Glaiza de Castro does intimate scenes with Dennis Trillo in Temptation of Wife

Aminado si Glaiza de Castro na “nailang” siya habang ginagawa ang intimate scenes nila ni Dennis Trillo para sa Temptation of Wife. Gayunman, siniguro ni Glaiza na "bina-balance din namin siya, na kahit sexy siya, may humor pa rin, hindi siya yung sobrang seryoso."


Hindi na bago kay Glaiza de Castro na gumanap na kontrabida sa mga teleserye ng GMA-7; gaya ng Stairway To Heaven (2009) at Diva (2010).

Sa bagong primetime series na Temptation of Wife ay gaganap si Glaiza bilang si Heidi, ang aagaw sa asawa ni Angeline (Marian Rivera) na si Marcel (Dennis Trillo).

Inilarawan ni Glaiza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang karakter niya sa programang ito.

“Temptress siya, which means aggressive siya, selfish, ambitious, and she knows what she wants and she knows how to get it.

“Tapos sa umpisa ng story, ie-establish na magkaibigan talaga sila ni Angeline, si Marian. Tapos aalis ako sa story, e, parang magpa-Paris ako para mag-aral.

“When I come back, parang yun nga yung Heidi na mas powerful, tapos ready na to take anything na kinuha ni Angeline from her.”

Nakausap ng PEP si Glaiza sa set ng Temptation of Wife sa Christ the King Church sa E. Rodriguez, Quezon City, kahapon, Oktubre 15.



INTIMATE SCENES WITH DENNIS. Ang Temptation of Wife ay adaptation ng Korean drama series na ipinalabas sa GMA-7 noong 2011.

Kaya naman inaasahan na ni Glaiza na magkakaroon ng pagkukumpara sa kanya at sa orihinal na gumanap sa karakter na Heidi—ang Korean actress na si Kim Seo Hyung.

Pero pipilitin daw ni Glaiza na medyo malayo ang interpretasyon niya sa kanyang karakter, mula sa ginawa ng orihinal na gumanap nito.

“Siyempre kailangan pa rin mag-deviate doon sa acting,” wika ng aktres.

“Kasi siyempre, siya na ‘yon, e, kung ano yung approach niya, it’s her.

"Sa akin naman, kasi hindi naman ako nag-iisip kung paano.

“Basta yung feel lang nung script, talagang tinitingnan ko kung anong kailangan na emotion for this.

"Tapos ayun, parang mas gusto ko subtle yung approach, mas scheming siya.

“So hindi siya yung stereotype na kontrabida na puro ismid lang, puro taray lang. Mayro’n pa rin siyempre heart yung character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi naniniwala naman ako na hindi lahat ng kontrabida, evil, e. May reason, e, mayro’n pa rin siyang good side.

"So, iyon din yung gusto kong makita ng tao.”

Isa pang pinaghandaan ni Glaiza ay ang intimate scenes nila ni Dennis Trillo.

Inamin ng Kapuso actress na “nailang” siya habang ginagawa ang mga eksenang ito. Pero hindi na lamang nila hinayaan ni Dennis na makaapekto ito sa kanilang performance.

Hindi rin naman daw nila hinayaan na masyadong maging sexy ang ilang eksena, dahil ikinukunsidera rin nila ang mga batang maaaring makapanood ng kanilang programa.

Ani Glaiza, “Ayaw naman namin na pagmulan ‘to ng bad values, ng nakaka-offend na ano…

"So, bina-balance din namin siya, na kahit sexy siya, may humor pa rin, hindi siya yung sobrang seryoso.

“Kasi yung character dito ni Dennis, siya yung parang comic character dito, e.

"Though asawa siya ni Heidi, yung pagiging ano niya rin, e, yung medyo may pagka-childish siya, e.”



VERSATILE ACTRESS. Sabi pa ni Glaiza, hindi madali ang madalas niyang pagganap na kontrabida.

Matalino na raw kasi ang mga manonood ngayon, na nakakapuna kung paulit-ulit na ba ang technique na ginagamit upang gampanan ang isang role.

Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa direktor ng Temptation of Wife na si Dominic Zapata dahil “ang dami niyang inputs doon sa character ko."

Dagdag ng aktres, “So nakakatuwa na tinutulungan niya ako na mag-build ng character na totally distant from others.

“And tingin ko, hindi naman nila ito makumpara sa mga previous kontrabida roles ko, kasi mas ano ’to, e, daring and mas aggressive talaga, e.

"Malaki yung difference talaga.”

Ngunit lubos ang saya ni Glaiza sa mga nakakapansin na kahit ano pa mang karakter ang ibig sa kanya, bida man o kontrabida, ay kayang-kaya niyang gampanan.

“Fulfilling!” bulalas ng aktres nang tanungin ang kanyang reaksiyon tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi bilang aktres, isa rin naman yun sa mga gusto kong mangyari, e.

"Kumbaga, you’re given a role, kahit maliit o malaki, ang trabaho mo is to play and enjoy.

“So yun naman talaga yung goal ko, na ma-portray ko lang nang maayos yung character ko, regardless of the role—kung kontrabida siya o bida.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN