Artista Academy finalist Vin Abrenica admits his parents have gone their "separate ways"

Inamin ni Vin Abrenica na hiwalay na ang mga magulang nila ng kapatid niyang si Aljur Abrenica. Lahad niya, "Dati, e, magkakasama po talaga kami sa isang bubong—lahat kami masaya, nagsisimba, kumakain sa labas. Pero lately, noong medyo may naging malabo na, medyo hindi po malinaw, e… Ewan ko, medyo naghiwalay, nag-decide po silang mag-separate ways po.”


Isa sa Top 6 students ng Artista Academy ng TV5 si Vin Abrenica, ang nakababatang kapatid ng Kapuso actor na si Aljur Abrenica.

Suportado ni Aljur ang pagsabak ng kanyang kapatid sa artista search ng Kapatid network dahil sa determinasyon din ni Vin na matupad ang kanyang mga pangarap.

Noong Sabado, October 13, ay nag-guest si Vin sa Ang Latest. Dito ay inamin niyang hiwalay na nga ang kanilang mga magulang.

Naging palaisipan kasi sa mga manonood kung bakit "Pampanga" ang nakalagay na address ni Vin, pero bukambibig naman ni Aljur na sa "Batangas" ang kanyang probinsiya.

Sabi ni Vin, “Yung sa akin naman po ay lumaki po talaga kami sa Pampanga.

“Eighteen years po ako dun, pero every summer, doon po kami sa Batangas.

“Pero ako po… pero ako po, kahit may pasok ay pumupunta po talaga ako kay Daddy.

“Kasi daddy’s boy po talaga ako.”

SEPARATE LIVES. Hindi na ba magkasama sa iisang bubong ang kanyang ama at ina?

Seryosong sagot ni Vin, “Lately lang po nangyari yun… lately lang po nangyari yun.

“Yung mga araw po na dati, e, magkakasama po talaga kami sa isang bubong—lahat kami masaya, nagsisimba, kumakain sa labas.

“Pero lately, noong medyo may naging malabo na, medyo hindi po malinaw, e…

“Ewan ko, medyo naghiwalay, nag-decide po silang mag-separate ways po.”

Sa ngayon daw ay nakatira si Vin sa bahay ng kanyang Kuya Aljur.



LETTER AND POEM FROM KUYA. Isang sorpresang sulat at tula naman ang ipinadala ni Aljur para kay Vin.

Dito ay napag-alamang “Vim” pala ang tawag ni Aljur sa nakababatang kapatid.

Ito ang nilalaman ng sulat ni Aljur:

“Vim, first of all, hindi ako sanay. Inaaway pa ako ni Mama para gumawa lang ng letter sa ‘yo.

“Pangalawa, alam mong sa babae lang ako sumusulat. Hehehe.

“Kaya Vim, pasensiya na kung hindi buo ‘tong letter ko dahil hindi ko alam kung paano ko i-express ang nararamdaman ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nakagawa ako ng tula, mas nae-express ko ang sarili kong nararamdaman sa pamamagitan noon.

“Kaya sana magustuhan mo. Nakasulat lahat doon ang halos lahat ng gustong sabihin ng kuya.

“Aljur.”

Kasunod namang binasa ng isa sa mga host ng show na si Amy Perez ang tula para kay Vin:

Aking kapatid, malaki na ang ating pagkakaiba

Ako’y tahimik at laging seryoso.

Ikaw naman ay komedyante at ubod nang bibo…

Sa tuwing may problema ang pamilya, ikaw ang taga-balance nito.

Ikaw lang naman ang mahal kong kapatid,

Na kapag ako’y may problema ika’y tagapakinig…

Minsan may problemang hindi ko na kinakaya

At minsan ay hindi ko na mawari na ikaw ay nagsisilbing kuya…

Mahaba pa ang tula pero hindi na ito tinapos na basahin ni Amy dahil nangingilid na ang luha ni Vin.

Sa huli, nagpaabot naman ng papuri si Vin sa kanyang Kuya Aljur.

Naiiyak niyang sabi, “Na-touched po ako nang sobra.

“Kasi si Kuya po, alam ko po… bilib po ako sa kanya pagdating sa mga sulat, kasi hindi po siya marunong…

“Ako po, pagdating sa essay. Pero sa school, pagdating sa tula, siya po talaga ang magaling magsulat.

“Hindi pa po niya ito nagawa sa akin, ngayon lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN