PEP TALK: Dingdong Dantes considers Tiktik: The Aswang Chronicles as "more than a dream project"

“Ako na-discover ko ‘yong kagalingan ng mga Pinoy artists especially the ones making the CGI or computer-generated imagery. Ang galing nila, e. Basta bigyan mo lang ng tamang equipment at tamang panahon, sobrang hanep ng output,” Dingdong Dantes says about the people involved in the making of Tiktik: The Aswang Chronicles.


Matinding excitement ang nararamdaman ni Dingdong Dantes sa pagbubukas ng bago niyang pelikula, ang Tiktik: The Aswang Chronicles, ngayong araw, October 17.

Bilang unang male guest ng PEP Talk, ang web show ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Dingdong kung gaano siya kasaya para sa pelikulang ito na aniya’y maipagmamalaki ng mga Pilipino.

Ang Tiktik kasi ay maituturing na kauna-unahang pelikulang Pilipino na gumamit ng computer-generated imagery sa buong pelikula na gamit ang green screen.

Kabilang ang production outfit ni Dingdong, ang Agosto Dos, sa limang producers ng Tiktik, na nabuo sa loob ng 20 buwan. Ang iba pang producers ay binubuo ng Reality Entertainment, Post Manila Production, Mothership Productions, at GMA Films.

Sa unang bahagi ng PEP Talk, tinanong ng associate editor na si Erwin Santiago kung saan siya mas tensiyonado—sa pagiging actor o sa pagiging co-producer.

Bilang pambungad, nagbiro si Dingdong sa kanyang pagsagot: “Tensiyonado ako sa mga interview.”

Pagkatapos ay ikinuwento niya, “Kapag nasa set ako, I make it a point na I just wear one hat.

“Noong sinu-shooting namin siya, I gave my full trust to [movie director] Erik Matti.

“Kasi, noong nakuha ko ‘yong script, doon pa lang, nasabi ko na napakaganda ng materyal, walang kailangang baguhin, and we stick to the script by heart.

“Walang naging hassle so, I didn’t step my foot in as a producer while shooting it.

“Pero siyempre, before and after, doon na papasok… Nagiging mas tensiyonado siya, siyempre, habang papalapit sa playdate, e, talagang sobrang excited kami.

“It’s really more of excitement than the negative feeling.

“So, we’re just really more eager para makapag-invite ng more people to watch it kasi siyempre we wanna share kung ano ‘yong nagawa namin.”

BUDGET AND QUALITY. Sa mga press conference na ginanap para sa promotion ng pelikula, naiilang si Dingdong kapag ang pinag-uusapan na ay tungkol sa halagang ginastos nila para sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit sinubukan ulit itong usisain ng PEP managing editor na si Karen Pagsolingan.

Tanong niya kay Dingdong, “The budget we heard is not cheap?"

Sagot naman ni Dingdong, “It’s not. Kasi ako, I believe na kung ano ‘yong nilatag mo, ang [nilagay] mo doon sa project, sabihin man nating monetary man ‘yan o ‘yong effort mo, gano’n din ang i-e-expect mo in return. If you put this much, expect this much.

Erwin: Puwede bang sabihin na umabot ng 70M o wala pa doon?

Dingdong: A little over.

Erwin: Wala bang kaba na baka, you know, ‘yong magiging pagtanggap ng tao dito...

Dingdong: Oo, malaki talaga. Pero bukod sa takot at sa pressure, mas gusto namin na mas excited kami na marami ang makapanood. Alam mo, kung hindi man ma-meet ang expectation namin, at least we did something na gusto talaga namin. We started something new, kumbaga, na baka magkaroon ng trend or kung anuman. Basta ang importante ay ma-entertain sila, which I’m pretty sure naman na mangyayari.

Karen: Are we confident in saying na ang quality ng film nito ay malapit sa Hollywood?

Dingdong: Ako, personally, I never want to claim that we want to be at par or we want to even get close to what Hollywood is giving us. Imagine, the budget we used for this film is probably the budget for just one scene of one Hollywood big movie. Mahirap talaga makipagkumpitensya.

“Pero at least, we’re taking an extra step forward. Kumbaga, kapag sinabi mong extra step, ito 20 months in the making siya and medyo hindi namin minadali. Ano siya, it’s really something different.

“Kung sasabihin mong malalapit man o iko-compare mo, bahala na ‘yong mga tao na magsabi kung ano ‘yong kalidad. Basta ang importante, through the process…

“Ako na-discover ko ‘yong kagalingan ng mga Pinoy artists especially the ones making the CGI or computer-generated imagery. Ang galing nila, e. Basta bigyan mo lang ng tamang equipment at tamang panahon, sobrang hanep ng output. In fact, ‘yong mga artist natin, most of them, sila pa ‘yong gumagawa ng ibang Hollywood effects shots. Kumbaga, ginagawa natin locally then, they bring it out.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Erwin: Napanood mo na ba yung buong pelikula?

Dingdong: Yes, pero hindi siya kumpleto in the sense na wala pa ’yong huling part—hindi pa siya color-graded, ‘yong audio hindi pa pulido. Pero ‘yong pagkakadikit-dikit napanood ko noong nagpunta kami sa MTRCB. So, exciting talaga.

DREAM PROJECT AND DREAM ROLE. Ang sumunod na topic ay tungkol sa kanyang mga aspirasyon bilang producer.

Erwin: Can you say that this is already your dream project?

Dingdong: Hindi pa naman... Pero siguro even more than a dream project, even more than a dream project!

Erwin: Pero ano ba ‘yong iba pang dream projects mo as an actor and as a producer?

Dingdong: Siguro ako, mga action-suspense, action-drama or a biopic, perhaps.

Erwin: Anyone in particular?

Dingdong: Very interested ako sa buhay ni Ninoy Aquino. Although physically hindi ko alam kung swak ako sa role pero interested ako.

PLANNED MOVIE FOR MARIAN. Sa episode na ito ng PEP Talk with Dingdong, nabanggit nitong may plano rin siyang mag-produce ng pelikula para sa kanyang longtime girlfriend na si Marian Rivera.

Dingdong: Oo, gustung-gusto ko ‘yon.

Karen: Anong project kaya ‘yon? Ano ang naiisip mong konsepto?

Dingdong: Meron na. Meron na, actually, but I don’t wanna spoil it yet kasi as we speak, of course, we’re brewing something for her. Siguro in proper time, malalaman n’yo rin.

Erwin: Pero anong genre na lang without going to specifics?

Dingdong: Genre, siguro ‘yong strength niya, which is comedy.

Karen: Directing? Di ba, you’ve directed before?

Dingdong: Oo, dati.

Karen: Do you have plans of pursuing?

Dingdong: Wala pa muna. Wala pa ngayon. Wala pa muna ngayon. Siguro in the future. Mas masarap maging actor muna.

Sa susunod na episode ng PEP Talk with Dingdong Dantes, ipapaliwanag niya kung bakit naharang ang pagpapalabas ng susunod niyang teleserye, ang Haram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sasagutin din niya ang mga intrigang ibinabato sa kanya kamakailan kaya abangan!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN