na lang dalawa.”

ALEX: “Ikaw ang may kaagaw o ako?”

Nagtawanan na naman sa set dahil sa hirit ni Alex.

MONCHING: “I-promote na natin ang mga projects natin.”

TONI: “Naku ayan, iniimbitahan ko po kayo, malapit na malapit ‘nyo na pong mapanood ang pinakabago naming pelikula ni Vice Ganda, kasama rin po namin si Luis Manzano, ang This Guy’s In Love With You Mare, under Star Cinema and Viva Films.

"Sa October na po ‘yan, sana po’y ‘wag na ‘wag ninyong palalagpasin.

"Isang napakasayang pelikula na handog namin para sa inyong lahat. And The Buzz and ASAP, maraming-maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa lahat ng aming programa.”

TONI: “Of course ako, Enchanted garden, every 6:30 bago mag-Wil Time Big Time sa TV5.”

MONCHING: “Mag-ge-guest daw si Ate Guy sa finale ng ano…”

ALEX: “Excited na rin po kami. Hindi ko po alam, e, pero every 6:30 po ‘yon.”

TONI: “A.M. ha? Sinira ‘yong programming, e. A.M. ha, gising po kayo, ha?”

ALEX: “’Tapos ‘yong showing po ng pelikula niya, October 10, 2014.”

MONCHING: “Salamat Toni and Alex sa pagbibigay ninyo ng time sa amin.”

TONI: “Maraming salamat din sa PEP sa pag-imbita sa amin.”

ALEX: “Enjoy kami!”

Panoorin dito ang Part 1 at Part 2 ng aming panayam kina Toni at Alex Gonzaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN