Bb. Pilipinas-International Nicole Schmitz vies for "Miss Internet" award in 52nd Miss International pageant

“I’m just so thrilled about the opportunity to bring honor to our country," wika ni Bb. Pilipinas-International Nicole Schmitz bago lumipad patungong Okinawa, Japan, para sa 2012 Miss International beauty pageant. "If I’m lucky enough to win, the first thing I’d want to do is celebrate my victory with my fellow Filipinos,” dagdag pa niya.


Kasalukuyang nasa Okinawa, Japan si reigning Bb. Pilipinas-International Nicole Schmitz bilang representative ng bansa sa 52nd Miss International beauty pageant.

Susubukan ni Nicole na makuha ang ika-limang na Miss International title para sa Pilipinas; pagkatapos nina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), at Precious Lara Quigaman (2005).

Sa Oktubre 21 pa magaganap ang coronation night ng Miss International 2012, pero pagpasok pa lang ng buwan ay nagtungo na roon ang Fil-German candidate para mag-participate sa mga pre-pageant activities.

Bago umalis ng bansa ang part-time model, Psychology major, law student, at seasoned beauty-contest contender na si Nicole, sumailalim muna siya sa iba’t ibang trainings.

Kabilang dito ang personality development, short course sa Philippine history, makeup and fashion classes, at pati na rin ang istriktong pagda-diet upang mapanatiling fit ang kanyang katawan.

Matapos maghanda ng ilang buwan, masasabing handang-handa na nga si Nicole na harapin ang mga pagsubok sa kumpetisyon.

Sa panayam ng press kay Nicole bago siya lumipad patungong Japan, nailarawan niya ang kanyang pakiramdam tungkol sa pageant.

Sabi niya, “I’m just so thrilled about the opportunity to bring honor to our country.

"If I’m lucky enough to win, the first thing I’d want to do is celebrate my victory with my fellow Filipinos.”

Naniniwala si Nicole na makakayanan niya ang bawat hamon ng kumpetisyon dahil na rin sa pagiging "modern Filipina" niya.

"A modern Filipina is someone who confidently pushes for what she believes in," aniya.

Nabanggit din ni Nicole sa panayam ang mga plano niyang gawin matapos gampanan ang kanyang beauty-queen duties.

“In the near future, I’d like to focus on [studying] Psychology here in the Philippines, as it’s something that’s not really touched upon.

"My law degree would also come in handy for the legal aspects of it.

"Of course, the possibilities after the Miss International tilt are endless, and the future is open to just about everything... even show business,” wika ni Nicole.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay hinihikayat ni Nicole ang kanyang kapwa Pinoy upang suportahan siya sa Miss International competition, partikular sa Miss Internet category.

Ang kandidatang may pinakamataas na number of views sa Miss International website ang siyang mananalo ng Miss Internet award.

Makakatulong ang award na ito upang mapataas ang tsansa ni Nicole na makasama sa coveted top spots ng kumpetisyon.

Noong nakaraang taon, nakamit ni Bb. Pilipinas-International 2011 Dianne Necio ang naturang award at nakapasok ito sa Top 15.

Para iboto si Nicole sa "Miss Internet" category, mag-log on sa http://www.miss-international.org/en/.

I-click ang "Miss International Online Poll 2012" sa side bar at i-click ang larawan ni Nicole Schmitz.

Matatapos ang voting period sa October 19, 2012, Japan standard time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN